CHAPTER 4: Tiis Lamig

485 7 0
                                    

SA ILANG araw na nakalipas mula ng magkasagutan sila ni Kei ay nagmukmok lamang siya. She chose to unwind. Set her mind on how to deal with her situation. But she was not yet decided of what to do. Is she giving up or is she will continue to make him fall in love with her? She was not that liberated not to take marriage seriously. Para sa kanya, ang pagpapakasal ay isang malaking desisyon. It was about spending one’s life with the perfect person. And Pam was considered as Kei’s perfect girl.

     I can be more than perfect, Kei. If you just let me to. 

Lulugo-lugo siya.Pasado alas-otso na ng gabi nang pumunta siya sa condo ng binata. Habang naglalakad ay kinakabahan siya. Well, magso-sorry lang naman siya kaya walang masama. Ngunit, nag-aalangan pa rin siya. Nang nasa pintuan na siya ay wala na siyang kawala. She braced herself. Kumatok siya. Walang sumagot. She knocked many times. Wala pa rin. Nag-alala siya. Hindi naman siguro siya mapapagalitan nito kung papasok siya. Ginamit niya ang susing ibinigay sa kanya ni Tita Jenny.

Pagkabukas ay kumunot ang noo niya. Nagulat siya ng may narinig siyang ungol. Lumapit agad siya sa pinagmumulan niyon.

Nanlamig siya. “Kei!” sigaw niya. Dinaluhong niya ito ng takbo.

Nakahiga ito sa kama. Nanginginig ito. Nang salatin niya ang noo nito ay napakataas ng lagnat nito. Naawa siya rito. Ang karaniwang mala-tigreng aura nito ay nawala. Para na itong basang sisiw na lamig na lamig. Pero napakagwapo pa rin nito. Literal ang pagiging hot nito ngayon.

“Kei. Kei,” ginigising niya ito. Mukhang kagagaling pa lang nito sa trabaho dahil hindi pa ito nagpapalit ng damit. Luminga-linga siya. Hindi niya alam ang kanyang gagawin. Basta, kailangang maalagaan si Kei.

“Gosh! Wait for me.” Hinalikan niya ito sa noo.

Agad siyang kumuha ng damit na pamalit nito. Halos iitsa na niya ang mga damit sa closet nito. Agad niyang nahanap ang damit pantulog. Sunod siyang pumunta sa kusina. Kumuha siya ng mainit na tubig at bimpo. Bumalik na siya kay Kei.

Inalis niya ang kumot nito. “Tiis muna sa lamig, Kei. Gosh! Bakit ba kasi pinapagod mo ang sarili mo? Ang yaman –yaman mo naman para sagarin mo ‘yang katawan mo.” pinagalitan niya ito. Naiinis kasi siya. Hindi ba nito alam na aatakihin siya sa puso sa pag-aalala dito.

Hinubad niya ang damit nito. Napalunok siya. Her face turned red and couldn’t take her eyes off of his body. Napakaganda ng built ng katawan nito para abusuhin. Pinilig niya ang ulo. Hindi tamang abusuhin niya ang kahinaan nito. He looked handsomer without a shirt on. She bit her lips.

“Sorry, Kei. I can’t help it. You’re a god. Aren’t you aware of that?”

Unti-unting gumaganda ang kaninang lumong-lumong hitsura nito. It was a relief. Ang sarap sa pakiramdam ng nasa tabi niya ito. Inaalagaan niya na tila niya pag-aari. Ang bahagi ng kanyang puso ay nalungkot dahil alam niyang kahit kailan ay hindi siya gigising isang umaga na katabi ito. Tulad ng matagal na niyang pangarap.

Nahinto siya sa pagpupunas. Lahat ng atensyon niya ay napunta sa isang maliit na tattoo sa dibdib ni Kei. A butterfly. Hinaplos-haplos niya iyon. It looked sexy on him. Nakadama siya ng galak bigla dahil doon. Sunod ay hinaplos niya ang mukha nito. Sa ginawa niyang pagpupunas dito ay mukhang mas bumuti ang pakiramdam nito. Hindi na ito nanginginig sa lamig. Pinatay din niya ang aircon na nakabukas nang siya’y dumating. Pinalitan na rin niya ang damit nito.

Umuungol lamang ito. Nabawasan ang kaba niya. Pinagmasdan lamang niya ito. Sa lahat ng magagandang views na nakita niya, ito ang pinakamaganda. The sight of him made her happy and complete. Hindi siya magsasawang pagmasdan ito.

“Kei…” namasa ang kanyang mga mata.

“Hug me…”  sabi nito.

Hinila nito ang kanyang kamay. Nilalamig na naman ito. Naalala niya ang ginagawa ng kanyang ina kapag siya ay may sakit. Niyayakap siya nito. Ganoon nga ang ginawa niya. Nagpadala siya sa hatak nito. Nahiga siya at niyakap ito.

She felt the protectiveness with his arms around her. She felt safe. She hugged him back. With full of care and affection. This is a night that she will treasure.

Dinampian niya ng halik ito sa mga labi.

“I love you.”

TATTOOED ON MY HEART (Book 1: Keenan Kress and Helendina Ambrosio)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon