NAHIGIT ni Marissa ang hininga nang unti-unting magkaroon ng ilaw ang kabuuan ng Eiffel Tower hanggang sa tuluyang kuminang iyon kasabay ng makukulay na fireworks. Iyon ang unang pagkakataon na makikita niya iyon kaya naman hindi niya maiwasang mamangha.
Sa bugso ng damdamin ay hindi na niya namalayan na unti-unti na palang lumalapit ang kamay ni Vicente sa kanyang kamay, at hinawakan iyon. She was just completely in awe of the breathtaking view.
"Beautiful..." komento ng binata.
"Oo nga. Sobrang ganda!"
Lumingon si Marissa kay Vicente. Gusto niyang pasalamatan ang binata sa pagkakataong iyon. Subalit agad din siyang natigilan nang makitang sa kanya ito nakatingin. Noon din lang niya napansin na magkasalikop na pala ang kanilang mga kamay. Masyado yata siyang nadala sa napakaromantikong lugar.
"Beautiful..." halos pabulong na ulit ni Vicente. Sa mga mata nito, nagre-reflect ang iba't ibang ilaw ng mga fireworks. With only breaths away, binitiwan nito ang kamay niya. Tumaas ang kamay nito hanggang sa mamalayan na lang niyang humahaplos iyon sa kanyang pisngi.
"V-Vicente..."
Tumigil sa ginagawa ang binata. Nagsalubong ang mga mata nila, hanggang sa unti-unting umanggulo ang mukha nito habang tuluyang sinasakop ang natitirang distansiya na naghihiwalay sa kanilang mga mukha. Alam ni Marissa kung ano ang susunod na mangyayari. Hahalikan siya ng binata.
Ayaw magsinungaling ni Marissa sa kanyang sarili. She was excited and slowly dying from anticipation. Ipinikit niya ang mga mata nang tuluyang lumapat ang mga labi ni Vicente sa kanyang mga labi. At first, the kiss was whisper-light, more of a mingling of breaths than an actual touching of lips, and yet the effect was explosive. Agad dumaloy ang kakaibang init sa bawat himaymay ng kanyang pagkatao, dumeretso ang init na iyon sa kaibuturan ng puso niya at ginising ang isang damdamin. She was stunned at the realization. Posible ba talaga ang nararamdaman niya?
Hindi na napagtuunan ng pansin ni Marissa ang tanong na iyon dahil ang buong atensiyon niya ay bumalik na kay Vicente. Tila fireworks din ang katumbas ng halik ng binata. Breathtaking. Lumalalim na ang halik nito and she just found herself opening up for his conquering tongue. The expertly erotic movements of his mouth were sweetly, searingly suggestive—full of passionate promise.
At sinasagot niya ang halik nito nang buong puso.
-tab(R<�[�
BINABASA MO ANG
Valencia Series Book 3: Vicente Valencia (Completed)
RomancePrecious Hearts Romances Vicente Valencia, the singer, needed a bodyguard. Dahil nasa ganoong trabaho si Marissa, tinanggap niya ang hamon. Ngunit hindi iyon magiging madali sa kanya dahil hindi alam ng singer na may bodyguard ito. Ang pamilya ng si...