CHAPTER 2
HINDI MALAMAN ni Marissa kung bakit nakakadama siya ng kakaibang kaba habang hinihintay na bumukas ang pintuan at pumasok mula roon si Vicente. Sanay na siya sa mga undercover assignment niya kaya hindi niya maunawaan kung bakit ganoon ang nararamdaman niya, na para bang nakatakda siyang sumuong sa isang pangyayari na magpapabago ng buhay niya.
Hanggang sa bumukas ang pintuan at mula roon ay pumasok si Vicente. Vicente Valencia was tall and devastatingly attractive! Muntikan na siyang mapasinghap kung hindi lamang niya napigilan ang sarili niya. Why, Vicente looked larger than life. Nakakalunod pala ang presensiya nito kapag ganoong malapit lang ito. Ibang iba ang dating kesa kaninang sa mall niya ito pinagmamasdan.
"Cedric—" natigilan ito sa tangkang pagbati sa pinsan ng makita siya. Hindi niya alam kung ano ang iniisip nito dahil tila saglit na natigilan ito habang nakatingin sa kanya. Deretso itong nakatingin sa mga mata niya kaya naman pakiramdam niya ay may kumislot na bahagi ng pagkatao niya.
Pero may napansin agad siya rito. Kung kaninang nasa stage ito ay kuntodo ngiti ito at tila nakapaskil na sa mga mata ang pang-aakit, ngayon ay animo seryoso na ito. Ganoon pa man, hindi rin naman siya nito inisnab.
"Hi." Bati nito sa kanya bago ito tuluyang pumasok sa silid at isinara muli ang pinto.
Tipid na tumango siya. Pilit niyang kinakalma ang kalooban pero tila lalong lumalakas ang kalabog ng dibdib niya. Hindi niya inaasahan na ganoon ang magiging reaksiyon niya sa sandaling nasa harapan na niya ang binata.
"Vicente, I'd like you to meet your brand new personal assistant, si Marissa. Na-screen at na-interview na siya ni Kuya Dylan. She's qualified so okay siya kay Kuya Dylan."
Bahagyang kumunot ang noo nito pagkatapos ay inakbayan si Cedrick at bahagyang bumulong. Pero dahil natural na malakas ang pandinig niya, umabot pa rin iyon sa pandinig niya.
"Cedrick, hindi ba nabanggit sa 'yo ni Kuya Dylan na ayoko ng assistant na babae? Besides, alam mo naman kung bakit, 'di ba?"
"Oh, sure. Alam ko ang rason mo at naiintindihan ko iyon pero pagtiwalaan mo kami pagdating kay Marissa. Hindi siya katulad ng mga babaeng naging assistant mo," sagot naman ni Cedrick na ikinataas ng kilay niya. Ano ba ang naging issue ni Vicente sa mga nakaraan nitong assistant?
Tumikhim siya. Lumingon naman ang dalawa. Partikular na itinutok niya ang paningin niya kay Vicente. "Excuse me, pero naririnig ko ang pinag-uusapan ninyo. Mawalang galang na Mister Valencia, pero puwede bang malaman kung bakit ayaw mo ng assistant na babae? Puwede nating i-settle ang issue na iyan and we can come to terms and agreement."
"Sige na Vicente, sabihin mo sa kanya kung bakit ayaw mo ng assistant na babae. Mag-usap muna kayo. Habang nag-uusap kayo tatawag muna ako sa San Fransisco. Babalik rin ako agad," amuse na wika naman ni Cedrick bago ito umalis.
BINABASA MO ANG
Valencia Series Book 3: Vicente Valencia (Completed)
RomancePrecious Hearts Romances Vicente Valencia, the singer, needed a bodyguard. Dahil nasa ganoong trabaho si Marissa, tinanggap niya ang hamon. Ngunit hindi iyon magiging madali sa kanya dahil hindi alam ng singer na may bodyguard ito. Ang pamilya ng si...