Part 22

19.9K 327 1
                                    


"Marissa, tumutunog ang telepono mo," ani Vicente mula sa likuran niya. Tinalikuran na kasi niya ang binata para maitago ang pamumula ng kanyang mukha.

Damn it! kastigo niya sa sarili. Bakit ba umaakto siyang teenager na never been touched, never been kissed? Why was she always blushing like a virgin?

Eh, kasi nga virgin ka pa talaga! katwiran ng isip niya. Oo nga't birhen siya pero may karanasan naman na sa pakikipag-boyfriend. At hindi na rin siya teenager!

Napabuga siya ng hangin. Kinuha niya ang telepono. Isa sa mga pinsan niya ang tumatawag kaya safe naman kung sasagutin niya kahit naririnig pa ni Vicente. Pagkatapos ng tawag ay siya rin namang pagtigil ng bus.

"Dito na tayo, Marissa," wika ng binata bago nagpatiunang bumaba ng bus. Pumasok sila sa isang shop. Tanyag na fashion boutique ang pinasok nila. "Ito ang paboritong shop ni Cassy. Tulungan mo akong pumili ng mga accessories para sa kanya, okay?" anito.

Natigilan siya. Cassy? Sino si Cassy? Pakiramdam niya ay may kumurot sa puso niya dahil doon. Cassy's name rolled sweetly in his tongue at sumungaw rin sa mga mata nito ang fondness nang banggitin nito ang pangalang iyon.

"Okay. Pero ano ba ang mga gusto ni C-Cassy?" Sino si Cassy sa buhay nito? Iyon ang mas gusto niyang malaman.

"Anything fashionable. Basta kahit ano na lang. Hindi naman mahirap i-please ang kapatid ko. Ang gusto lang niyon ay may iniaabot ako sa kanya kahit na maliliit na bagay. 'Ibig daw kasing sabihin n'on ay hindi ko siya nalilimutan," paliwanag ni Vicente habang sinusuri ang isang pulseras.

Umalingawngaw sa isip ni Marissa ang isang salita. Kapatid. Kung ganoon ay kapatid ng binata si Cassy. Nakadama siya ng kasiyahan.

"Okay. Sige, doon muna ako sa kabilang aisle, doon ako titingin ng iba pang accessories." Hindi na niya hinintay na makasagot si Vicente, agad na siyang umalis. Vicente was always on her mind. Sa bawat pagdaan ng oras na nakakasama niya ang binata ay lalo niya itong nakikilala at aminin man niya o hindi, pakiramdam niya ay may kinukuha itong bahagi ng kanyang pagkatao.

Ang puso mo? anang isip niya, nahigit ang hininga. Posible nga kaya? Bahagya siyang umiling. Physical attraction lang ang nadarama niya para sa binata. Iyon lamang, period!

Bumuntong-hininga si Marissa at pilit itinuon ang atensiyon sa pamimili ng kung ano-anong gamit.


Valencia Series Book 3: Vicente Valencia (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon