PAGKAGISING ni Hena ay wala pa rin sa tabi niya si Kei. Tatlong araw na silang kasal. Missed na missed na niya ito. Bumangon siya. Pasado alas onse na ng tanghali. Kaya pala sobra na ang gutom niya. Pumunta siya sa kusina at naghanap ng makakain. Mayroon naman mga stock na ulam. May mga frozen meats sa ref. Paano siya makakain kung hindi naman siya marunong magluto. All her life, she had a maid with her. Kaya kahit pagluluto lamang ng ham ay hindi niya alam. Mag-oorder na lamang siya.
Paglabas niya ay biglang bumalandra sa kanya ang lasing na asawa. Langong-lango ito sa alak. Mukhang magdamag itong naglasing.
“How’s my beautiful wife?” hinapit siya nito.
Naaamoy niya ang magkahalong amoy ng alak at natural na mabangong amoy nito.
“K-Kei, ano ba? Teka nga. Umupo ka muna.”
Hindi siya nito binitawan. Pinaghahalikan nito ang kanyang pisngi. “Kei, you’re drunk. Halika muna dito. Kumain ka na ba?”
Binitawan siya nito. Dire-diretso ito sa kwarto. Binagsak nito ang katawan sa kama. Nilapitan naman niya ito. Nawala ang gutom niya. Ang gusto niyang gawin ay asikasuhin muna ang asawa. Binihisan niya muli ito. Hinayaan niya muna itong matulog upang mahimasmasan. Pinadagdagan niya ang in-order niyang pagkain. Hanggang dinner na nila iyong mag-asawa. Mag-isa siyang kumain ng lunch dahil tulog pa ito. Pagkatapos kumain ay niligpit niya iyon. Naligo at tumabi sa asawa.
“I love you,” Bulong niya sa asawa. “I will be a perfect wife for you. Just bear with me a little for a while. Okay?”
NABUNGARAN ni Kei ang isang magandang mukha. Ang kanyang misis. Para itong anghel habang natutulog. Anong pumasok sa isip niya at nakakaramdam siya ng pagkagalak sa tabi nito. Agad siyang lumayo dito. Diretso siya sa banyo upang makapaghanda sa pagpasok sa opisina. Ayaw niyang maabutan na magising ito. Umiiwas lamang siya sa gulo.
“Kei, gising ka na pala. What do you want to eat? Wait, ihahanda ko ang pagkain.”
“What’s for dinner?” malamig niyang tanong.
“I ordered your favorite foods. We have kare-kare and adobo. Is there anything you want to add? Mago-order ako if you want.”
“Nag-order ka pa? Marami namang pwedeng lutuin diyan, ah. Nagsasayang ka ng pera. Napakarami niyan. Kaya mo ba ‘yang ubusin?”
“Of course not. But of course, kaya nating dalawa. Kaya halika na.”
“Who told you that I want to eat with you? I have to go,”
Napalis ang ngiti nito. “Where are you going? It’s Sunday. Your off.”
“Kahit kailan ay walang day off sa nambababae. Walang pinipiling araw ang pakikipag-fling at pakikipag-sex.”
May namuong luha sa mga mata ng asawa niya. Napakunot na lamang siya ng ulo nang tumango-tango ito. What was wrong with her?
Hena was not really her type. She was so fragile, playgirl, brat and insensitive. Kung ano ang magustuhan ay kukunin kahit may nasasagasaan. Somehow, he admired that so much. He was maybe out of his mind. Mula nang magising siya katabi nito ay naging mabilis ang lahat ng desisyon niya. Mula kasi noon ay nagtitimpi na siya sa mga kalokohan nito. Dahil sumobra na talaga ito, it was really about time to make her realize something.
Pumunta siya sa bar ni Drew upang mag-unwind. Mabuti nalang at nandoon ang tatlong kaibigan niya. Kinwento niya rito ang lahat ng nangyari sa kanya nitong mga nakaraang araw. Mula nang dumating muli sa buhay niya si Hena. They were so shocked.
“Whoa!” sabay-sabay na wika ng mga ito.
“It happened so fast. I don’t know what to do anymore.”
“Lakas pa rin ng tama sa’yo ni Hena, Pare. But how about Pam?” tanong ni Hiroki.
“I gave her what she wants,” matabang na sabi niya. Pam’s was her serious girlfriend. He was so comfortale with her kaya mahirap sa kanyang pakawalan nalang ito. Ito ang ideal girl niya.
“So what about Hena? Anong plano mo?” ani Drew.
“Don’t know.”
“Anak ng kambing na may bangs naman, Kei. Wala sa reputasyon nating mga macho ‘yang ginagawa mo. Bilib na talaga ako sa’yo. Si Hena ‘yon, Pre. Hindi kung sinong babae lang.”
Tama si Cedric. Wala sa bokabularyo niya ang manakit ng babae. Noong humupa ang galit niya ay na-realize niya na maling-mali ang ginawa niya. Kaya kung lumalayo man siya kay Hena ay dahil nagi-gulity siya. Para siyang naduduwag. He was so unfair. Instead of cleaning up the mess, he made it more complicated. Dinamay pa niya si Hena.
“Ginayuma mo ba ‘yon? Aba, eh, ako nga crush ko ‘yon noon pati nga si Hiroki type'yun. Kung hindi nga lang siya patay na patay sa’yo pinormahan ko na ‘yun, eh.” Ani Cedric.
Pinukol niya ito ng matalim na tingin. “Lahat naman gusto mong pormahan, eh.”
“Ulol!”
“I admit I’m so harsh with her but she always wears a smile. Kahit dumarating ako ng lasing sa bahay lagi niya akong inaasikaso. Minsan kapag nababara ko siya hindi niya ako pinapatulan. Minsan magigising ako na katabi ko siya na parang tiwalalang-tiwala siya sa akin. ‘Yung parang hindi ko siya nagagawan ng masama. What’s wrong with her?”
“Sarili mo dapat tinatanong mo niyan. What’s wrong with you?”
Natahimik siya. Tumungga nalang siya ng alak. Baka sakaling kapag lasing siya ay may lakas na siya ng loob sabihin kung ano ba talaga ang pinoproblema niya.
“Hold every person who’s giving you importance. You might wake up one day and realize you’ve lost a diamond while you were busy collecting stones.” Ani Cedric.
“Hindi pa naman huli ang lahat, Pre. Just cooperate with Hena. Mukhang mas alam pa niya ang makabubuti sa’yo. At aminin mo, hindi siya mahirap mahalin. Every now and then, hindi siya napagod patunayan sa’yo na she worth your love. Just be free. Don’t play safe, Kei. ” Ani Drew.
“Ano pang sasabihin ko, eh, nasabi n’yo na lahat? Just go with the flow. Don’t be afraid to open your heart. And don’t be afraid to get hurt. Pinsan kita kaya alam kong duwag ka rin at kung ano ang kinatatakutan mo.” Ani Hiroki.
These words from his bestfriends shot his whole system. Hindi niya akalaing ang mga lokong ito pa ang magsasalita ng mga ganoon. Well, that what friends are for.
BINABASA MO ANG
TATTOOED ON MY HEART (Book 1: Keenan Kress and Helendina Ambrosio)
RomanceHelendina Ambrosio was one of the highest paid models in the world of fashion. She was a walking temptation. With her angelic face, sexy body, and fame, she can have every man’s attention. Except Keenan Kress’. Keenan was her first and definitely la...