“Hold every person who’s giving you importance. You might wake up one day and realize you’ve lost a diamond while you were busy collecting stones.”
Napakalaking impact ng mga salitang ito sa kanya. Dahil sa sinabi ni Hiroki ay naliwanagan siya. Huwag niya dapat iwalang bahala na lamang ang mga taong nagbibigay ng effort sa kanya.
Sa totoo, wala naman pala itong ginagawa bukod sa itensyonal nitong pang-aakit. Nagtapat sa kanya ang Mama niya na matapos malaman ni Hena na alukin niya ng kasal si Pam ay nagbabalak na itong bumalik sa London. Inamin nito na ito pa mismo ang nangunsinti kay Hena na huwag pumayag sa gusto niyang mangyari. Ngunit, ayaw na pala talaga ng asawa niyang manggulo. Noong gabing magkatabi sila ay inalagaan lang pala siya nito.
He was angry with himself. Bigla siyang nanliit. Gusto niyang suntukin ang sarili sa mga masasamang bagay na ibinato niya sa dalaga. But still, Hena was holding him. Loving him despite of his stupidity. Mula nang malaman niya ang katotohanan ay tuluyang hindi siya nagpakita dito. He was so guilty. Aaminin niyang na-miss niya ito. Lalo’t hindi na siya sanay na hindi siya nito binubuntutan at nginingitian.
“Why you take such a hold of me?”
Naabutan niya itong tulog sa sofa. Buong akala niya ay hindi nito alam na birthday niya.. Sana ay umuwi na lamang siya nang maag. Nakita niya na pinaghandaan nito iyon. Mukha kasi itong pagod na pagod. Parang isang prinsesang himbing na himbing sa pagtulog.
Hindi rin nakaligtas sa kanya ang sugat nito sa kamay. Pinagmasdan niya ang mga iyon. Puno ang mga ito ng paso. Hinalikan niya ang mga kamay nito.
She cooked for him!
“Thank you,” bulong niya.
Hindi niya mapigilang hagkan ito. Walang araw na hindi siya naaakit angkinin ang mga labi nito. He hardly resisted her. Many times he hated himself to fantasize about her. He can’t help it. Sa asawa lamang niya siya nakaramdam ng matinding pangungulila. Dito lamang siya naduduwag.
He kissed her forhead. Binuhat niya ito at dinala sa kama.
“K-Kei…” nagising ito.
“Good morning, sweetie. Sorry I butt in your sleep,” nilapag na niya ito. “Now. Sleep again.”
“Happy birthday.”
Ngumiti siya. Gising ang diwa nito. “Thank you. We’ll celebrate tomorrow. Promise.”
Sumiksik ito sa kanya. “I miss you so much. I love you. I love you. Please love me, too.”
She was too proud to say how much she loves him. Ano bang nakita nito sa kanya? Mas marami namang gustong mahalin nito pero pinagtatiyagaan pa rin siya nito. Mas tamang sabihing, walang lalaking hindi nito kayang paibigin.
Again he replied thank you. Tinabihan niya ito. He was feeling of craving for her presence. Hindi na niya pinigilan ang sariling iwasan ito. Wala namang masama kung bubuksan niya ang puso sa ibang tao. Though he still missed Pam. Napag-alaman kasi niyang may kinakasama nito ang first love nito. Nasaktan siya. Pero hindi niya inaasahang magiging madali sa kanya ang mag-move on. And Hena had a big role to that.
Babawi siya dito. Iyon ang sinisigurado niya.
BINABASA MO ANG
TATTOOED ON MY HEART (Book 1: Keenan Kress and Helendina Ambrosio)
RomansaHelendina Ambrosio was one of the highest paid models in the world of fashion. She was a walking temptation. With her angelic face, sexy body, and fame, she can have every man’s attention. Except Keenan Kress’. Keenan was her first and definitely la...