CHAPTER 12: Wife Addict

471 8 0
                                    

MISSED NA missed na ni Kei ang asawa. Ayaw man niyang bumalik sa opisina ay kailangan na niya. Kung makasarili lang siyang boss ay ipapasara na niya ang kompanya o kaya naman ipagbibili para hindi na niya kailangan pumasok sa trabaho. Magkukulong na lamang siya sa bahay kasama ang asawa. Pero hindi niya gagawin iyon dahil maraming umaasa sa kompanyang iyon. Pero hindi siya mapakali. Dalawang oras pa lamang siya nang makaalis sa bahay ay hinahanap hanap na niya ang presensiya ni Hena. He got addicted to her wife.

     Pero napapangiti siya nang maalala ang pag-aasikaso sa kanya nito. Pagkagising niya ay wala na ito sa kanyang tabi. Hindi siya sanay ng nauuna itong magising sa kanya. Kapag nagigising siya sa umaga na yakap-yakap ito ay ginaganahan siyang simulan ang araw. Pero si Hena ay sinimulan ang araw sa pagaasikaso sa kanya. Naabutan niya itong abala sa pagluluto. Pinagluto siya nito ng almusal. Pinagsalin siya nito ng kanin at ulam sa plato niya. Sinusubuan din siya nito. Busog na busog siya sa pag-aaruga nito. Ito rin ang nag-suot ng coat niya at nagbigay ng attaché case niya. Inihatid siya nito sa gate.

     “Sweetheart, kainin mo ‘yung baon mo, ah. Ginawan kita ng sandwich. May damit ka rin diyan kasi baka pagpawisan ka. ‘Wag kang magpapatuyo ng pawis, ah. At oo nga pala teka nakalimutan ko ‘yung powder nga pala. Pagpunas mo ng pawis maglagay ka sa likod ng polbo,”

     Ginagawa siya nitong baby. Pero gustong-gusto naman niya. Maraming nagbago sa kanya mula ng buksan niya ang kanyang puso para dito. With Pam, he was so comfortable, yes. Pero kapag si Hena na ang kasama niya, he was not just comfortable but he felt happily free.

     Tinawagan niya ang asawa.

     “Hello? May nakalimutan ka ba?” anito.

     Napangiti siya. “Nothing. Just missing you,”

     “You want me to hop there?”

     “No. Just wait for me. I’ll fetch you up. Lunch time.”

     “Ah, okay. Anyway, I missed you, too.”

     “What are you doing?”

     “Just checking my social accounts. Nakikipag-chat lang sa mga friends ko,”

     “Who are they?”

     “Your sister Pau, my manager, Mommy, co-models ko and Toni,”

     “Stop chatting Toni,” aniya.

     “Why?”

     “Your finger will get tired kasi type ka ng type”

     “Is that really it?”

     “No,” huminga siya ng malalim. “I don’t want you to chat that Toni dahil nagseselos ako. Okay? I’m jelous,”

     Isang malakas na tawa lamang ang pinakawalan nito. “I love you. Oh, sige na. See you later.”

     It was an achievement. He admitted that he was jelous. Because he really was. He admitted that he wanted Hena from himself only. Noon, pakiramdam niya ay hindi niya kailangang makipagagawan pa sa biyaya ng iba. Because he had everything life has to offer. Pero hindi ang matatamis na ngiti ni Hena. At hindi ang buong pagkatao nito.

     Huminga siya ng malalim. Trying to escape in his wife’s spell. Sakto namang pagpasok ng kanyang employee.

“SIR, are you firing me now? Kakabakasyon ko lang po, bakasyon na naman. Is there something wrong, Sir? Hindi n’yo ba ako matapat na sesesantihin n’yo na ako kaya puro nalang ang pagbibigay n’yo sa akin ng bakasyon? Sir tapatin n’yo nalang po ako kaysa ‘yung ganito.”

Napapailing siya sa sekretarya niya. Napapailing nalang siya sa paghi-histerycal nito. “Listen, you are so hardworking Manang Fe that’s why I’m giving you time to relax. It is just a reward,”

“Eh, kabibigay lang po sa akin ng Mama n’yo ng reward tapos kayo reward na naman? Puro reward nalang?”

Tuluyan na siyang natawa. “Okay, Manang. I’ll explain it to you.”

“Sir…”

“It’s because of my wife. I always miss her when I have work. That’s why I give you this reward is because I want to hire my wife as my very personal secretary again. Parang nababaliw ako kapag iniiwan ko siya sa bahay. ‘Yung hindi ko siya nakikita sa dalawang mata ko. I feel so empty when I’m not with her. Kaya sige na Manang magbakasyon ka na kasi.”

Natutop nito ang mga bibig. Pinipigil ang kiligin na animo teenager. “Hindi n’yo nilinaw agad, eh. Ang sweet n’yo pala, Sir. May paganyan-ganyan ka pa. Nakuu’ it must be love. Hindi naman ako mahirap pilitin, eh,”

     “Thank you, Manang!”

     Kung hindi ito pumayag ay baka tuluyan na ngang bumagsak ang kompanya nila. He was physically present in his work but mentally absent. His mind was only working with his wife. Hindi siya makapag-concentrate sa trabaho. Kaya bago pa malugi ang successful niyang kompanya ay gumawa na siya ng paraan. Paniguradong makakapagtrabaho na siya ng maayos kapag nasa tabi ang asawa. Syempre hindi lang siya inspired kung hindi magpapabibo pa siya rito.

     Ang plano niya ay palalabasin niyang kailangan niya ulit ng temporary na sekretarya dahil nag-leave si Manang Fe. Paniguradong hindi siya matitiis ng asawa. Hindi kasi niya ito maisama ng matagal sa opisina dahil nahihilig itong tumao sa bahay. Napapamahal ito sa mga gawaing bahay. Ayon dito, nakakagaan daw pala ang maglinis ng bahay at magluto ng kung anu-ano.

     Ito na ang boss ngayon. Nagkabaligtad na sila ng mundo. Kung dati ay siya ang laging nag-iinarte ngayon naman ay ito na ang laging nasusunod. Kapag sinabi nito ay dapat siyang sumunod kung hindi ay hindi siya makakalapit dito. He had no choice. Hindi naman niya kayang tikisin ito. Napapadalas na rin ang pagtataray nito kapag nagseselos ito. Lagi tuloy siyang may dalang peace offering. Bigyan lamang niya ito ng fake rose ay bati na sila. Naging paborito na nito ang plastik na bulaklak na iyon. Tama nga naman daw si Cedric. Hindi nalalanta o namamatay ang bulaklak na iyon kailanman kaya magiging ganoon daw ang pagmamahalan nila.

     Pasipol-sipol pa siya habang nagdadrive na pauwi. Half-day lang siya dahil gusto niyang siya ang magluto ng lunch nila ng asawa. Paniguradong hindi ito nagluto dahil ang sabi niya ay huwag na itong magluto dahil gagabihin naman siya ng uwi kaya hindi rin siya makakakain. Matagal na niyang pinaghandaan ang pag-perfect sa favorite food ni Hena. Tinawagan pa niya si Pau para itanong dito.

     “You’ll gonna love my sinigang sa miso, Sweetheart.”

TATTOOED ON MY HEART (Book 1: Keenan Kress and Helendina Ambrosio)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon