"Do you want more?"
"More!"
"Okay, okay. Dahil mahal ko kayo. Kakanta pa ako ng isa. Then magkikita kita nalang uli tayo sa susunod kong gig. Okay ba iyon?"
Pumayag naman ang lahat. Sumenyas siya sa band members niya. And as if on cue. Biglang dumilim ang paligid at tumutok sa kanya ang spotlight. Yumuko siya. Nang mag-angat siya ng paningin ay nakapaskil na sa mukha niya ang isang naughty look. Hiyawan ang mga manunuod.
"Swaying room as the music starts. Strangers making the most of the dark. Two by two their bodies become one. I see you through the smokey air. You're so close but still a world away. What I'm dying to say, is that I'm crazy for you..."
The crowds went crazy.
Pagkatapos ng kantang iyon ay nagpaalam na siya sa audience niya.
"Guys, una na ako sa inyo," aniya sa mga kabanda ng na sa backstage na sila. "Kita kita nalang uli pagbalik ko galing Europe." Dagdag pa niya habang kinukuha ang gitara. Noong nakaraang buwan pa dapat siya pupunta ng Europe para sa magrecord ng ilang awitin pero nagkaroon ng aberya ng maaksidente ang pinsan niyang si Brandon. Ginamit ni Brandon ang personal chopper niya at aksidenteng nagcrash iyon. Ganoon pa man, tila blessing in disguise rin ang nangyari dahil muling nagtagpo ang landas ng pinsan niya at ni Febe—ang babaeng noon pa ay minamahal na nito.
"Sure. Ang pasalubong namin huwag kalilimutan," wika ni Blake, ang drummer. Ang bandang Orion ay binubuo ng keyboardist—si Shane, drummer—si Blake, guitarist—si James, at vocalist—siya.
Solo performer na siya bago pa man siya maging miyembro ng bandang iyon. He liked the Orion. Ilang beses na niyang napanood ang performance ng mga ito. Talentado ang bawat isa at talaga namang nag-be-blending ang bawat instrumento. Nang mawalan ng vocalist ang Orion, nag-audition siya at natanggap naman. Kalabisan mang sabihin pero malaki ang naitulong niya para makilala ang Orion sa Pilipinas. Isa sa pinakagusto niya sa Orion ay ang pagiging malinis na banda nito. Walang bisyo at solido ang samahan. Sa pagkakaalam niya, kaya natanggal ang dating vocalist niyon ay dahil sa isyu ng droga. Orion did not want that.
"I'll keep that in mind." Lumabas na siya ng backstage at nagtungo sa isa pang silid na alam niyang duon naghihintay ang pinsan niyang si Cedrick. Kasama ang recordings na iyon sa Europe sa mga natanguan niya noon pa man kaya nauunawaan ng mga ito na mag-isa lang siyang pupunta ng Europe.
BINABASA MO ANG
Valencia Series Book 3: Vicente Valencia (Completed)
RomancePrecious Hearts Romances Vicente Valencia, the singer, needed a bodyguard. Dahil nasa ganoong trabaho si Marissa, tinanggap niya ang hamon. Ngunit hindi iyon magiging madali sa kanya dahil hindi alam ng singer na may bodyguard ito. Ang pamilya ng si...