"OKAY lang ba sa 'yo itong setup natin?" tanong kay Marissa ni Vicente nang makaalis na ang mga representative ng EurInt Entertainment—ang recording company na kumontrata sa binata. Sinalubong sila ng mga ito sa airport at inihatid sa isa sa mga pinakakilalang hotel sa Paris para sa accommodation nila. Umaga na nang makarating sila sa Paris.
Uh-oh. Considerate, huh? panunukso ng puso niya.
Ang setup na tinutukoy nito ay ang hotel suite na kinaroroonan nila. Magsasama sila sa iisang suite. Gayunman, dalawa ang silid niyon. Family suite kaya ganoon.
Tumango si Marissa. "This is more than fine. Ikaw ang inaalala ko kung okay lang sa 'yo ang ganito."
"It's fine with me. Actually, 'yong suite sa north wing ang naka-reserve sa akin. Bukod sa suite na ito, the next available room ay nasa ikatlong palapag na mula rito. Pero dahil madalas kitang aabalahin kaya hindi practical na nasa ibang palapag ka pa."
"Walang problema. Dalawa naman ang bedroom." Ang hindi alam ni Vicente ay planado na ang setup nila. Inayos na iyon ni Cedrick. She will stay as close to Vicente as possible. "Aayusin ko na muna ang mga gamit mo."
"Saka na," pigil ng binata, hinawakan pa ang braso niya na bahagya niyang ikinagulat. Tila ito man ay nagulat din sa ginawa. "Nakakapagod ang biyahe sa eroplano kahit nakaupo lang. Magpahinga na lang muna tayo."
Napatango na lang si Marissa. Pakiramdam niya ay nawala sa ayos ang daloy ng kanyang isip dahil sa simpleng pagdidikit ng kanilang mga balat. Salamat na lang at agad din naman iyong binitiwan ni Vicente. Tinutungo na ng binata ang silid nito nang tawagin uli siya.
"May kailangan ka ba?"
"None. Gusto ko lang sabihin sa 'yo na deretso na akong matutulog. Hindi na ako kakain ng tanghalian. Ikaw, puwede kang um-order ng pagkain kahit na anong oras. Just call room service whenever you needed anything. Don't worry about the bill, EurInt will shoulder of all the expenses. Nasa biyahe na rin daw si Kuya Dylan. May sarili naman siyang unit sa second floor. Pagkatapos ng welcome party ay babalik na uli si Kuya sa Pilipinas. So, we only have each other here. Kung may kailangan ka, 'wag kang mag-alinlangang sabihin sa akin."
"Sige."
"So it's settled," anito bago tuluyang binuksan ang kabilang silid at pumasok doon.
Naupo si Marissa sa sofa. She was distracted. Nawawala siya sa focus. At hindi magandang senyales iyon dahil ngayon lamang nangyari ang bagay na iyon sa kanya.
"Focus, Marissa, focus!" aniya sa sarili. Tinungo na niya ang kanyang silid at nahiga roon. Baka kailangan lang niya ng sapat na pahinga. Pero hindi siya makatulog. Marahil ay namamahay lamang siya. Ipinasya niyang maligo na lang. Pagkatapos makapaligo, ang pag-aayos naman ng mga gamit ang kanyang inasikaso bagaman kakaunti ang mga iyon.
Muli siyang nahiga sa kama at itinutok ang mga mata sa kisame kahit wala naman doon ang kanyang isip.
BINABASA MO ANG
Valencia Series Book 3: Vicente Valencia (Completed)
RomancePrecious Hearts Romances Vicente Valencia, the singer, needed a bodyguard. Dahil nasa ganoong trabaho si Marissa, tinanggap niya ang hamon. Ngunit hindi iyon magiging madali sa kanya dahil hindi alam ng singer na may bodyguard ito. Ang pamilya ng si...