Part 20

20.6K 396 4
                                    


"KUMUSTA riyan?" tanong ni Dylan nang tawagan si Marissa. Si Vicente ay nasa loob na ng booth at nagre-record pero dahil transparent na salamin ang dingding niyon ay kita nila ang isa't isa. Naiilang pa siya sa nangyari pero pinili niyang huwag ipakita sa binata na apektado pa rin siya. Salamat na lang at hindi naman siya kinulit ng binata tungkol doon. Iyon nga lang, tinutukso siya sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanya ng makahulugang sulyap.

"Okay naman ang lahat. Sa loob ng ilang araw ay wala naman akong napansing tao na kahina-hinala ang kilos. Kasalukuyan siyang nagre-record ngayon." Hindi sinasadyang napangiti siya dahil sa timbre ng boses ng lalaki sa telepono. Walang duda, lahi talaga ng mga guwapo at magagandang boses ang mga Valencia!

"Good. Patuloy pa ring pinipiga ng mga awtoridad iyong sumabotahe sa makina ng chartered plane. But please continue keeping an eye on him and make no mistake about it. Mabuti na iyong sigurado."

"Gagawin ko," sagot niya.

"On a lighter note, hindi ka ba naman kinukulit ng isang iyan? I'm telling you, Marissa, pilyo rin iyan. In case na pikunin ka, sapakin mo na lang. Basta huwag mo lang babangasan ang kaguwapuhan niyan," wika ni Dylan bago sinundan ng halakhak.

Natawa rin siya. "I can handle him." Kaya? Can she really handle Vicente?

"Mabuti naman pala kung ganoon. O pa'no, tatawag na lang uli ako from time to time. Kapag may kailangan ka, huwag kang magdadalawang-isip na tawagan ako, okay?"

"Sure. Sige, bye." Kabababa pa lang ni Marissa ng telepono nang makita niyang papalapit sa kanya si Vicente.

"Sino ang kausap mo?" agad na tanong nito.

"Huh?" Naguluhan siya. Bakit tila may pagseselos siyang nahihimigan sa boses nito? At ang mga mata ng binata, animo nang-uusig. Pero bakit? Dahil nakipagtawanan siya sa kausap sa telepono?

She just shrugged off the thought. Nag-i-imagine na naman siya!

"Never mind," supladong wika ni Vicente bago tumalikod.

Kunot-noong nasundan na lang niya ng tingin ang binata. Ipinagkibit-balikat na lamang niya iyon bago muling naupo at pinanood ang binata na nasa loob ng booth.

Napansin ni Marissa na tila wala na sa mood si Vicente. Bahagya ring madilim ang mukha nito. At tuwing nagtatama ang kanilang mga mata ay blangko ang ekspresyong ibinibigay nito. Weird, pero bakit apektado siya? Bakit gusto niyang sisihin ang sarili?


Valencia Series Book 3: Vicente Valencia (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon