Part 8

22.7K 422 16
                                    


"Eh di, sisantihin mo ako sa unang beses na gumawa ako ng advancement sa 'yo. Come on, Mister Valencia, hindi lahat ng babae magkakagusto sa 'yo." Binigyan niya ito ng naghahamong tingin. "Magkakaiba kami ng mga mata, magkakaiba sa pamantayan ng kaguwapuhan, at magkakaiba ng hinahanap na katangian ng lalaking mamahalin namin. Hire me and rest assured I won't fall in love with you."

Umunat ang likod ni Vicente. Pinagsalikop nito ang mga palad at matamang tinitigan siya. "Hindi ko alam kung matutuwa ako o ma-o-offend sa sinabi mo. You really have the guts to tell that on my face." Gusto niyang mailang sa klase ng titig nito pero hindi siya nag-iwas ng paningin. Sinalubong niya ang mga mata nito para iparating rito na totoo siya sa mga sinabi niya. Pero ang totoo, hindi rin niya alam kung papaano niya nasabi ang mga iyon.

"Dahil alam ko kung ano ang gusto ko," sagot niya. "Ipanatag mo ang loob mo Mister Valencia dahil hindi ako katulad ng mga babaeng iyon. Kung gusto mo, isama mo pa sa kontrata ang tungkol rito. I won't fall in love with you."

"Kaya mong panindigan iyan?" Kung kanina ay kababakasan pa ng pagtanggi ang mukha nito ngayon ay blangko na iyon.

"Yes." Siguradong sagot niya.

Saglit na nanahimik si Vicente. And then he pouted na tipong may tinitimbang itong bagay bagay sa isipan nito. Napapalatak siya sa kanyang isipan. Bakit tingin niya ay lalong gumuguwapo si Vicente sa bawat minutong lumilipas?

"Kumpleto ka ba sa travel documents? Say, to Europe?" Maya maya ay tanong nito. Nakadama siya ng tagumpay. Ibig sabihin lamang ng tanong na iyon ay tanggap na siya.

"Kumpleto ako. Actually balak kong magtrabaho sa Europe pero nagbago ang plano ko. Hindi ko naman alam na mapapakinabangan ko pa rin pala ang mga iyon."

"Then you're hired," anito bago iniumang ang palad sa kanya. Tinanggap niya iyon at nakipagkamay rito. Natilihan siya. May kung anong init na tila nagbigkis sa mga palad nila ng binata. Kakaiba ang init na iyon na tila maliit na boltahe ng kuryente na nanulay sa bawat himaymay ng kanyang katawan. Hindi rin siya sigurado kung pinisil nga ba ng binata ang palad niya o imahinasyon lamang niya ang bagay na iyon.

Hindi niya alam kung ano ang nangyari pero natagpuan nalang niya ang sarili na nakatingin ng deretso sa mga mata nito.

"So okay na—oh!" wika ni Cedrick ng makabalik ito sa silid. Bigla siyang nagbawi ng palad. Si Vicente naman ay balewalang ipinamulsa ang palad nito.

"Tanggap na siya." Wika ni Vicente sa pinsan.

"Good. Ibabalita ko na kay Kuya Dylan." Sagot naman ni Cedrick bago siya sinulyapan. 

The game was on.


Valencia Series Book 3: Vicente Valencia (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon