CHAPTER 15: I'm Not A God,I'm Just A Man

455 7 0
                                    

“I hate your pictures. Kapag tinitignan ko ‘yan naiinis ako,” sabi ni Kei.

     “Then why do you have these? Kunwari ka pa pero gabi-gabi mo yata ‘tong tinitignan, eh. If I know. ”

     Nag-blush ito. Akala niya magmumukhang bakla ang mga lalaking nagba-blush. Pero iba kapag si Kei ang nag-blush. Napaka-cute. Inagaw nito ang hawak niyang magazine. Siya at ang kaibigan niyang male model ang cover nito. Summer issue ang magazine na ito kaya naka-bikini siya at naka-trunks lamang ang partner niya. Medyo intimate ang pose nila doon.

     “See this,” tinuro ito iyon. “Ang panget ng pose n’yo. Hindi ba kayo marunong pumose ng maganda?”

     “Ano bang mali diyan?”

“Marami. Lahat,”

     “Weh?”

     Tinuro nito ang kamay ng lalaki na nakahawak sa baywang niya. “Ito. Ang panget ng hawak niya sa’yo. Mas maganda sana kung sa kamay nalang o kaya sa braso. No, no. Mali pala. It would be better kung hindi ka nalang niya hahawakan.”

     Ngumuso siya. “Patingin nga. Maganda naman, ah.”

     “Avoid wearing this kind of swimwear. Parang ang taba-taba mo.”

     Kinurot niya ito. “Maganda naman sa akin, ah!”

     “Maganda na ‘yan? tss..Eto, tignan mo nakahilig ka pa sa dibdib niya. Hindi naman masyadong kalakihan.”

     Naaaliw siya rito. Tinago niya ang anyong nanunukso dahil baka mahiya ito. Gusto pa niyang marinig na nagseselos ito. “Hoy, malaki kaya dibdib niyan. Gwapo ‘yan sa personal at saka super hot,” pagmamalaki niya.

     Sinipat-sipat nito ang litrato. Parang may binibilang ito.

     “Nabilang mo ba ang abs niya? Ako kasi parang walang nabilang. Kaya siguro nakasandal ka sa kanya para matago na wala siyang abs.”

     “Sa pagkakaalam ko anim ang abs niya,”

     Inihagis nito ang magazine. Natawa siya sa pagmamaktol nito.

     “Bakit alam mo? Eh, ano ngayon kung anim ang abs niya?”

     Kumandong siya rito. Ikinawit ang kamay sa batok nito. “Nasilip ko lang naman kaya alam ko na anim.”

     “Maybe you don’t know how to count,”

     “Of course I do,” binulungan niya ito. “Nabilang ko nga ‘yung sa’yo, eh.”

     Hinuli nito ang isang kamay niya at inilapat sa labi nito. Sinalubong niya ang lagkit ng titig nito. “Ilan?”

     “Count it on my kiss,”

     After a blink, Hena kissed him. A playfull and smooth one. Their lips were swaying as if there’s a song that they totally won’t stop. Nang maghiwalay ang kanilang mga labi ay nakangiti ito.

     “What?”

     “Our kiss lasted almost eleven seconds,” anito sa nagpipigil na tawa.

TATTOOED ON MY HEART (Book 1: Keenan Kress and Helendina Ambrosio)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon