CHAPTER 5: Shut up and Get Dress

484 6 3
                                    

UMAKYAT lahat ng dugo ni Kei sa ulo. Sa tanang buhay niya ay ngayon lang siya nakadama ng matinding galit. Umagang-umaga ay problema ang bungad sa kanya. Isang napakalaking problema. Sirang-sira ang lahat ng kanyang mga plano.

“Hon, let me explain. It’s not what you think.”

 “Paano mo maipapaliwanag ‘to? Kaya pala tawag ako ng tawag sa’yo kahapon ay hindi mo sinasagot. May kalampungan ka pala.”

He was surprised. Not familiar with this. With the foul words coming out of her mouth. Galit na galit si Pam. “I’m sorry. I had a fever last night. Hindi ko namalayan na tinatawagan mo ako. I was calling you yesterday morning but you’re still angry at me.”

Nag-away kasi sila dahil nagseselos ito kay Hena. Kay Hena na prenteng-prente pang natutulog sa kanyang kama. Nakasuot lamang ito ng manipis na tube. Ito ang naabutang eksena ni Pam. Pam was very angry and she thought that something intimate happened between him and Hena.

Hindi malinaw sa kanya ang lahat. Yes, he was dreaming of Hena that time but he was not expecting that she was here for real. Gosh! Ayaw na muna niyang mag-isip.

“Ayoko ng makinig sa’yo, Kei. Kailangan siguro muna nating bigyan ng space ang isa’t isa. Napakarami ko ng iniisip.” Yumuko ito. "Marami akong iniisip sa bahay sa trabaho kaya sana 'wag ka munang dumagdag, Kei"

 “Can you just listen to me first? Pam, pagkagising ko nalang nandiyan na siya sa tabi ko. I don’t even know what the hell is she—“

“Tama na! Nakakasawa na rin. Hindi mo ba alam na nakakasawa na ring ma-insecure. Mula nang dumating ‘yang babaeng ‘yan dito, nagseselos na ako. Sino ba naman ako kumpara sa kanya, Kei? Walang lalaki ang hindi siya kayang mahalin. She’s perfect, pero ako—“

“Pero ikaw ang pinili ko, Pam."

He was tired of this conversation. Masama pa rin ang pakiramdam niya. Masakit at mainit ang kanyang ulo. Lalong nabubuhay ang galit sa dibdib niya habang napapatingin kay Hena. How dare this girl. Hindi talaga ito titigil hangga’t hindi siya nito nakukuha.

“It’s over, Kei. I’m sorry.”

Hinabol niya ito. Niyakap sa likuran. “Let’s make it up. I love you. Can’t you feel it? Wait here. Please spare for a moment. Please, please..” Mabilis siyang tumakbo. Kinuha niya ang jewelry box sa kanyang drawer.

“I was supposed to give you this.” Lumuhod siya sa harapan nito. Bahala na kung panget man ang proposal niya. Babawi nalang siya kapag okay na ang lahat. Ngayon ang importante.

“Will you marry me?”

Hindi galit ang nabasa niya sa mga mata nito sa pagkakataong iyon. He felt that Pam wanted to admit something. Her eyes looked so sad and feeling sorry for him.

 "Please marry me and I will be the best husband for you. Please...Forget about this..Forget about Hena because she is nothing. Ikaw 'tong gusto kong pakasalan."

 “Sorry. I can’t marry you.”

 “B-But why?”

“I just can’t. “

“Pam…”

“Please! Ayoko na… let me go,”

Naiwan siyang nakamaang. He doesn’t know how to react. Sasabog na siya. Nasira lahat ng magagandang planong ginawa nilang magkasama ni Pam. Dahil lang sa isang hindi pagkakaunawaaan. Dahil sa isang gabing nakatabi may nakatabi siyang babae. Dahil kay Hena.

Bumaling siya rito. Gising na ito. May luha ito sa mga mata. Tila bato ang kanyang puso. He was so sure that nothing happened between them. They not made love. But one thing he was sure of. Pinlano nito iyon. Pagbabayarin nito iyon. May pupuntahan sila ni Hena. Ito na ang pinakahihintay nitong mangyari simula pa noon. Ngunit hindi nito iyon magugustuhan.

 “Kei…so..sorry…,” pumiyok ang boses nito.

Tumawa siya ng pagak. “For what, sweetie? For ruining my life? Thanks to you. Wala ka na sigurong magawa sa buhay mo kaya buhay ng iba ang inaatupag mo!”

Sa sobrang gigil ay hinagis niya ang jewelry box na ikinapitlag ng dalaga. “Get dress.”

TATTOOED ON MY HEART (Book 1: Keenan Kress and Helendina Ambrosio)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon