SINULYAPAN ni Vicente si Marissa. He sighed. Aminado siya, attracted siya sa dalaga. May kung ano sa personalidad nito na tila hinihigop ang atensiyon niya sa lahat ng oras. She was beautiful. Kahit na lagi lang nakasuot ng jeans at casual shirt ang dalaga ay lumilitaw pa rin ang natural nitong ganda.
Marami na siyang nakasamang babae. All of them were beautiful and glamorous. Naa-attract din siya sa mga babaeng iyon, hinahangaan ang kagandahan pero agad din namang nawawala ang atraksiyong iyon sa loob ng napakaiksing oras.
But it was different with Marissa and he could not stop thinking about her. Ginugulo ng dalaga ang isip niya. Bakit hindi, gayong pumapasok ito sa isip niya nang walang pinipiling oras. Her smile was lingering in his mind and surprisingly, napapaganda niyon ang mood niya. Natatagpuan na lang niya ang sarili na palihim itong sinusulyapan hanggang sa mauwi sa pagtitig ang simpleng sulyap. Kinokontrol pa nga niya ang sarili sa kagustuhang halikan ang dalaga at yakapin. At bakit nakakaramdam siya ng tuwa kapag nakikita ang dalaga?
Funny, pero kanina nang hawakan ni Vicente ang palad ni Marissa at hindi iyon bitiwan, pakiramdam niya ay may umaawit sa loob ng kanyang pagkatao. Ang totoo ay tinatanong na rin niya ang sarili kung pisikal na atraksiyon lamang ba ang nararamdaman para sa dalaga o mas malalim pa. The feeling was new. Hindi pa niya naramdaman sa kahit kaninong naging girlfriend niya.
Ah, ano ba itong nararamdaman niya?
"ISSA...?"
Paglingon ni Marissa ay nasa likuran na niya si Vicente. Sa kamay nito, naroon ang isang asul na scarf. "Maganda ba?" tanong ng binata bago itinaas ang hawak na scarf.
Tumango siya. "Magugustuhan iyan ni Cassy."
"Do you like it?"
"Yes."
"Good. Dahil para sa 'yo ito at hindi para kay Cassy." Tuluyan nang sinakop ni Vicente ang natitirang distansiya sa pagitan nila. Bago pa siya makapag-react ay isinusuot na nito sa leeg niya ang nasabing tela. "Bagay sa 'yo." Kontentong ngumiti ito. "I think we should buy more of it."
"H-ha? Naku, hindi. Huwag na. At hindi ko rin matatanggap it—"
Nahigit ni Marissa ang hininga nang itapat ng binata ang isang daliri nito sa kanyang mga labi para patigilin siya sa pagpoprotesta. Sa pagkadismaya niya ay agad tumutok ang kanyang mga mata sa mga labi ng binata. Hayun na naman at nabuhay sa dibdib niya ang kagustuhang madama ang mga labing iyon sa kanyang mga labi. She was never like that with any other man. Pero pagdating kay Vicente, lahat ng nerves niya ay nagugulo, nawawala sa normal ang tibok ng puso niya tuwing malapit ito. At hindi siya makapaniwala na magpapantasya siya ng halik ng binata.
Salamat na lang at tinanggal din agad ni Vicente ang daliri nito sa kanyang mga labi.
"No ifs, no buts. Tanggapin mo na lang, okay? Nabayaran ko na 'yan kaya huwag mo nang tanggalin. May napili ka na ba?"
Nag-iwas siya ng paningin. "Meron."
"Bayaran na natin, pati iyong iba kong napili. Then, deretso tayo sa Eiffel Tower. Makapamasyal man lang tayo bago umuwi bukas." Sa pagkamangha ni Marissa ay umalalay ang kamay ng binata sa lower back niya. Nagulo ang kanyang sistema dahil doon.
Napatango na lang siya.
NAHIGIT ni Marissa ang hininga nang unti-unting magkaroon ng ilaw ang kabuuan ng Eiffel Tower hanggang sa tuluyang kuminang iyon kasabay ng makukulay na fireworks. Iyon ang unang pagkakataon na makikita niya iyon kaya naman hindi niya maiwasang mamangha.
Sa bugso ng damdamin ay hindi na niya namalayan na unti-unti na palang lumalapit ang kamay ni Vicente sa kanyang kamay, at hinawakan iyon. She was just completely in awe of the breathtaking view.
"Beautiful..."
BINABASA MO ANG
Valencia Series Book 3: Vicente Valencia (Completed)
RomancePrecious Hearts Romances Vicente Valencia, the singer, needed a bodyguard. Dahil nasa ganoong trabaho si Marissa, tinanggap niya ang hamon. Ngunit hindi iyon magiging madali sa kanya dahil hindi alam ng singer na may bodyguard ito. Ang pamilya ng si...