Part 15

22.3K 358 0
                                    


LIHIM na napapalatak si Marissa habang palihim na pinagmamasdan si Vicente. Nasa studio na sila at nakikipag-collaborate ito sa mga taong naroon para sa mga nakalinyang kanta. Vicente was so focused. Hindi maikakaila na passion talaga nito ang pagkanta. Sumapit ang lunch break. Sabay-sabay na silang nananghalian pagkatapos ay bumalik sa studio. Salamat na lang at hindi nagpapakita roon si Gustav. Maybe Dylan handled the situation well.

Speaking of Dylan, ngayon ay pauwi na uli ito sa Pilipinas. Masinsinan siyang kinausap ng binata at ibinilin si Vicente sa pangangalaga niya. Hindi naman daw lampa si Vicente. He can take care of himself. Iyon lamang ay maigi na raw na may mga matang nagmamasid dito—at siya iyon. Babalik na lang daw ito kapag natapos na ang recording.

Pahapon na pero tutok na tutok pa rin ang grupo sa pag-aaral ng kanta. Hanggang sa magloko ang air conditioner ng studio kaya uminit doon. Nagkaroon ng break. Agad nilapitan ni Marissa si Vicente at inabutan ng bottled water.

"Salamat," nakangiting wika nito na ikinasinghap niya. Iyon ang unang pagkakataon na nginitian siya nang ganoon ng binata, as if he was charming her. Pakiramdam niya ay nawala sa kinalalagyan ang kanyang puso. "Puwede mo bang punasan ang pawis ko?" tanong pa nito sa pinababang tinig.

"O-of course," ani Marissa bago kinuha ang face towel sa mga dala-dala. Idadampi na niya iyon sa leeg nito nang pigilan siya ng binata. Hinawakan nito ang kamay niya.

"Binibiro lang kita. Kaya ko namang magpunas ng sarili kong pawis," amused na wika ni Vicente. Pero wala sa sinasabi nito ang atensiyon niya kundi na sa kamay nitong nakahawak sa kanyang kamay. Wala sa sariling binawi niya iyon. Ang akala ni Marissa ay hawak na ng binata ang towel kaya binitiwan na rin niya iyon pero hindi pala, dahil nahulog ang towel sa sahig.

"Allow me—"

"Ako na—"

Sabay nilang wika at sabay ring yumuko para kunin ang towel. Pero dahil hindi nila inaasahan ang gagawin ng isa't isa kung kaya nagpang-abot ang kanilang mga noo.

"Aww!" hiyaw niya. Si Vicente ay napahawak din sa noo nito. Napatingin tuloy sa kanila ang iba pang tao sa studio. Karamihan sa mga ito ay nang-iintriga ang pagkakangiti.

"Sorry," wika ni Vicente. Hindi niya inasahan ang sunod na ginawa nito, marahan nitong hinaplos ang noo niya.

Disimuladong umiwas si Marissa. "Hindi naman masakit. Nabigla lang ako." Dinampot na niya ang towel at ibinalik iyon sa dalang bag bago kumuha ng panibagong towel at iniabot sa binata.

"Salamat." Nagpunas ito ng leeg at batok bago bumalik sa grupo.

Wala sa sariling nagpunas din si Marissa ng pawis sa kanyang mukha, hanggang sa matigilan nang mapagtantong iyon ang ginamit ng binata. Dali-daling ibinalik niya iyon sa loob ng bag. Pero natanim yata sa isip niya ang amoy ng towel. Pinaghalong masculine scent at pawis, kakatwa ngunit napakabango niyon.

May mga dumating naman na technician at inayos ang aircon. Pagkalipas ng ilang oras ay nagsimula na ang binata na mag-record ng kanta.

Thefirst day ended with a bang. Naging maayos ang lahat. Iyon nga lang, nalimutanyata ng lahat ang oras kung kaya halos gabi na nang magpasya ang lahat naituloy na lamang ang recording bukas.

Valencia Series Book 3: Vicente Valencia (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon