Chapter 20

949 28 0
                                    

Chapter 20

Yiandra

Pagkarating ko sa school nina Trixon at Vin sakto namang recess na nila.  Iyong plano ko sanang bumili ng spaghetti at fried chicken ay naudlot. Napabuntong-hininga agad ako sa naisip. Gusto ko ng umuwi at magpahinga pero ayoko ko namang iwan ang anak at kapatid ko.

“Ate,  I thought you went somewhere .” bungad sa'kin ni Trixon ng mapansin niya akong palapit sa kanila. 

“A-ahh..  Tapos na akong pumunta doon lil' bro.  Kaya nga andito na ako ngayon eh. ” hinawakan ko ang buhok niya at hinimas himas.  Nagkibit balikat lamang ito. 

Pagkatapos niyang kumain ay nagpaalam na ang dalawa para bumalik sa klase nila ng hindi ko namamalayan.  Nakakainis!  Hindi ako makapag-isip ng matino ngayong araw.  Puno ng kung anong gamo ang utak ko kaya hindi ko alam kung kakayanin ko pa ba lahat. 

I need a time for myself. Siguro kelangan ko munang mag-isip tungkol sa mga bagay bagay na nangyayari. 

Sinabihan kong si Manong na ang bahala sa anak at kapatid ko pagkatapos kong magpahatid sa bahay.  Hindi ko pa man nailapag ang gamit ko ng biglang tumunog ang cellphone ko.

There.  Ang galing mo.  Pagkatapos mong magloko ay mag gana ka pang tumawag. I didn't answer his call at pinatay ang cellphone ko ng walang pag-aalinlangan.

I'm tired Savier.  Not now.  Pumikit ako,  ininda ang sakit na nararamdaman.  Ayokong umiyak,  yun ang sabi ko sa sarili.  Pero mukhang traydor talaga itong luha ko, kusang bumagsak ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.

--

Naalimpungatan ako sa ingay ng kotseng pumarada sa garahe.  Tinignan ko ang orasan,  pasado alas dose na pala ng tanghali.  Saan ba sila nanggaling at ngayon lang sila nakarating?  Bumaba ako ng hagdan at bumungad sa'kin si Mommy na abalang-abala sa pag-utos sa katulong namin na dalhin ang mga pinamili sa kusina.

“Mom, kasama mo ba sila Vin?” napaangat siya ng tingin ng narinig niya akong nagsalita habang naglalakad pababa ng hagdan.

“Yes, darling. Ako na ang umasikaso sa kanila sa eskwela dahil tumawag itong si Manong at sinabing umuwi ka daw. Kaya ayun at sinama ko sa mall pagkatapos ng klase para mangbili ng mga groceries.” tumango naman ako. Tuluyang bumaba at dumiretso na rin mismo sa kusina para kumuha ng tubig.

Maski tubig parang nalalasahan ko pa rin ang pait ng panlasa. I sighed heavily. Di ko mapigilang balik balikan ang nangyari kanina.

Ramdam ko ang sakit. Ang sakit sa puntong wala kang kaalam-alam sa mga nangyayari. Tipong wala kang ideya kung bakit sila magkasama. Umasa kang di ka masasaktan. Ganun nga talaga pag nagmamahal ka, kaakibat na niyon ang salitang 'sakit'. Napagdaanan ko na pero bakit di pa rin ako natuto?

Bago pa ulit bumagsak ang nagbabadyang luha sa mga mata ko ay dali-dali akong umakyat para pumasok sa kwarto.

'Fuck you Savier! Anong nagawa ko at ganitong sakit ang dinulot mo sa'kin?!'

Napahinto ako sa pag-iyak ng may tumunog na sasakyan ulit sa harap ng bahay. Who could that be?

Lumabas ako ng kusina. Dumiretso ako sa sala at bumumgad sa'kin si Aaron. Nakita kong ngumiti siya sa akin.

What is he doing here?

“Hi.” bati niya sa akin habang lumalakad palapit sa akin.

“H-hi.” nakita kong ngumiti siya ng makitang nauutal ako.

“You must wondering why I am here. Well, it's just that––” hindi niya natuloy ang kanyang sasabihin ng biglang bumukas ang pinto.

“Yiandra!” napanganga ako ng makita kong nasa bungad ng pinto si Savier.

Nakakunot noo ito habang ang mga kamay ay nasa magkabilaang bulsa.  Nakatingin siya sakin na akala mo'y may ginawa akong masama. I just rolled my eyes and sigh.

“Who are you man? ” napatingin ako sa kaharap ko.  Muntik ko na siyang makalimutan.

“Oh, I'm Yiandra's... boyfri–– I mean fiancee.” nakita kong napataas ng kilay si Aaron sa narinig.

Tumikhim si Savier na animo'y gusto niyang tumingin ako sa kanya. Napansin ko ring ngumiti si Aaron na parang naaliw.

“Ah.. So Yiandra, I think I need to go first. Maybe we'll talk next time.” ngumiti ako at tumango sa kanya. I mouthed him 'sorry' and he just nodded.

Palabas na ito ng pinto ng biglang magsalita si Savier.

“There will be no next time bro. Fuck off.” napatigil sa paglalakad si Aaron at tumingin sa gawi ni Savier.

I can sense that there is something in the atmosphere. Nanlaki ang mata ko ng makita kong nagkatitigan sila at ngumiti lamang ng nakakaloko si Aaron.

I'm sure Savier will get mad at that. He hate that kind of attitude. Bago pa makaalis si Savier sa kinatatayuan niya ay tumalikod na si Aaron.

Okay, I don't know what to do anymore. I was shocked when Savier pulled my hands. 

“Where's your room?” malumanay niyang tanong pero ramdam ko ang tensyon.

“Yung sa dulo.” walang emosyon kong sagot.  If he's mad and so am I. I can't really bear with the feelings I have right now.

Muntik na akong matumba ng itulak niya ako papasok ng aking kwarto. Tinignan ko siya ng masama pero masama din ang tingin niya sa akin. 

“What is that guy doing here?” tiim bagang niyang tanong sa akin.

“None of your business. ” Asshole.
Gusto kong idagdag pero pinigilan ko ang sarili ko.

“None of my business?! Wow!  What's happening with you Yiandra?” he looks angrier this time. But no,  I won't fall for that.

“What's wrong with me? Itanong mo sa sarili mo. Eh ikaw, bakit ka andito?!” ganting tanong ko sa kanya. Kitang kita ko ang pagkabigla sa mukha niya.

Napahawak siya sa kanyang sentido habang minamasahe ito. Seeing him like this I think I really need to confront him... or not. I'm not letting him see how pathetic I am when it comes to him.

“You know Savier I think we should stop this.” I saw him startled.

“What?!” napaatras ako sa laki ng boses niya.

“I-I said we should.. stop this, the relationship that we have. I think this nonsense.” I don't mean that. I'm sorry.

Napasinghap siya sa sinabi ko. Kitang kita ang pagtaas baba ng dibdib niya. Ngumiti siya ngunit hindi umabot sa kanyang tenga. It is as if he just heard a joke and he find it corny. Nakaramdam ako ng inis sa inasta niya. Wth!

“I-I'm not joking here.” seryoso ang tono ko kahit alam ko sa sarili ko na gusto ko na siyang sigawan.

“Who said you're joking?” tumaas ang kilay niya at ngumiti, totoong ngiti. “I'll give you time to think.” hinimas niya ang ulo ko. “Because I won't let you go that easy. ” saka ako hinalikan sa ulo. Tumulo ang luha ko sa sinabi niya.

Hinawakan niya ang mukha ko at pinaharap sa kanya. Huli na ng mapagtanto ko na nakalapat na ang labi niya sa labi ko.







“I love you. Don't do this to me please.” he said between our kisses.



Damon's Secretary (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon