BAWAT araw ay pagaan ng pagaan ang loob ni Hena. Katunayan, tinaggap na niya ang offer ng VS sa kanya. Buti na nga lang ay nakaabot siya sa fashion show ngayong taon. Naisip niyang mas makakalimutan niya ang lahat kung babalik siya sa bagay na nakapagpapasaya sa kanya.
She sighed. Nasa dressing room siya. Susukatin niya ang wings na susuutin niya sa VS fashion show. Ang tagal ni Lady Elle. Kinakabahan pa naman siya.
“Come, Miss Hena. Fit this.”
Nakangiti niyang kinuha ang damit. It was black. Pati ang shoes niya na napakataas ay black. Natuwa siya roon. Pinanindigan ng kompanya ang pagiging “Black Butterfly” niya.
Dali-dali niyang sinuot iyon. Pati ang shoes. She looked awesome. Lumabas siya. Rumehistro ang paghanga sa mga tao doon.
“Great. And here’s your wing.”
“I-Is it mine?”
Hindi siya makapaniwala. Animo ito pakpak ng isang paru-paro. It was plain black but shining. Napakalaki nito. Napapalakpak siya sa tuwa.
“Yes it’s yours. So, come. Let me fit this for you.” Sabi ng babae. Dahan-dahan nitong isinuot sa kanyang likuran.
“Thank you so much. Gosh!”
Iginiya siya nito sa salamin. Natulala siya. Para siyang diyosa ng mga paru-paro. Natupad na yata ang isa ring dream niya. Ang maging butterfly. Well, siya ang pinakamagandang butterfly sa lahat.
“Perfect.”
Nagising siya sa napakalas na palakpakan. She promised that she will rock the runway later.
[FAST FORWARD]
DUMATING na ang fashion show. Batid niya ang kaba pero nangingibabaw pa rin ang excitement. She was so excited to wear her wings. Unfortunately, sa huli pa iyon. Siya raw ang closing. Siya raw kasi ang pinakabago.
“You can make it.”
“As always, Lady Elle.”
Namaywang ito. “I like that. Seems that the old Hena is coming back. That attitude!”
“Ang ingay mo naman! Nakakahiya sa kanila.”
Bulong niya rito. Natuwa naman siya sa sinabi nito. Bumalik na nga ang dating Hena. Pero ang puso niya ganoon pa rin. Kung babalik man ang dating Hena, may kulang pa rin.
“Fine. Oh, ayan malapit na magsimula. I’m so happy for you. No matter what happen, just say yes. Yes and yes. Dahil ‘yang ang mapapawala ng lahat ng kalungkutan mo.”
Sinampal niya ito ng marahan sa mukha. At niyakap. “Thanks, Lady Elle. Gagalingan ko, promise!”
Iyon lamang at umalis na ito. Nagkakagulo na rin sa backstage. Nakapila na ang mga modelo. Unang rampa nila iyon. Nawala ang kaba niya nang nagsimula ang music. Isa-isa nang lumabas ang mga modelo. Hindi rin magkamayaw ang mga sigawan.
She primed before she walked. It was her turn. She walked. Oozing with poise. Hindi magkamayaw ang mga tao sa kakasigaw. She stopped in the middle. Smiled like a bad girl. Bawat sulok ay tinatapunan niya ng mapang-akit na tingin. Nang hindi mapigilang kumunot ng noo niya. Did she see Kei watching?
She must be dreaming. Tumalikod na lamang siya at naglakad na lamang upang hindi magulo ang concentration niya.
In the second ramp, mas naging panatag siya. Suot na niya kasi ang pinakaaasam niya. Nagre-ready na rin siya para sa paglabas niya.
“Congratulations!”
“I’m so happy for you.”
“You’re very lucky.”

BINABASA MO ANG
TATTOOED ON MY HEART (Book 1: Keenan Kress and Helendina Ambrosio)
RomanceHelendina Ambrosio was one of the highest paid models in the world of fashion. She was a walking temptation. With her angelic face, sexy body, and fame, she can have every man’s attention. Except Keenan Kress’. Keenan was her first and definitely la...