Part 14

22.6K 414 4
                                    


Pumasok si Marissa sa comfort room at doon pinayapa ang sarili. 

"My God, Marissa, para kang teenager sa inaakto mo!" saway niya sa repleksiyon sa salamin. Agad din naman siyang lumabas. Kabubukas pa lamang niya ng pinto nang walang-ano-ano ay pumasok si Gustav at isinara ang pinto.

"I know you want me, too, baby," anito na maluwang ang pagkakangisi.

Nagulat si Marissa pero agad ding nakabawi. "Well, you're wrong. Paano ako magkakagusto sa 'yo gayong wala kang panama sa kaguwapuhan ni Vicente?"

Maging siya ay nagulat sa sariling pahayag. Ah, hindi kailangan ng lalaking ito ng paliwanag. Ang kailangan nito ay leksiyon.

She grabbed his wrist with her left hand; she stepped on him with her right foot and started to pivot. Her right shoulder connected solidly with his armpit. It was a basic judo throw. Isa sa mga unang natutuhan niya bilang self-defense. It was a simple power to use her momentum and weight against him. Sa isang iglap ay naibagsak niya ang lalaki sa kanyang harap. Agad itong humiyaw sa sakit pero dahil nasa party ang mga tao, duda siya kung may makakarinig sa lalaki. Hindi naman siya nag-alala dahil alam niya na hindi naman ito napuruhan. "You deserve that, pervert!" aniya bago ito iniwan.

"Dylan!" bulalas ni Marissa nang makita ang binata sa labas ng pinto.

Amused na nginitian siya ni Dylan. Tila alam nito kung ano ang nangyari sa loob ng comfort room. "Looks can be really deceiving, eh? Now I'm convinced that Vicente is in good hands. Sige na bumalik ka na roon. Ako na ang bahala rito. Sisiguruhin kong hindi ka na guguluhin ni Gustav."

"Thanks."

Nakabalik sa party si Marissa na wala man lang siyang nakakasalubong na tao. Tila walang nangyari na bumalik siya kay Vicente.

"Nakapagpaalam na ako, puwede na tayong umuwi." Imporma sa kanya ng binata. Nakahinga naman siya nang maluwag dahil doon.

"Mabuti pumayag sila?" tanong niya dahil wala pa yatang dalawang oras silang naroroon.

"Alam nilang kailangan kong matulog nang maaga para sa simula ng trabaho bukas. Anyway, maiiwan naman si Kuya Dylan. Siya na ang bahala sa mga bosses," sagot nito bago siya inalalayan hanggang sa sasakyan. Pagkapasok sa loob ng sasakyan ay muli na namang nanahimik ang binata.

Marissa sighed. Hindi naman matatawag na suplado ang binata pero ibang-iba ito kapag nasa stage at kinakantahan ang mga audience nito. Doon ay nakapaskil ang ngiti sa mga labi at tutunawin ang manonood sa mga nakapanlalambot-tuhod na tingin nito.

"Marissa, puwede ka bang makausap muna?" anang binata nang makabalik sila sa hotel suite.

"Oo naman." Naupo sila sa sofa.

"I'm not usually like this, you know," panimula ng binata.

Kumunot ang noo ni Marissa. "Ano'ng ibig mong sabihin?"

Bumuntong-hininga si Vicente. "Hindi ko alam kung bakit naiilang ako sa presensiya mo. Don't get me wrong, pero ang alam ko, I have a jolly personality. 'Sabi ni Charlie, pareho lang daw kami ng level ng kadaldalan at kakulitan. Ang hindi ko maintindihan ay kung bakit hindi ko magawang ma-apply iyon sa 'yo."

Now he's opening up to me, naisip niya. "Hindi ka siguro kumportable sa akin. I mean, baka ngayon ka lang nagkaroon ng assistant na kasingganda ko," pabiro niyang sagot.

Sa pagkamangha ni Marissa ay natawa si Vicente. Nawala ang kaseryosuhan ng mukha nito. "That, too. Masyado ka yatang maganda para lang maging personal assistant ko."

Namula ang mukha niya. Pero kailangan niyang sakyan ang binata dahil kailangang maging kumportable ito sa kanya. "Okay lang 'yon. Guwapo ka naman bilang boss ko kaya hindi sayang ang ganda ko."

Tumaas ang sulok ng mga labi nito. "Guwapo ako sa paningin mo? Hala ka! 'Sabi mo, hindi ka mai-in love sa akin? Hindi mo ba alam na diyan iyon nagsisimula?"

"'Akala ko ba, naiilang ka sa akin? Pero hayan at tinutukso mo na ako," kunwa ay iiling-iling na balik niya. Pero nakadama siya ng kaba. Sa physical attraction nga ba nagsisimula ang love? If that was the case, then, she was in trouble.

Vicente chuckled. Sa pagtawa nito ay tila lalong lumakas ang karisma. "I don't know. Maybe I just need this talk. Two weeks din tayong magsasama dito sa Paris kaya gusto kong kumportable tayo sa isa't isa. Funny, pero gumaan ang pakiramdam ko ngayon. I don't know..." Nagkibit-balikat ito pero magaan na ang aura ng mukha.

"Ako man, medyo napalagay na ako sa 'yo. Ang akala ko talaga, suplado ka. Wait! Does it mean na palagi mo na akong tutuksuhin?" nanlalaki ang mga matang tanong ni Marissa.

Ngumiti lang nang makahulugan si Vicente kung kaya tumambol na naman ang dibdib niya. Tumayo na ang binata. "Goodnight, Issa."

"G-goodnight." Nabulol yata siya sa pagkakabigkas nito ng "Issa." Tila may kakaibang lambing na kaakibat iyon. May possessiveness.

Valencia Series Book 3: Vicente Valencia (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon