Chapter 9

964 24 1
                                    

CHAPTER 9

Yiandra's POV

' Coz girl you're perfect,
You always worth it,
And you deserve it,
The way you work it ...'

Halos maihi ako sa pinapanood kong scenario sa Fifty Shades of Grey. Ang Hot talaga ni Jamie at Dakota, shit! Kami kaya ni Savier, kapag may nanonood samin, maiihi rin ba? Napailing na lang ako, malamang BS yun eh at live pa. But the mere fact is ... we're not in good terms right now.

Speaking of 'Sav My Boss' hindi ko alam kung anong oras siya uuwi. It's already 10:45 pm but still, he's not here. Galit ba siya sakin dahil sa ginawa ko? Mali bang magsinungaling ako kahit minsan lang? Isang maliit na bagay siya mismo ang nagpapalaki, andun lang naman ako sa magulang ko eh. At sa pagkakaalam ko walang pakialam yun sakin. Tsk. Mga arte niya talaga, nag gagalit galitan kunwari pag lumandi ako, pero ang ending NGANGA! Paasa lang talaga ang isang yan.

Natapos na ang movie pero hindi pa rin siya dumating, kaya tumayo ako mula sa kama at pumunta sa kusina para mangalkal ng pagkain. Saktong may nakita akong uncooked siomai, yung tipong hindi pa na steam at nasa lalagyan pa, but then I want it fried. So I prepared the cooking oil and utensils that I need and I start cooking. While waiting it become brownish I dialled his digits. After two rings he answered it, but I was shocked on what I heard online. Is he in a Bar? I heard the music entitled ... Twerk It Like Miley By Brandon Beal. Shit! Sav why are you there? Before I could react again ... I heard his baritone voice that makes me shiver.

"Why did you call?!" Tanong niya sakin na may halong inis ang boses. Napapikit na lang ako.

"Gusto ko lang sanang itanong kung ... kung---" Hindi ko natapos ang sasabihin ko ng bigla siyang sumingit.

"Damn! say it Yiandra! Don't waste my fvcking time! I'm doing something important" Sigaw niya sakin. Parang may sumuntok na kung ano sa puso ko, nang sinigawan lang niya ako. Ako na nga itong naghintay at tumawag ng matino sa kanya, ang sakit niya namang magsalita.

'Babe, who's that? Can't you just throw your phone away and let's continue what we're doing?'

So, yan pala ang 'something important' niyang ginagawa? Ang makipaglandian? Napailing na lang ako at napangiti ng mapakla.

"I-tatanong ko lang naman sana kung ... kung anong oras ka uuwi. Yun lang. Sige ibababa ko na!" Ibinaba ko na agad ang cellphone ko, in-off ko na rin.

Ang SAKIT, ang sakit sa puso at lalong lalo na sa pakiramdam na yung taong mahal mo ay hindi ka mahal. Parang tanga lang. Tingin niya sakin ay isang bayaran, parausan ng init ng kanyang katawan. Pero aaminin ko na kasalanan ko naman ako ang nag umpisa ng lahat ng toh. Noong una pa lang alam ko na, na walang kahahantungan ito. Umasa ako na kahit katiting man lang ay bigyan niya din ako ng kaunting pagmamahal, pero ano?
WALA! Pero hindi ito ang oras para sumuko. Mamahalin mo pa ako Savier.

Humiga na ako sa kama , wala rin namang saysay kung hihintayin ko pa siya. Kapag nalaman ko lang kung sino ang napakalanding babaeng yun hindi ako magdadalawang isip na ipalamon ang buhok niya sa napakalakas na electric fan hanggang sa makalbo siya at kahit sinong lalaki ay pandirihan siya!

- - -

I woke up early , alas sais pa lang naman. Ang unang bagay na pumasok sa kukote ko ay si Savier. Nakauwi kaya siya kagabi? Bakit wala siya sa tabi ko?

Tumayo ako upang tignan ang paligid ng kwarto, hanggang sa banyo. Pero walang bakas ni Sanz akong nakita. So, hindi siya umuwi? Sumama talaga siguro siya sa babaeng makapal ang mukhang yun.

Dali dali akong nagbihis ng attire ko papasok ng office. Wala na pala akong oras para mag reminisce ng mga kabulastugan ng Boss ko.

NO STRINGS ATTACHED.
NO STRINGS ATTACHED.
NO STRINGS ATTACHED.

Yeah, remember that Yiandra it is stated in the contract. Pero paano naman yung wala dapat kaming karelasyon habang involved kami sa contract na yun?! Aish. Ang hilig talaga niyang mag break ng rules!

Pagpasok na pagkapasok ko sa loob ng office ko agad kong inumpisahan ang trabaho ko. Ito pa yung mga natira kong gawain kahapon. Pagkatapos niya kasi akong tawagan kahapon ako na mismo ang pumunta sa office niya para kunin ang mga natirang paperworks , at ang hindi ko inaasahan eh mga dalawa at kalahating dangkal pa pala ito. Kaya kailangan ko nang umpisahan para matapos na agad.

'Hahaha. Seriously Sav, gusto mong sabay tayong kumain mamaya?'

'Yeah, if it is okay with you.'

'Oh, its not a problem for me Sanz. So you gonna fetch me before lunch?'

'Yes, just wait for me there at your place.'

NAPAKALANDI talaga nilang dalawa! Iparinig ba naman sakin lahat lahat? 'Pinarinig nga ba? O sadyang narinig ko lang talaga?'

So, they're having lunch later huh? It sucks. Really.

Halos mabali ang ballpen na hawak hawak ko. Eh kung isaksak ko kaya sa kanilang dalawa toh?! Mga bwesit! Hindi ako magpapatalo sa mga babae mo Savier. Hinding hindi!

I have to confront him about our contract, na walang dapat na ibang karelasyon ang isa sa aming dalawa. I knocked at his door three times then I opened it.

I was shocked on what I saw. He and his bitch was kissing carnally. Oh-My! Gusto ko silang italing dalawa na sobrang higpit at ipagulong gulong sa hagdan tignan lang natin kung hindi sila magkabali bali!

They parted their lips, then suddenly looked at me. He was looking at me wearing his infamous aura. You bastard! Gusto niya sigurong maranasan ang ma outside-the-kulambo mamayang gabi!

Pinalabas niya muna ang babaeng kinaladkad niya sa kung saan, tsaka ako hinarap.

"What are you doing here?" He simply asked.


Tinignan ko siya ng maigi bago magsalita.

"Andito lang naman po ako para ipaalala sa inyo na 'bawal po tayong makipagrelasyon sa iba ayun sa kontratang pinirmahan natin' Boss. Ano po sa tingin niyo ang ginagawa niyo?"


"And who are you to say those nonsense to me, Miss? I am the one who made that contract and I have the power to change or break those fvckin' rules. Kung yan lang naman ang ikinapuputok ng butsi mo Ms. Hernando, I better break that kind of rule. I should change that one, in fact it was clearly stated that there's should be no strings attached between us, we can freely flirt to anyone if we want to. That's it. Don't question me at pwede ka nang umalis!"

Pagkasabing pagkasabi niya ng mga salitang yun agad siyang tumalikod at pumasok sa comfort room niya mismo dito sa loob ng opisina niya.

Gusto kong ibato sa pagmumukha niya ang suot kong four inch high heels na ito. Siya lang pala ang may karapatang pumalit ng rules na yun? Paano naman ako , isang malaking NGANGA na naman sa hangin?! This guy really pissing me off. Flirt with others pala huh?

Sana hindi mo na sinabi ang mga salitang yun Savier , baka kasi pagsisihan mo. I HATE YOU! I HATE YOU!


Damon's Secretary (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon