CHAPTER 19: Look: Left And Right

464 9 0
                                    

NAGPALIPAS ng gabi si Hena sa bahay ng kapwa modelo niyang si Candice. Gaya niya ay may dugong Pinoy rin ito. Doon ay nilabas niya ang poot at galit. Hindi niya sinasagot ang mga tawag at texts ng asawa niya.  She felt betrayed but nothing changed to her feelings for Kei. Baliw na nga yata siya.

     Napangiti siya ng mapait. Bakit ba pinagmumukha niyang tanga ang sarili sa kapipilit na mamahalin din siya ni Kei? May pagtingin ito sa kanya. Walang duda iyon ngunit iba sa pagtingin nito kay Pam. Ang pagtingin na dati pa niya gustong matikman.

     She prepared herself. Ngayong araw sila magkikita ni Pam. Muli niya itong tinawagan. Sinabi niya kung paano sila magkikita. Agad namang pumayag ito. That girl really had a nerve!

     Mabilis siyang nakarating sa kanilang pinag-usapan. Ngunit wala pa ito. Pinili niya munang hindi lumabas sa sasakyan. Sa parking lot na lamang muna siya ng mall. She cooled herself down. Napaka-emosyonal niya ngayon.

     Bumaba siya ng matanaw si Pam. Bumaba siya agad. Napakasimple pa rin nito. Sinenyasan niya ito na huwag nang tumawid papunta sa kanya. Siya na lamang ang pupunta doon. Ngumiti ito at tumango.

     She looked first. Left and right. Nang walang sasakyan ay lumakad siya. Naka-high heels siya. When she flipped her hair, lights flashed. May rumaragasang kotse ang palapit sa kanya. She was about to run. Sana hindi pa huli ang lahat. Nagsimula siyang gumalaw ngunit may mas nauna sa kanya. May malakas na tumulak sa kanya.

     Naramdaman niya ang paglapat ng likod niya sa lapag. Napakasakit. Lalo na ang kanyang kamay. But, wait! Bumangon agad siya. Sino ang tumulak sa kanya?

     Pinilit niyang tumayo kahit may nararamdamang sakit. Nakita niyang nakahandusay ang isang babae. It was Pam! Oh my gosh! She spulled her! She saved her out of the danger. Gulat na gulat siya. She ran right straight through her.

     “Help! Help!” hindi niya alam kung may nakakarinig sa sigaw niya. Tila siya paos sa bilis ng mga pangagayari.

     May isang taxi na nakaparada malapit sa kanila. Tinulungan siya nito. Ngayon ay nagmamabilis na silang madala sa pinakamalapit na Hospital si Pam. Gulung-gulo siya.

     “Hold on, Pam…please..” bulong niya rito. Hawak niya ang kamay nito. May dugo ito sa ulo. Walang malay. Pero mas nanlamig siya ng may umaagos na dugo sa mga hita nito. A blood between her legs. Oh, God! Was it…was it? Napasubsob siya sa palad. For heaven’s sake she can’t think straight.

     It was all her fault. She was the one to blame. Natawagan na niya si Kei. Sa tinig nito’y mas kabado pa ito kaysa sa kanya. Inalis muna niya ang selos. After all, utang niya ang buhay kay Pam. Bakit ba kasi siya nito niligtas? Dapat siya nalang. Tutal, bugbog na bugbog na ang kanyang dibdib sa sama ng loob.

     Nagmamadaling dinala sa isa sa mga kwarto si Pam. Hospital iyon na pagmamay-ari ng mga Kress. Nasa loob na si Pam nang dumating ang asawa.  Dali-dali niyang tinakbo ito. Kailangan niya ng makukuhanan ng lakas ng loob. Kailangan niya ng init ng mga yakap nito. Yayakapin niya sana ito nang lagpasan siya nito. Hindi siya tinapunan ng kakarampot na tingin. Natigilan siya at natulala. Mga luhang umaagos lamang galing sa kanyang mga mata ang tila hindi napapagod.

     Tila pinatay siya nito dahil doon. Napayuko na lamang siya. Napasandal sa dingding sa may sulok. Napahawak siya sa braso. May pilay iyon. Ngayon na ito sumasakit. Pero wala ng mas sasakit sa nararamdaman niya. She felt alone. Rejected and broken.

     “Come. You need to see a doctor also.” Si Hiroki iyon.

     Tumango lamang siya. Inalalayan siya nito. Ito na ang nag-asikaso sa kanya. Binendahan siya nito. Ang mga gasgas at galos ay ginamot din nito. Hindi niya ito matingnan sa mga mata.

     “Cry if you want. Not a problem with me.”

     Sabi nito. Hindi ito nagsasalita habang ginagamot siya. Naiintindihan siya nito. Nagyuko na lamang siya at humikbi ng humikbi. She cried with all her heart and soul.

TATTOOED ON MY HEART (Book 1: Keenan Kress and Helendina Ambrosio)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon