When You And Me Collide-cHappy thirteen

305 15 6
                                    

When You And Me Collide—cHappy thirteen

TRICIA's pov

Para magbigay daan sa event na gaganapin ngayong araw, half day lang ang klase naming lahat. Kaming mga representative ay hindi na pinapasok at excuse naman daw. Wala na yata akong natutunan ngayong linggo. Gusto ko pa namang bumawi para tumaas man lang ang rank ko. Hindi ko talaga matanggap na mababa ako.

"The program will start in 15 minutes. Please stay on your seat and be ready." anunsiyo ng isang committee na estudyante din. Nakaupo na kaming mga lalahok at palagay ko ay nasa mahigit bente kami rito na naghihintay na lang tawagin isa-isa para magperform. Kanina pa ko namake up-an at kanina pa rin nakatitig si Clarence sa akin.

"Ano?"

"You look different." Nagkibit-balikat siya. "Just not the way I expected it."

Humalukipkip ako. "Bakit? Ganda ba?" Ngumisi ako sakanya.

Tumaas ang kilay niya. "Cause you are wearing a make up." Katwiran niya. Umiling-iling siya. "Morena ka kaya kahit walang make up maganda pa rin. Pero ngayon, mas lalong gumanda ka. Iba talaga ang dating mo ngayon eh. Hmm..." inisang tingin niya ko mula ulo hanggang paa. ". Just dance well and we're going to win this."

Natawa ko at tinignan na rin ang suot kong costume namin. Nakapalda ako na hanggang taas ng tuhod ang ikli. Kulay checkered na pula ito at may mahabang slit sa kaliwang parte. Nagsuot ako ng cycling na black para di asiwa. Ang pang itaas na parte naman ay Filipiniana ang design na kulay cream. Ang kaliwang braso ko lang ang may manggas kung kaya't kita ang balikat ko sa kanan. Ang buhok ko naman ay itinali ng pa-bun na binagay sa suot ko. Nilagyan nila ito ng malaking sunflower sa gilid. Wala akong suot sa paa kaya literal na nakapaa lang ako mamaya kapag sumayaw. Si Clarence ay nakashort na pula at nakakamisetang puti na pinatungan ng Barong. MakaBayan ang peg naming dalawa. Syempre, buwan nga ng Wika eh. Ano ba, Tricia?

Kanina ay nagbunutan na ng pagkakasunod-sunod at nasa gitna pa kaming magpeperform. Mas lalong kinabahan ako. Nakakapressure pala kapag isa ka sa magpeperform. Habang tumatagal at isa-isang nakikita na nagpeperform sila, lalo akong hindi mapakali. Parang may humihilab sa tiyan ko. Nang hindi ko na nakayanan, tumayo ako. Agad na nilingon ako ni Clarence.

"Where are you going?"

"Magpapahangin lang. Babalik din ako kaagad."

Tumango siya. "Sige. Itetext kita kapag next na tayo." Ramdam kong ayaw niya kong umalis pero siguro alam niya kung anong nasa isip ko kaya pinabayaan niya na lang ako.

Lumabas ako sa backdoor ng gym at bumuntong hininga. Napaupo ako sa gutter at kinalma ang sarili. Ayaw ko na muna marinig ang hiyawan sa loob dahil mas nakakadagdag sa kaba ko ang boses ng mga manunuod. Pilit kong isinasantabi ang kabang nararamdam at nagchant na lang ng kung ano sa isip. Para lang mabawasan ang panlalamig ng kamay, winaksi-waksi ko ito sa ere.

"Hey, you." Ani ng boses sa gilid ko. Napalingon ako sa narinig at bahagyang nagulat.

"A-ako ba?" Turo ko sa sarili. Hindi kasi ako makapaniwala na kinakausap niya ako.

Tumango ito. "Yep. I know your name but let's just say I forgot." Nilagay niya ang isang kamay sa bulsa at tinuro ako gamit ang lollipop ng hawak. "Bakit ka nandito? Dapat ay nasa loob ka na, 'di ba?" Nagtatanong lang naman siya pero animo hinusgahan niya na ang buong pagkatao ko. Hindi ko alam kung minamaliit niya ko o ganyan lang talaga tumingin ang pinuno ng student council.

When You and Me Collide [TSCM series 5]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon