CHAPTER 20: Just Leave For Good

506 7 0
                                    

DALAWANG araw ang nakalilipas. Napag-alaman niyang ligtas na si Pam. In relief, hindi malala ang lagay nito. Pinili niyang puntahan ito. Gusto niyang magpasalamat at humingi ng tawad. Sumilip muna siya sa doon. May iilang tao. Marahil ay pamilya ni Pam. Nasa tabi nito ang kanyang asawa. Hindi man lang mawala sa tabi ni Pam ang kanyang asawa. She tried to understand as if it was not killing her inside.

She knocked at the door. Lahat ng atensyon ay nasa kanya. They looked surprised. Odium showed in their eyes.

“M-Magandang umaga po.” Aniya.

Isang babae ang lumapit sa kanya. Dumapo ang mga palad nito sa kanyang mukha. Malakas iyon. Feeling niya’y nabali ang kanyang leeg.

“Napakakapal ng mukha mo! Lakas ng loob mong magpakita rito, huh! Ano pang gulo ang gagawin mo? Perwisyo ka! Mang-aagaw! Malande!” sigaw nito.

“Bea, tama na!” awat ng kapamilya nito dito.

“Ayan na naman tayo sa tama na, tama na ‘yan, ‘Nay, eh! Tayo na nga itong naaagrabyado, nananahimik pa tayo. Hindi na kayo naawa kay Ate Pam!”

“S-Sorry! Patawad, patawad..” aniya.

Kei finally held her. Napatingin siya sa hapong hitsura nito.

“Tama na ito, Bea. Tsaka na lamang natin ito pag-usapan.”

Mas rumehistro ang galit sa mata ni Bea. Mala-tigre ang aura nito. “Lagi namang ganyan, Kuya Kei. Kailan mo ba magagawang ipaglaban si Ate Pam? Ikaw ‘tong nagpa-agaw sa malanding babaeng ‘yan kaya nagkagagu-gago kayo ni Ate. Tignan mo si Ate ngayon! Hindi ka ba naaawa! Isa pa, Hena, may hindi ka yata nalalaman.”

“Let’s go, Hena.” Yakag sa kanya ni Kei.

“No. It is all my fault. Let her be. ” Pagmamatigas niya. Pilit niyang inalis ang mahigpit na pagkakahawak nito sa kanya. Kung kailan gumagaling na ang pilay niya ay ngayon lamang siya hinawakan nito. Anong aasahan? Hindi nga pala siya mahal nito.

“Hindi lang si Ate ang muntik mong ipahamak, pati ang anak niya. Anak niya pati ng asawa mo! Oh, nagulat ka yata? ‘Wag kang umiyak na parang ikaw ang kawawa. Gaga ka! Ikaw nga itong dahilan ng lahat, eh!”

Nasapo niya ang noo. Naninikip ang dibdib niya. “I-Is it t-true?”

“Lumayas ka na rito at baka hindi kita matansta! Napakalandi mo. Malandi!” pahabol nito.

Nanlambot siya. Agad naman siyang inalalayan ni Kei. Halos buhatin siya niyo palabas. Nagkaharapan sila.

“T-Totoo ba? Totoo bang may anak kayo ni Pam?” halos malunod siya sa pag-agos ng luha. “What! Speak!”

“Yes.” Nakayuko ito.

She spanked him. Gamit ang isang kamay, pinagsusuntok niya ang dibdib nito.

“Kailan pa? Kailan mo balak sabihin sa akin? Oh, I hate you! I hate you”

Hindi ito umiimik. Hindi rin siya nito matingnan sa mga mata. Niyakap siya nito. Nagpupumiglas siya. Tuluyan na siyang napayakap dito. Ramdam niya ang pagod. “Bakit ka ganyan…bakit ka ganyan! Lahat ginawa ko na sa’yo. Ano pa bang gusto mo? Damn you…damn you…”

Hindi na niya alam ang pinagsasabi. Ang alam lang niya, suko na siya.

“Sorry. Sorry! Oh, God! Sorry.”

Lalong humihigpit ang yakap nito sa kanya. Hindi na siya nanlaban. Wala na rin naman siyang lakas. Lalo sa nalaman. Hindi niya talaga mapapatawad ang sarili kung may nangyaring masama sa dinadalang bata ni Pam.

Umiyak na lamang siya habang yakap ni Kei. Napakatagal nila sa ganoong posisyon. Hinahaplos-haplos ni Kei ang kanyang buhok.

Hindi na niya nakaya ang bigat ng pamamaga ng mata. Unti-unti iyong pumipikit.

“Just trust me, Love.”

Bulong ni Kei.

[FAST FORWARD]

AYOS na ang lahat. Isa nalang hindi. Ang kausapin si Pam at Kei. Mahaba pa naman ang oras bago ang flight niya. Makaka-usap pa niya ang mga ito. Kinabukasan pa naman ang labas ni Pam.

Uuwi na siya sa London. To the place where she really belonged. Mabilis niyang inayos ang kanyang pag-alis. Hindi man niya matitikman ang matinding kasiyahan  doon, at least ay tanggap naman siya ng mga tao doon. Unlike sa Pilipinas. Nandito nga ang kasiyahan niya ngunit ito rin ang matindi niyang kalungkutan.

Huminga siya ng nag-iinit na naman ang kanyang mga mata. Last night, she promised to herself that she will start again. Accept the fact and face the reality. It was hard but it was the best. She needs to let go of Kei.

“Hey!”

Nasa corridor ng Hospital si Kei. Ilang araw na niya itong hindi nakakausap. Kitang-kita rito ang kahapuan. Laglag ang balikat nito. Wala rin ito halos tulog. How she wished that she can take care of him now. To hug him tight and to kiss him. Be with him to his downfalls.

“Are you leaving?”

“Yes.”

Pareho silang nakatingin sa kawalan. Nakatulala sa mga ulap. Pareho silang hindi makatingin sa is’t-isa.

“For good?”

“Yes. Don’t worry I’m filing our annulment. It takes time.”

Hindi ito sumagot. Nanatiling nakatitig sa langit.

“K-Kei, my sorry’s not enough. I ruined your life. I took your happiness. I’m so insensitive. A-And I loved you that much. Habang buhay kong pagsisisihan lahat ng ‘to. Hindi pa huli ang lahat, Kei. Gagawin ko na ang dapat noon ko pa ginawa.”

“Tapos na lahat, Hena. Let’s just forget and start.”

Tumango na lamang siya. Nagpapakiramdaman sila. Kinabig siya nito. Niyakap ng pagkahigpit-higpit. Ngunit hindi pa sapat upang maibsan ang pangungulila niya rito. Pumikit siya. She hugged him back. She was memorizing his scent and the warmth of his body.

“Just ten seconds. Hug me with your love in just ten seconds. Please.” He said huskily.

She did what he wanted. Lubus-lubos pa nga doon. May pag-asa na namang umiral sa kanya. Pilit niyang inalis iyon. But she can’t. Walang masama kung susubukan. Muli.

“Just say you don’t want me to leave. I will do that. Just say it. Tell me it’s not too late. Please.”

Kumalas ito. Nagyuko. Hindi nito sinalubong ang umiiyak niyang mga mata. “Matatanggap ko kahit may anak kayo ni Pam. Hindi kita ipagdadamot sa kanila. If you want me to be at your side, just say so. Hindi naman kita iiwan, eh. Can we start all over again?” nagsusumamo ang kanyang tinig. Still hoping that the fire inside still burns.

Wala pa rin itong reaksyon. “One more chance. J-Just say you don’t want me to leave.”

“Take care.”

Sabi lamang nito. Agad siya nitong tinalikuran. Nainis siya. Naging mahina na naman siya. Napatunayan niyang mahina talaga ang nagmamahal. Nagyuko siya at mahinang humikbi. Pinilit niyang huwag linungin ulit ito. But what kind of heart doesn’t look back?

TATTOOED ON MY HEART (Book 1: Keenan Kress and Helendina Ambrosio)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon