Part 26

21.8K 385 30
                                    


"Huwag kang mag-panic. Tumingin ka sa labas at sikapin mong makakuha ng palatandaan kung nasaan na tayo," anang binata.

Pumasok ang taxi sa isang kalye na tila abandonado, hanggang sa marating nila ang dead end niyon. Pinababa sila ng may hawak ng baril. Kahit paano ay nakahinga nang maluwag si Marissa na wala nang iba pang kasama ang dalawa.

Nang makalabas ng taxi ay pinatalikod sila ng lalaki.

"Huwag kang matakot," wika ni Vicente bago ngumiti kay Marissa na para bang pinapayapa siya.

Tumango si Marissa. "Kasama kita kaya hindi ako natatakot." Kahit ano ang mangyari ay hindi niya pababayaan si Vicente, hindi dahil trabaho niyang protektahan ang binata kundi dahil mahal niya ito. Higit kailanman, ngayon siya nagpapasalamat sa kanyang kakayahan.

Pinaharap sila ng mga holdupper. Uunahan ni Marissa ang lalaking may hawak ng baril. Sa tingin niya ay kaya namang i-handle ni Vicente ang driver. Sesenyasan pa lang niya ang binata sa plano niya nang walang ano-ano ay agawin ni Vicente ang baril sa lalaki at itutok iyon dito kasabay ng isang flying kick na pinadapo nito sa panga ng driver. Bagsak ang driver na marahil ay napuruhan kaya nakatulog.

Napanganga na lang si Marissa. Napakabilis ng pangyayaring iyon. A well-trained man can only execute that move.

"Marissa, tumawag ka sa hotel. Sabihin mo ang nangyari at humingi ka ng tulong," utos ni Vicente habang hindi inaalisan ng tingin ang isa pang tinututukan nito ng baril.

Sumunod si Marissa. Kinuha niya ang kanyang telepono at tumawag sa hotel. Doon ay nagpatawag siya ng mga pulis para rumesponde sa kanila. Nakakita naman siya ng palatandaan kung nasaan sila, iyon ang sinabi niya sa pulis na ikinonekta ng hotel staff sa kanya.

"Okay ka lang?" tanong ni Vicente. Maraming emosyon ang mga mata ng binata, sa sobrang dami niyon ay hindi niya mapangalanan isa-isa.

"Oo, salamat sa 'yo."

Hindi nabanggit ni Cedrick na marunong ng martial arts si Vicente! Kumunot ang noo ni Marissa nang maalala ang sinabi sa kanya ni Dylan. "Hindi naman lampa iyang si Enteng. He can take care of himself. You'll see. Kailangan lang namin ng extra eye para sa kanya." Iyon ba ang tinutukoy ni Dylan? Because yes, Vicente handled the situation very well.

Agad din namang dumating ang mga awtoridad at inaresto ang dalawang lalaki.

"Marissa."

Bago pa makahuma si Marissa ay namalayan na lang niyang hapit na siya ni Vicente at niyakap nang mahigpit na para bang nakasalalay sa yakap nito ang buhay nito. Sa una lang siya nabigla dahil agad napuno ng tuwa ang kanyang puso. Pumupuno ang pag-asam sa kanyang dibdib na sana ay pareho sila ni Vicente ng nararamdaman. Yumakap din siya sa binata.



Autor's note: Nakapost po ang complete story since 2018. Pero dahil nakakontrata na po ito sa Dreame ay kailangan ko nang burahin ang ibang parts. Sa Dreame na po ninyo mababasa ito mababasa nang buo. Salamat. :)

Valencia Series Book 3: Vicente Valencia (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon