When You And Me Collide—cHappy nine
TRICIA's pov
"Nagreview ka ba Rence? Kita sa resulta ng exam na hindi," sabi ko habang nakatingin kami sa bulletin board.
"Hindi lang talaga lumabas 'yung mga nareview ko," napakamot siya sa ulo.
"Palusot dot com."
Nilingon niya ko ng masama ang tingin, "Yabang. Pinagmamalaki mo na sakin ang isang puntos na diperensya natin?"
Bumagsak ang balikat ko at sumimangot. Magkasunod lang kasi ang rank naming dalawa. Nasa number 70 ang pangalan ko at siya naman ay 71. Totoong nagreview ako pero mukhang kinulang ako sa oras. Ang hirap pala talaga dahil halos lahat ay hinulaan ko lang. Ayan, review pa more.
"Sayang, 'di man lang nag-Top 20."
Pareho naming tinignan ang pinakamataas. Nahagip ng paningin ko ang pangalan ni Locus na namamayagpag pa rin bilang numero unong pinakamagaling. Ang masasabi ko lang ay siya na. Siya na talaga.
Pero ang pinaka napansin ko ay halos lahat ng kaklase ko ay nasa ibaba. Si Allisa ay mataas ang nakuha, si Eina naman ay nasa gitna lang, bukod doon ay wala na. Sigurado bang nakashuffle ang mga estudyante sa bawat section? Bakit parang kami ang kulelat sa lahat?
"Tricia, sumama ka na mamaya. May bagong coffee shop kaming nakita."
"Malapit lang dito sa school pero sasakay tayo sa sasakyan nila Rence. 'Di ba?" Untag ni Eina sa katabi.
Tumango lang ng napipilitan si Clarence. Palagay ko ay nakikisama lang talaga siya samin. Hindi naman siya bading pero wala lang talaga siyang choice dahil ayaw niyang kaibiganin ang ibang lalaki sa klase.
Napakamot ako sa ulo. Nag-iisip kung paano tumanggi sakanila. Hindi pa ako nakakapunta sa coffee shop kaya wala akong ideya ng mga presyo ng pagkain dun. Mahal panigurado.
Pero nakakapanlaway. Maraming cakes doon. Mahilig ako sa matatamis at kahit minsan lang ako makatikim, alam na alam ko ang lasa. Gusto ko pero walang anda.
"Kayo na lang. Hindi naman ako mahilig sa mga ganyan."
"Sumama ka na, kahit ngayon lang," pilit ni Allisa.
"Si Rence ang maghahatid sa'yo pauwi," sulsol pa ni Eina kahit wala naman sinasabi si Rence.
Bago pa ko sumang-ayon ay hinila na nila ko palabas ng school. Sa labas ng gate ay naghihintay na ang puting sasakyan nila Clarence. Pang-animan ang upuan nito, sa pinakahuli nila ako pinaupo tabi ni Allisa.
"The food is awesome, I rated it 10 for originality. Marami rin ang sumang-ayon nang ipost ko 'to sa blog ko."
"Anong pangalan?" tanong ko.
"Rocket Coffee. Oh, you will love it there. Napaka-cozy at kakaunti lang ang tao. Mas gusto ko ang ganon kaysa crowded at maingay. And their staffs are really accomodating."
"Nice," komento ni Clarence habang nakatingin sa labas.
"I actually wanted to try their chocolate mousse kaya gusto ko ulit pumunta. It's the same taste like what Allisa made, matamis nga lang."
"What? My chocolate mousse is the best," nakangusong sabi ni Allisa na nagtampo sa sinabing 'yon ni Eina.
"I know. Gusto ko lang malaman mo kung anong pinagkaiba."
"I baked last night. Nakalimutan ko lang dalhin ngayon," singit ni Rence.
"Nagbe-bake kayong lahat?" Manghang tanong ko na ikinalingon nilang lahat sakin.