Part 19

21.1K 411 7
                                    


HINDI mapakali si Marissa habang paroo't parito sa loob ng kanyang silid. Hindi na niya mabilang kung ilang beses na nasulyapan ang suot niyang relo. Mag-aalas-sais na ng umaga pero wala man lang siyang naririnig na kaluskos sa kabilang silid. Alas-otso ang call time ni Vicente sa araw na iyon.

Oh, crap, crap! Paano ba 'to? Halos hindi na nga ako makatulog dahil sa nangyari kagabi, eh.

"Kaya mo 'yan, Marissa!" aniya bago huminga nang malalim. Kailangan na talaga niyang gisingin ang binata. Lumabas na siya ng kanyang silid, muling huminga nang malalim bago dahan-dahang pinihit pabukas ang pinto ng binata. Hindi nga iyon naka-lock katulad ng sinabi nito.

Napanganga si Marissa nang makitang nakahubad si Vicente habang nakadapa. Wala na itong suot na T-shirt sa halip ay ang boxer shorts na lang ang natitira. Hantad na hantad ang makinis at malapad na likod ng binata. Ganoon din ang maumbok na pang-upo nito. At hindi niya alam kung bakit nakadama siya ng pag-iinit ng mukha sa pagtingin doon gayong hindi naman niya magawang maialis ang mga mata sa kabuuan nito.

Ang ulo ni Vicente ay nakatagilid kaya kita niya kung gaano kapayapa ang guwapong mukha nito. He had a prominent jaw. Nakadagdag pa yata sa karisma ng binata ang mga stubble na naroroon. Muli na naman siyang napahinga nang malalim.

Why so handsome, Vicente? tila nangangarap na wika ni Marissa. At muntik na niyang mabatukan ang sarili nang mapagtantong nakatunganga lang siya sa binata. She bit her lip, nadidismaya sa ginagawa. Pakiramdam niya ay nahuhulog siya sa isang mahika tuwing malapit siya sa binata, na hindi dapat dahil nadi-distract siya. Dapat niyang panatilihin ang focus sa trabaho.

"This will be the last time na tititigan kita, Vicente," bulong ni Marissa. Surprisingly, bumabangon ang pagtutol sa kanyang dibdib. Kaya mong panindigan iyan? paghamon ng kanyang isip. At hindi siya makasagot.

Tumikhim siya. "Vicente, gising na," tawag niya subalit ni hindi gumalaw ang binata. Ipinasya niyang lapitan na ito at bahagyang yugyugin. "Vicente? Gising na. Vic—"

Hinuli ng binata ang kamay ni Marissa. Hindi niya alam kung paano nangyari pero nagawa nitong ihiga siya at maipailalim sa katawan nito. Sa sobrang pagkagulat ay hindi agad siya nakapag-react. Their position was so intimate. Nasa ilalim siya ng binata at marahil ay sinasadya rin nitong iparamdam sa kanya ang bigat ng katawan nito. Hindi lamang iyon, dahil tila inililipad ng hangin ang huwisyo niya sa amoy ng binata. Napakabango. Nakalalasing.

"Honey..." anang paos na boses ni Vicente. Namalayan na lang ni Marissa na humahaplos sa katawan niya ang kamay ng binata. Gusto niyang itulak ito pero sa kung anong dahilan ay ayaw makisama ng kanyang katawan. Kinikilabutan siya pero hindi dahil sa takot kundi sa kakaibang sensasyong nabubuhay sa kanyang katawan. Sumubsob ang binata sa leeg niya. She drew a sharp breath. Doon ay naramdaman niya ang init na hatid ng mga labi nito, pati na ang kiliting dulot ng mga stubble nito. Hindi niya napigilan ang pagtakas ng ungol sa kanyang lalamunan.

Marahil ang ungol ni Marissa ang gumising sa binata. Natigilan ito, kapagkuwan ay tuluyang nagmulat ng mga mata. "Marissa?" hindi makapaniwalang tanong nito na animo nagising mula sa isang panaginip.

Naguluhan si Marissa. She suddenly found herself in a very compromising situation. Pinili niyang pakitunguhan ang galit dahil mas madaling harapin iyon kaysa sa pagkapahiya na nararamdaman.

"You brute!" agad siyang nanggigil nang makabawi sa pagkabigla. Tinipon niya ang lahat ng lakas bago pinagpalit ang kanilang posisyon. Now Vicente lay face down on the bed. Hindi siya nakontento, mahigpit niyang hinawakan ang braso ng binata bago iyon hinila papunta sa likod nito.

"Aww! Masakit, Marissa!" daing ng binata. "For God's sake, Marissa, babaliin mo ba ang mga braso ko?!" hiyaw nito. Ang ginawa niya ay isa lamang sa mga escape technique na itinuro sa kanya ng kapatid. Bago kasi nito pasukin ang pagsusundalo ay sumasali na ito sa mga underground mix martial arts tournament o mas kilala sa tawag na MMA.

Nang matauhan si Marissa ay agad din niyang binitiwan ang binata. Mabilis siyang bumaba ng kama at pilit kinastigo ang sarili sa naging kapabayaan niya. Ipinakita lang naman niya kay Vicente na malakas siya at kaya niyang gumawa ng ganoong bagay kahit maliit lamang ang bulto ng kanyang katawan.

Tuluyan nang isinubsob ni Vicente ang mukha sa kama. Pagkatapos ay nakangiwing binalingan siya. "Goodness, Marissa! How did you do that?"

"Sinadya ko talagang mag-aral ng self-defense para sa mga pagkakataong ganito," walang-emosyong sagot niya. "Sa susunod na magtangka kang ulitin ang bagay na iyon, babaliin ko na talaga ang braso mo!" banta niya.

Bumangon ang binata. "Hindi ko sinasadya ang bagay na iyon. I was dreaming, okay? I was making love t-to... to—"

"Ano?!" nanlalaki ang mga matang tanong ni Marissa. Nakikipagniig daw ang binata sa panaginip nito. Kailangan pa ba talaga nitong sabihin ang bagay na iyon?

"I was making love to a very, very beautiful lady in my dream," bale-walang pag-ulit nito na tila nakabawi na sa pagkabigla. Binato siya ni Vicente ng isang ngisi na ikinasikdo ng puso niya. Bumaba ng kama ang binata at napasinghap na lang siya nang humakbang ito papunta sa kanya.

Gusto niyang umatras pero hindi nakisama ang mga paa niya. Tumigil si Vicente nang nasa harap na niya. "Gusto mong malaman kung sino ang kasama ko sa panaginip ko?"

"H-hindi ako interesado," angil ni Marissa. Hindi siya masyadong makatingin sa binata dahil napapako lamang ang mga mata niya sa nakahantad nitong katawan. Tila iyon magnet na hinihigop ang kanyang mga mata. And why was she reacting that way gayong hindi naman iyon ang unang beses na nakakita siya ng hubad na katawan ng isang lalaki?

Makahulugang ngumiti si Vicente, ilang saglit siyang tinitigan. "Sige na, Marissa. Makakaalis ka na. Salamat sa paggising sa akin."

Lumabas siya ng silid na wala sa sarili.


Valencia Series Book 3: Vicente Valencia (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon