Part 11

23.5K 398 4
                                    


"MARISSA," anang baritonong tinig na tumawag kay Marissa. Napangiti siya. Kalakip ng baritonong tinig ay ang kakaibang sensuwalidad.

"Hmm...?" ungol niya.

"Get up, Marissa," sagot nito.

Natilihan siya. Bakit tinig na ni Vicente ang naririnig niya? Dahan-dahang nagmulat siya ng mga mata at halos mapasinghap nang mapagtantong nakatunghay sa kanya si Vicente.

Agad siyang bumalikwas. "Ano'ng ginagawa mo rito sa silid ko?" Lalong nag-init ang mga pisngi ni Marissa nang mapagtantong half-naked si Vicente. Isang low-waist pajama bottoms lamang ang suot nito. Hindi man niya gusto pero agad tumutok ang kanyang mga mata sa malapad na katawan ng binata. His chest was a jaw-dropping sight. Hindi ito ma-muscle na tipong action hero pero hindi maitatanggi na exceptional pa rin ang katawan nito. He was lean. Tila kay sarap haplusin ng dibdib nito. Kung magaspang ang mga stubble na nasa pisngi nito, ang mga balahibo naman sa dibdib ay pino.

Mula sa dibdib ni Vicente ay tumaas ang paningin ni Marissa. Saka niya napagtanto na nakatingin sa kanya ang binata. Lalong nag-init ang kanyang mukha dahil alam pala ng binata na dumaan sa mapanuring mga mata niya ang katawan nito. Hindi niya alam kung amusement ba o pang-uuyam ang dahilan ng bahagyang pagtaas ng sulok ng mga labi nito.

"Kanina pa ako kumakatok pero hindi ka sumasagot. Ipinasya ko nang pumasok sa silid mo dahil baka nga mahimbing ang tulog mo. Anyway, gusto ko lang ipaalala sa 'yo na may appointment ako ngayon sa EurInt at kasama ka roon. Welcome party ngayong gabi, remember?" anito na ipinagdiinan pa ang salitang "ipaalala" at "appointment." Gusto marahil nitong puntuhin na trabaho niya ang bagay na iyon and not the other way around. Tumalikod na si Vicente at tinungo ang pinto.

Nakagat ni Marissa ang kanyang labi. Grabeng kahihiyan na ang ipinalasap niya sa sarili sa oras na iyon. Isinubsob niya ang mukha sa mga palad. Salamat na lang at hindi nagkomento ang binata. Ang lakas pa naman ng loob niyang ipangalandakan kay Vicente na hindi siya mai-in love dito pero heto at sa sandaling oras lamang na nakasama niya ang binata ay hindi na siya mapalagay.

"Marissa...?" Natilihan siya. Ang akala niya ay tuloy-tuloy na itong lalabas ng kanyang silid. Kinalma niya ang sarili bago nag-angat ng mukha.

Bumaba na siya ng kama. "Bakit?" tanong niyang hindi tumitingin dito. Mahirap na baka kung saan na naman maglakbay ang mga mata niya. Pero tila malabo nang matanggal sa isip niya ang hitsura ng binata. Bakit kasi may mga lalaki na nag-uumapaw ang karisma sa katawan? At isa si Vicente sa mga iyon.

"Alam ko na naging sarkastiko ako. I'm sorry. I mean, dapat naiintindihan ko na nakatulog ka dahil sa jet lag. Pasensiya ka na."

Tumango na lang si Marissa pero ang isip niya ay kung saan-saan na naman nagliliwaliw. May-pagkatahimik si Vicente pero sa maikling panahong nakasama niya ang binata ay napagtanto agad niyang humble ito. Marunong humingi ng pasensiya kapag alam na ito ang may pagkakamali. Napansin din niya na wala sa ulo nito ang kasikatan. Hindi ito mayabang.

"Naiintindihan ko naman," sagot niya.

Bahagyang tumango ang binata. "Okay. Maghanda ka na. Aalis tayo after an hour. Gusto mo bang um-order ako ng pagkain? I'm sure hindi ka makakakain nang husto sa welcome party."

Oh! Bukod sa humble, maalalahanin pa siya, Marissa, tukso ng isang bahagi ng isip niya.

"Hindi na. Doon na lang din ako kakain."

"Sige. Ikaw ang bahala. Siyanga pala, narito na si Kuya Dylan. Kasabay na natin siyang pupunta sa party." Lumabas na si Vicente.

Mariing ipinikit ni Marissa ang mga mata. "Wake up, Marissa!" saway niya sa sarili. Pakiramdam niya ay hindi siya umaaktong propesyonal. Ano ba ang mayroon kay Vicente Valencia? Bakit maging siya ay naguguluhan sa mga ikinikilos?

Mabilis siyang naligo at inihanda ang sarili. Handa siya sa mga pormal na okasyon kaya nagdala rin siya ng mga cocktail dress. Hindi man siya naka-high heels ay bumagay naman ang sapatos niya sa suot na damit.

Naabutan ni Marissa na may kausap sa telepono si Vicente paglabas niya. Muli ay hindi na naman niya napigilan ang sariling pagmasdan ito. Tulad niya ay bagong paligo ang binata. Nakasuot ito ng three piece suit. Ang buhok ay naka-brush up. Funny pero kahit may mga stubble sa mukha ay hindi ito mukhang madumi. He was undeniably gorgeous. Nakakatawag-pansin ang kaguwapuhan ng binata at talaga namang napakalakas ng appeal. Sex appeal.

"What? Seriously, Jacob? Nanalo kayo ng...? Magkano uli? Wow! That's big money. Congratulations." Malakas na tumawa si Vicente. "Ano kaya ang sasabihin nina Tita kapag nalamang nag-casino kayo ni Connor?"

Hindi maiwasang marinig ni Marissa ang mga sinasabi ni Vicente. He seemed happy. Kung hindi siya nagkakamali ay ang nakababatang pinsan ang kausap nito.

"Oh, I won't tell. And you guys are old enough for that... What? Loko! Hindi ako kunsintidor. Dumaan din kami sa ganyan so I perfectly understand your curiosity. Isa pa, we trust you. Alam namin na alam ninyo kung hanggang saan lang ang limit n'yo... Yeah... Okay..."

Bahagyang lumingon si Vicente kaya napansin na siya. Agad itong nagpaalam sa kausap at nilapitan siya.

"Ready?" Sumikdo ang puso ni Marissa nang pasadahan ng tingin ni Vicente ang kabuuan niya. Gayunman ay naging blangko ang emosyon nito kaya wala siyang ideya kung ano ang naging hatol ng binata sa ayos niya.

Valencia Series Book 3: Vicente Valencia (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon