CHAPTER 8: The Knife and The Plate

478 10 1
                                    

DUMATING ang kaarawan ni Kei. Inaalam niya mula sa sekretarya nito na mago-ovetime ito. Kinatuwa naman niya iyon. Magkakaroon siya ng mahabang oras para maghanda.

Nagpatulong siyang mamalengke sa isang katulong nila Kei sa mansyon. Utos iyon ni Tita Jenny. Naging madali tuloy sa kanya ito kahit pinagkaguluhan siya sa supermarket na pinagbilhan nila. Hinanda na niya sa kusina ang lahat ng gagamiting sangkap. Sisimulan na niya ang paghihiwa sa mga rekados. Hirap kasi siyang humawak ng kutsilyo. It was her first time. Kahit noong nagpa-practice siya ay ready na ang mga sangkap. Talagang pagluluto lamang ang ginawa niya.

Nagsisisi siya kung bakit hindi siya nag-practice humawak nito. Ngayon tulo’y nanginginig siya. Sayang ang oras. Wala na siyang magagawa kung hindi ang magbalat.

“Oh my gosh! Ouch!”

Dumaplis ang kutsilyo sa daliri niya. She immediately rinsed her wound. Napapikit siya sa hapdi nito. May kalaliman pa naman iyon. Nagpalipas siya ng mga ilang minuto bago muling maghiwa. Nilagyan niya muna ng band aid ang sugat.

“Anything for you. Anything for you. Kaya ko ‘to. Aja!”

Nagka-trauma na yata siya sa kutsilyo. Pero, inisip na lang niya ang gwapong mukha ng asawa. Nawala tuloy ang hapdi. Tinignan niya ang oras. Nainis siya. Anong oras na ngunit hindi pa rin tapos ang hinihiwa niya.

Nagmadali siya. Binabantayan niya ang oras. Kahit magkandapaso-paso na siya ay hindi niya iniinda. Namumula na ang mga kamay niya. Nginitian lamang niya iyon. Pakanta-kanta pa siya habang nagluluto. Kapag talaga in love, nagiging manhid.

Saktong alas-otso ay natapos siyang magluto. Napapalakpak tuloy siya. Sunod naman niyang pinagtuunan ng pansin ang table nila. May mga kandila pa. She made sure that it will be the best. Natapos na rin ito.

Oras na para ang sarili naman niya ang ihanda. Naligo siya. Nagbihis ng simple ngunit magandang bestida. Kulay pula iyon. Hindi revealing pero tiyak na maaakit pa rin ito. Nag-apply siya ng manipis na make-up. ‘Yung tama lang sa okasyon. She put a red lipstick.

Alas nwebe na. Kanina pa siya hindi mapakali. Ang tagal naman yata ng asawa niya. Well, nang tinext niya ito kanina, sabi nito’y uuwi raw ito. Umaayon ang lahat sa gusto niyang mangyari. Nararamdaman niya na malapit nang dumating ang asawa. Ininit na niya muli ang mga pagkain.

Ayos na ang lahat. Natawa siya sa sarili nang mapatingin siya sa paa niya. Wala pala siyang suot na kahit tsinelas man lang. Natabig niya ang plato nang biglang may kumatok. Hinayaan nalang muna niya ang basag na plato upang buksan ang pinto.

This can’t be Kei! Wala pa siyang shoes! For pete’s sake. Bahala na. Pagkabukas ng pinto ay delivery boy lamang ang nabungaran niya. Pinirmahan na lamang niya iyon. Nakahinga siya nang hindi si Kei iyon. May panahon pa para mahanap niya ang sapatos.

Tuluy-tuloy siya sa loob habang binabasa ang card ng regalo. Halos mabitawan niya ang hawak sa kanyang marahas na pagkakaupo. Ang sakit ng talampakan niya. Nakaapak siya ng bubog. Napahiyaw siya. Hindi naman ito kalaliman ngunit dumudugo pa rin. Ano ba itong kamalasan niya. Napangiwi siya na baka ito ang birthday wish ni Kei. Ang masaktan siya.

     “Aray!” pinagpapawisan na siya. Sa sobrang hapdi ay hindi niya magawang umiyak. Hinipan niya lang ito ng hinipan.

     “Shit! Shit! Shit!” nang mawala ang may kalakihang bubog ay napamura siya. Tumayo siya at tinakbo ang medical kit. Nilinis niya ito at binendahan. Tiniis na muna niya ang hapdi. Pagkatapos gamutin ay pinilit niyang linisin ang mga bubog. Mamaya ay madisgrasya pa nito si Kei.

     Tinignan niya ang cellphone. Wala man lang text si Kei sa kanya. Nag-aalala na siya rito. Kanina pa niya pinipigilan ang sariling tawagan ito ngunit hindi na ngayon. Nag-dial siya. Walang sumasagot. Napanguso siya. Sana ay ayos lamang ito.

     Nagpasya siyang mahiga muna sa sofa. Ngayon lang niya naramdaman ang pagod. In fact, kasiyahan ang nangingibabaw sa kanya. Habang naghahanda siya kanina ay feel na feel niya. Ang sarap palang tawaging misis. Pero mas masarap kung ginagampanan ang pagiging ganito. Iyon ang gusto niyang mangyari. Well, ginagawa na nga niya at sinimulan niya iyon sa pagluluto.

     Hindi niya namalayang nakaidlip siya. Napatayo siya. Magaalas-dose na nang umaga. Matatapos na ang birthday ni Kei. Ngunit ni anino nito ay wala pa rin. Iika-ika siyang pumunta sa kusina. Nalungkot siya nang makita ang surprise niya para dito. Nag-init ang sulok ng kanyang mga mata. Nasayang lamang ang mga pagod niya.

     “Everyhting is fine, Hena. ‘Wag kang panghinaan ng loob.” Sabi niya sabay punas sa mga luha.

     She just left him a message.

Happy Birthday! Ingat ka.

TATTOOED ON MY HEART (Book 1: Keenan Kress and Helendina Ambrosio)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon