CHAPTER 2: Two Is Better Than One

611 11 1
                                    

 [HENA'S POV]

“Where’s your baggages?”

Napalingon siya sa pinanggalingan ng malalim na boses na iyon. Sa isang paglingon lang ay nakakita siya ng isang God na mukhang galing sa Olympus. She felt alive. Her inner goddess glowed in delight. This man let her felt that all things happened were all worthwile.

That was Kei’s overdriving power. Plus Stunning. Gorgeous and a walking temptation to all the girls. No wonder na ito ang kinababaliwan niya. Ito rin marahil ang kalahating porsyentong isasagot niyang dahilan kung bakit hindi niya ito mapakawalan.

Mas gumwapo ito. She loved what she saw. And her heart loved what she felt. Nahihirapan siyang itago ang excitement na nararamdaman dahil baka magmukha siyang tanga at mawala ang poise niya. Katunayan, kanina pa niya gustong yakapin ng mahigpit at pupugin ito ng halik. Pero medyo O.A na iyon. She doesn’t want to throw all the practices she made on what is to do and what isn’t in front of him. Sino ba ang babaeng hindi gugustuhing panggigilan ito?

I want to do more than that!

Mas nagustuhan niya ang titig nito sa kanya ngayon. Kung dati ay hindi niya mapagtanto ang ibig sabihin ng mga titig nito sa kanya. Tila ngayon ay nababasa na niya ang mga ito. He stared at her with full of adoration but mixed with aloofness. She didn’t bother that much. She was so sure that in her long stay, that stare will turn into a bursting desire. She will rock his world definitely. Matagal-tagal na rin ang pagpapahinga niya. It was about time.

She played cool. Lumapit siya rito. She tiptoed. Hinalikan niya ang gilid ng mga labi nito. Yes, it was intentional. “Nothing. I’ll just buy clothes here. So, let’s go. Where’s your car? ” Kumapit siya sa bisig nito.

Hindi lang ito macho, napakabango rin nito. An expensive perfume blend with his congenial masculine body mist made her feel like she wanted to hug him forever.

Halatang nagulat ito sa ginawa niyang paghalik. It was their second kiss. Ito rin ang pangalawang beses na nakita niyang napalunok ito na tila kinakabahan. Which was unusual of him. Agad itong dumistansiya at patay malisyang lumakad.

Nang lumapit sila sa kotse ay nagtaka siya kung bakit hindi siya sa harap pinagbuksan nito. Magsasalita na sana siya ng biglang may dumungaw sa front seat.

“Hello, Miss Hena.”

Automatikong umarko ang kanyang kilay. She didn’t even make a smile. Inirapan niya ito. Uminit na ng tuluyan ang ulo niya. Siya dapat ang katabi ni Kei at hindi ang babaeng ito. Pero hindi siya magpapakabog. Padabog siyang umupo. Pinili niyang hindi nalang magsalita habang nasa byahe sila. Baka kapag nagsalita siya ay mapatalsik siya agad-agad ni Kei kapag may masama siyang nasabi. Knowing him, he can do it.

Napasimangot siya. Ayaw niya nang ganitong klaseng simula. First day of her goal, mukhang palpak. Nagngingitngit ang kalooban niya. She felt like exploding when Kei was touching Pam’s face. Malambot ang anyo nito. Tumikhim siya.

Hello? May tao rito. Kung OA akong tao pwede ko kayong kasuhan ng Public Display of Affection. Sa harap ko pa! Argh!

She dialled her phone. “I’m home, Tita Jenny!”

Two is better than one. She curved her lips devishly.

     [FAST FORWARD]

“Hija, don’t be so surprised. You will just be his temporary secretary. ‘Wag ka na maraming tanong. Ayos na ang lahat. All you have to do is to follow him, seduce him and make him fall for you. Okay? Remember, we are running out of time. Good luck. Update me, okay?”

Hindi pa rin ma-absorb ni Hena ang sinabi sa kanya ni Tita Jenny, ang ina ni Kei. Isang linggo na siyang pumapasok sa kompanya ng mga ito. Tila napakabilis ng mga pangyayari. Kung siya ay desperada na maging sila ni Kei ay mas lalo ang Mommy nito. Halatang planado at plantsado na ang mga plano. Nagugulat na lamang siya sa mga sinasabi nito. Wala siyang kaalam-alam sa kanyang papel sa opisinang iyon. 

Noong nag-dinner sila ay ni-recommend siya nito bilang panandaliang sekretarya ni Kei. Humingi raw muna kasi ng leave ang sekretarya nito.  Halatang ayaw ni Kei sa ideyang ito pero hindi ito makatanggi sa Ina.  Una ay kinabahan siya ngunit tiwala lang daw sabi ni Tita Jenny. Mas mapapadali raw ang lahat kung lagi silang magkasama ni Kei. Go lang daw ng go. Akit lang daw ng akit.

Tama ito. Kaya ginagawa niya ng mabuti ang kanyang parte. Mula ulo hanggang paa ay sinisigurado niyang mapapanganga sa kanya ito. Laging sexy ang kanyang sinusuot. Not so revealing but alluring one. Pero ilag na ilag ito sa kanya. Dalawang beses pa lamang niya yata ito nakasama sa pananatili niya doon. Nahahalata niyang sinasadya nitong huwag silang magkaroon ng oras magkalapit. Kaya kapag may opportunity ay hindi siya nagsasayang ng panahon magpa-impress.

TATTOOED ON MY HEART (Book 1: Keenan Kress and Helendina Ambrosio)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon