Chapter 15
Yiandra
“Mom, I can do simple make up for myself. Di mo na kailangang papuntahin pa dito si Charlie.” tinusok ko ang hotdog at nilagay sa pinggan ng anak ko.
Charlie Catalan is my mother's personal make up artist. He's the one who accommodates my mother since then. He's one of the finest make up artist here in Asia. He happens to handle a lot of actor and actresses in showbiz word. And I guess wala ng ibang rason kung bakit ganun na lang ang tiwala ni Mommy sa kanya.
“You sure anak? You know Charlie can weave magic.” nangingiti niyang sabi sakin.
“Mom you know I don't doubt Charlie. Pero kasi di ko naman kailangang magpaganda para sa party. A simple make up will do.” I smiled at her too.
“Okay, if that's what you want.” sagot niya sa'kin at nagpatuloy sa pagkain. “Anyway me and your dad will be out for boutique hopping today. You wanna come?” nagpunas siya ng table napkin sa bibig at uminom ng tubig.
I guess tapos na siya. Nauna na kasing lumabas si Dad pagkatapos nitong kumain ay may tinawagan agad.
“Wag na Mom. Marami pa naman akong long gown na di ko pa nasusuot galing US.” tumango lang siya, humalik sa pisngi namin at nagpaalam sa'ming dalawa ni Vin.
We're attending a golden anniversary ball. Dahil nga kilala ang mga magulang ko sa sosyedad na ginagalawan namin ay hindi sila mawawala sa listahan ng mga imbitado. The party will start at exactly seven in the evening and don't what time will it end. Ayoko sanang sumama kaso ay ilang buwan naman akong hindi nakakaattend sa mga ganito dahil nga busy ako sa trabaho.
Napapitlag ako ng maramdaman kong nag vibrate ang cellphone ko. I immediately feel the usual feeling I felt pag siya na mismo ang pinag uusapan. He's calling. Ilang ring pa bago ko sinagot ang tawag niya para naman hindi halatang sabik anong makausap siya.
“Hello.” I managed to sound normal. Even my heart beats abnormally, as if there are things that's racing inside.
“Hello. I saw your Mom and Dad. I guess they're looking for an outfit.” his voice. Damn! Kahit mismo sa simpleng salita niya lang nalulunod na ako. “You're coming with them tonight?” pahabol niyang tanong.
“Yes.” simple kong sagot. Ano ba naman ang sasabihin ko eh yun lang naman ang tanong.
“Then see you there. I love you.” sasagot pa sana ako ng ibaba niya ang tawag.
What the hell? Guni guni ko lang ba yun? Or did he really said it? Di ko masyadong marinig kasi ang hina ng pagkasabi. Now I go nuts! Di man lang hinintay ang sagot ko. Namula ako. My! Ignacio! Sabi mo we'll take this slow? Ang bilis mo naman ata? Not that I don't like it but I don't know how to react.
Hindi birong mga lalaki ang umaaligid sa akin sa States, nagpapalipad hangin kahit alam nilang may anak ako. But you know western people, masyado ng sanay sa mga ganyan. Kaya siguro alam ko na agad ang gagawin kapag umaamin sila sa'kin. They can't make my heart beats mad sabihan man ako ng kung anong pampakilig. Kay Savier lang.
I'm still thinking about our set up. Gusto ko siyang tanungin kung ano ba talaga ang sitwasyon namin ngayon. Since ang alam ko ay may asawa siya. We haven't talked a lot since that night. Maybe one of these days ay magkatyempo kaming dalawa at mapag-usapan yun. I know he's busy and I understand him.
“Baby, you should sleep early. Mommy will go to an event with granny and granpa. So be good okay?” hinaplos ko ang buhok ng anak ko. He's lying on his bed and ready to sleep.
This is one of the reasons why I love my son so much. He's very understanding, hindi nagrereklamo sa tuwing may pupuntahan ako o may gagawin at iwan lang siya sa bahay. Hindi naman ako nagkukulang sa pagbibigay ng kailangan niya at andun pa rin naman ang buong atensyon ko sa kanya kaso minsan ay hindi talaga maiiwasang maging busy. And I salute my son for that. He's very kind.
---
As I entered the venue, I immediately scanned the whole place. I saw my Mom and Dad sa table na nasa gitna together with their acquaintances. Mom probably felt someone is staring at her kaya nagawi ang tingin niya sa'kin. He waved at me and she gave me a hand sign na lumapit ako sa kanila. And so I did.
Palapit na ako sa table nila matuon ang pansin ko sa katabing mesa nila mommy. It's him! Savier. He's with his family too, may katabi siyang babae hindi pamilyar sa'kin na nakatuon ang tingin sa kanya habang nagsasalita. But his eyes is at my gaze. Gosh Savier! Don't look at me like that! Baka may makapansin.
Yumuko at diretsong lakad papunta sa table nila mommy. I need to focus, wag kang magpahalata kahit kanino Yiandra! Damn! I feel like an idiot teenager na nakakaramdam ng ganito! Stop it Yiandra may anak ka na't lahat ganyan ka pa umasta!
Nagsimula na ang programa pero hindi doon nakatuon ang pansin ko. I know he is staring at me right now. Alam ko gusto niya akong lapitan. Alam ko pero ayoko, wala pang kahit anong kumpirmasyon ang nalalaman ko. Una tungkol kay Shawn, kung anak niya ba talaga yun? Pangalawa, sabi niya noon lubayan ko siya kasi magpapakasal na siya, then why this sudden interest to me? At pangatlo, ayokong makita kami sa publiko na magkasama baka kung ano pang isipin ng mga tao pag nagkataon.
Naramdaman kong nag vibrate ang cellphone ko. Kinuha ko iyon agad at tinignan.
From: Savier
I want to be with you tonight. Alone.
Bumilis ang tibok ng puso ko sa nabasa. Oh my! We can't! Paano ang anak ko?! At anong rason ang ibibigay ko sa magulang ko.
From: Savier
Please.
Damn! I don't think matatagalan ko ang pagiging mapilit niya. My heart is starting to melt. I want to be with him too.
To: Savier
I'll find a way.
I sighed and looked at my Mom and Dad. They're busy listening to the emcee at di man lang ako pansin. Ano naman ang idadahilan ko kung bakit hindi ako makakauwi ng bahay?
From: Savier
I'll wait.
Napabuntong hininga ulit ako. Just this once.
“Mom, I won't be home for tonight.” nagdarasal ako na sana hindi na siya ako interbyuhin masyado.
“Why honey? Paano si Vin?” nakakunot noo niyang tanong sa'kin, this is it! I'll probably lie.
“My friend from states went here, andun pa sila sa airport. She texted me na gusto niyang ako ang mag accomodate sa kaniya for tonight since wala siyang kakilala dito.” natuon ang buong pansin niya sa akin. “Just this once lang naman Mom. Promise, I'll be home safe tomorrow.” tinaas ko pa ang kanang kamay ko na animo'y namamanata. Gosh! What I am doing?!
Napataas ang kilay ni Mommy sa sinabi ko. “Is this friend of yours a guy or---”
“Of course Mom, babae. Di naman ako papayag kung lalaki yun nuh.” kunwari akong nadidisgusto, mukhang na kumbinisi naman siya. Ang totoo gusto ko ng matapos ang interogasyong ito at makaalis.
“Okay then. Be home tomorrow. Baka hanapin ka ng anak mo. You take care okay? I'm sure naghihintay na ang kaibigan mo sa'yo.” tumango ako sa kanya. Hinalikan siya sa pisngi bago naunang lumabas.
I'm sure nakita na iyon ni Savier since malapit lang kami sa mesa nila and he knows what to do.
From: Savier
Wait for at the parking lot.
I will. I guess this would be a long long night for us.
BINABASA MO ANG
Damon's Secretary (COMPLETED)
Romance"So there. Well, I am the one who is fooled right, Yiandra? I have my son to you but you kept it as a secret. Job well done." - Damon Savier Ignacio Please be reminded: Unedited content please bare with some errors. Thank you. All Rights Reserved 20...