CHAPTER 11: Officially Together

497 8 0
                                    

NAPAKASAYA ng isang linggong pagsasama nila. Officially together. Matapos nilang linawin ang lahat ay namuhay sila ng payapa. They were already the perfect couple. Wala ng mas sasaya sa kanya dahil nararamdaman niyang napapasaya niya rin ang asawa.

     Speaking of her husband, walang araw na hindi siya nito nililigawan. Hindi ito pumapalya sa pagbibigyan ng bulaklak. Nag-leave pa ito sa trabaho para lamang makasama siya nito. Marami silang napuntahan. Mga lugar na gusto niyang puntahan. They spend their honeymoon in Palawan. Sa rest house ng pamilya ni Kei.

     They made love twice. Of course, Kei was shocked because she was still a virgin. Natawa lamang siya. Hindi raw nito akalaing sa dami nang nauugnay na mga lalaki sa kanya ay birhen pa siya. Well, proud siyang sabihing dito lamang niya gustong ibigay pati ang kaluluwa niya. Kay Kei lamang.

     Kahit laging “thank you” pa rin ang sagot nito kanya, ayos lang sa kanya. Nararamdaman naman niyang may pagtingin na ito sa kanya.

     “Kei?”

     Pupungas-pungas siya. Kagigising lamang niya. Nitong mga nakakalipas na araw ay pasarap ng pasarap ang tulog niya. Pakiramdam niya ay ayaw na niyang umalis sa bisig ng asawa. Paika-ika niyang tinahak ang pinto. Pagaling na ang sugat sa talampakan pero may bahagyang kirot pa rin iyon.

     “Sweetheart?”

     “Aysauce!”

     Nagulat siya sa pagsulpot ni Kei. Agad siyang binuhat nito.

     “I told you not to walk for a while. Ang kulit lang talaga ng misis ko,”

     “Parang mas makulit ang mister ko. I just have a small wound,” diniinan niya ang salitang “small”. “Sweetheart, you treat me like I’m invalid.”

     Hindi pa rin siya nito binababa. Dinala siya nito sa kusina. Maingat siyang iniupo nito sa may kataasang table. Nakatingala ito at nakayuko naman siya rito. Ikinawit niya ang mga kamay niya sa batok nito.

     “Sorry if I’m OA. I’m just…just worried,”

     “Ikaw naman po kasi ang mapapagod mister kabubuhat sa akin. Kilala mo naman ako. Hindi ako mapakali sa isang sulok. Paano kung ngayon gusto ko rito sa kusina tapos maya-maya sa banyo naman tapos sa garden,”

     “And so? I can carry you anytime and anywhere,”

     “Ang hangin naman dito,” she joked.

     “I’m not joking, Hena.”

     “So am I, Mister,”

     “Just let me carry you. Say to me wherever you want to go. You’ll be dead if you lay your feet on the ground,”

     “I’m so dead? Really?”

     Mula sa kinauupuan ay tumalon siya. Paglapat ng mga paa sa sahig ay binalanse niya ang katawan para magpa-impress dito. Actually, makirot pero hindi niya ramdam. Ang pakikipagkulitan sa asawa ay sobra-sobra pa upang hindi siya makadama ng kung anumang sakit o kalungkutan.

     “Oha! Kaya mo ‘yon?”

     He looked very pissed off. He didn’t even say a word. He just carried her and took her on their room. Madilim ang mukha nito. Walang epek ang apologetic look niya dahil hindi siya nito tinitignan.

TATTOOED ON MY HEART (Book 1: Keenan Kress and Helendina Ambrosio)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon