Part 21

20.9K 373 14
                                    


MABILIS na lumipas ang mga araw. Hindi makapaniwala si Marissa na isang linggo na sila roon ni Vicente at matatapos nang mas maaga kaysa sa schedule ang recording ng binata. Bukas ay nakatakda na silang bumalik sa Pilipinas. At dahil hindi nasunod ang timeline, nagkaroon ng conflict sa schedule ni Dylan. So, Vicente insisted na huwag nang sumunod doon si Dylan at si Vicente na raw ang bahalang makipag-usap sa mga producer para sa mga closing remark. Lahat naman ay nasa ayos.

"Issa..." tawag ni Vicente habang pauwi na sila sa hotel. There they were again, his soulful eyes that made her a little bit nervous. Hindi lamang iyon, kakaiba rin ang timbre ng boses nito, baritono pero may kalakip na lambing. "Samahan mo ako."

"Saan?" kunot-noo niyang tanong.

"Basta. Samahan mo ako." Sa gulat ni Marissa ay hinawakan ni Vicente ang kanyang kamay. Natilihan siya. Nagsimula nang maglakad ang binata kung kaya napilitan na rin siyang maglakad. Pasimple niyang binabawi ang kanyang kamay pero hindi iyon binibitiwan ng binata. Hindi niya ito makompronta dahil deretso lamang itong nakatingin sa kanilang dinaraanan. Pakiramdam tuloy niya ay mabibingi siya sa lakas ng tambol ng kanyang dibdib.

Sumakay sila sa isang bus. Dahil rush hour ay puno na ang mga upuan at marami na ang nakatayo. "V-Vicente ang kamay ko," ani Marissa dahil tila walang balak ang binata na bitiwan ang kanyang kamay. At hindi lang basta magkadaop ang mga palad nila dahil maging ang kanilang mga daliri ay nakasalikop sa isa't isa.

"Oh!" gulat na wika naman ni Vicente na animo hindi rin aware na magka-holding hands pa sila. "Sorry. Masyado kasing perpekto ang hulma ng kamay mo sa kamay ko. I thought it was a part of me."

Nakagat ni Marissa ang ibabang labi. Hayun na naman kasi ang kakaibang kislap ng mga mata ng binata na nagpapasikdo ng puso niya. Pinili niyang huwag na lang patulan ang sinabi nito. Bagaman napansin niya na mula nang magkaroon ito ng sumpong ay naging mas makulit at malambing na ang binata.

"Saan ba tayo pupunta? Hindi ba puwedeng ipagpabukas na lang, tutal naman ay hapon pa ang flight— Ayy!" Napatili na lang si Marissa nang walang ano-ano ay pumreno ang bus. At dahil hindi niya inaasahan iyon ay na-out of balance siya. Pero maagap siyang nahawakan ng binata sa baywang at kinabig palapit sa katawan nito.

Nahigit niya ang hininga. Nakahawak ang kaliwang kamay ni Vicente sa safety handrails habang ang kanan nito ay nakapulupot sa kanyang baywang. And their faces were only inches apart. Sa sobrang lapit ng kanilang mga mukha ay halos magpalitan na sila ng hininga.

"Issa..." halos pabulong na wika ni Vicente. Pakiramdam ni Marissa ay napunta siya sa ibang mundo nang mga sandaling iyon dahil sa kakaibang pakiramdam na pumupuno sa kanyang dibdib. Kinalma niya ang sarili at pilit ibinabalik ang katinuan ng isip.

Kitang-kita ni Marissa nang dahan-dahang lumapit ang mukha ng binata habang ang mga mata nito ay nakapako sa kanyang mga labi. Pakiramdam niya ay mabibingi na siya sa sobrang lakas ng tambol ng kanyang dibdib. Pero marahil ay imahinasyon lamang niya na hahalikan siya ng binata dahil tumuwid na ang likod nito at inalalayan siyang makatayo na rin nang maayos. That moment was so awkward. Mabuti na lang at hindi naman sila pinapansin ng mga kasabayang turista.

Valencia Series Book 3: Vicente Valencia (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon