Buwan ang inabot ng pagtitiis niya. Limang buwan umabot ang kanyang pagtitimpi. Pumupunta-punta siya sa London upang sulyapan ang asawa kahit sa malayo. Nasanay na siyang hanggang tingin na lamang dito. Ang Diyos lang ang may alam kung gaano niya gustong ikulong ito sa mga bisig niya at hindi na ito pakawalan pa. Gaya nalang ng pinapangarap pa niya noong bata pa lamang siya. Nasa elementarya pa lamang yata siya. Crush na niya noon si Hena mula nang makita niya ito sa hardin nila at hinahabol ang paru-paro. He was so mesmerized then. He kept in in himself.
Siya na nga yata ang pinakaduwag na tao sa balat ng lupa. Isa siyang malaking tanga dahil kahit kailan ay iniisip niyang mas mabuting hindi nalang sila magkaroon ng relasyon kahit abot-kamay na niya ito. Ayaw niyang mabuhay na nai-insecure dito.
For everyone, Hena was so precious. And Hena had all the blessings everyone were wishing for. And he thought that he can’t handle it. Pakiramdam niya ay wala na siyang maibibigay pa kay Hena.
She was so perfectly perfect that made him felt like he was just a dust. Takot siyang iwan nito kaya lumalayo na siya hanggat kaya pa niyang lumayo. But Hena was also a witch. Kei was under her love spell every now and then.
Nagpunta siya sa birthday party ni Cedric. Hindi masyadong magarbo ang party nito ngayon hindi katulad ng mga nauna. Pambata lamang daw ang magarbong handaan at hindi na ito bumabata kung hindi tumatanda na. Ngayon ay magkakasama silang apat.
Si Hiroki na pinalilibutan na naman ng mga naggagandahang babae ngunit hindi naman nito pinapansin ang mga ito. Ganito si Hiro, masungit at allergic sa mga babae. Pero, iba rin ito kung magpaiyak ng babae. Ang ayaw nito sa lahat ay sa harap ng publiko pa makipagharutan sa mga babae. Sa kanilang apat, si Hiro ang pinakapihikan sa babae and at the same time ay ito ang pinakahabulin. Matinik ito at madulas. Iba kasi ang appeal nito, masyadong challenging dahil sa paggiging masungit,prangka at nakaka-intimidate ang pagiging matalino at focused nito sa career.
Si Kurt Caleb naman ang matuturing na pinaka-goodboy at pinakamabait sa kanila. Lagi itong nakangiti at maka-masa ang aura kaya crush ito ng bayan. Adventurous ito at mahilig mag-explore. Sa kanilang magkakaibigan, si KC lamang ang tumatanggap ng mga love letters at gifts ng mga babaeng nagkakandarapa sa kanila. He was too understanding and sensitive. Very gentleman and down to earth. Pero ni minsan ay hindi rin ito nagseryosong girlfriend sa hindi malamang dahilan. Wala naman silang pakialamanang tatlo pagdating sa babae.
Si Cedric naman na hindi magkandaugaga sa pag-entertain ng mga chix nito ang pinakamakulit sa kanila. He is like a celebrity. Everybody knows him because Cedric loves the spotlight. He is very confident and it suits him. Ito ang total opposite ni Hiroki. Si Cedric ay gustong bawat galaw ay nakikita ng madla. He is a proud happy go lucky. Wala pa itong balak tulungan ang pamilya nito na pamahalaan ang malalaking kompanya. Sabi lang nito, masyado pa siyang bata para sa ganoon.
"Oh, ano? Nagsawa ka yata sa mga babae mo." sabi niya kay Cedric na lumapit sa kanya.
Ininom muna nito ang wine bago sumagot. "Sometimes I want to make an advocacy. 'BRING BACK OUR 80'S GIRLS' yun ang title ng advocacy. Hehehe!"
"Ang aga mo yata nalasing, Pare! Kung ano ano na naman 'yang sinasabi mo. Pero susuportahan kita diyan."
"Gago! Ang corny mo!"
"Mula nang umibig ka kay Hena naging corny ka na." sabi naman ni KC na hindi na malamang nakatagal sa mga nakalingkis na babae dito.
Tumawa nalang siya. "Kapag kayo nagmahal baka mas corny at cheesy pa kayo sa akin. Just wait..You will have your match. Ewan ko nalang kung hindi kayo mapahiya."
Sabay sabay na umasim ang mukha ng dalawa.
"Never!" sabi ni Cedric.
"Hopefully not." sabi naman ni KC.
"Maghintay lang kayo."
Nag-inuman nalang silang tatlo nang lumapit na rin sa kanila si Hiroki. Mukhang lasing na rin ito. "Kailan mo ba pupuntahan si Hena sa London? Pre, naman! Mamaya maunahan ka na ng iba doon."
"Very soon. Kaya i-ready n'yo na ang mga sarili n'yo dahil our wedding is going to be the wedding of the year!" Hindi maitago ang saya sa pagsasalita ni Kei. Marrying Hena is his happiness.
"I am so happy for you. At least, isa sa ating mga playboys eh may isang nagmahal ng tunay. Kaya Kei kung ako sa'yo puntahan mo na si Hena doon. Excited na rin akong makita kang masaya. Matagal mo ng hinihintay 'yon. Marami ng panahon ang sinayang mo." sabi ni Cedric na nakatingin nalang sa basong iniinom nito.
"We'll be the happiest gang in the world if you and Hena will be together. And I am so excited to have godchildren. I'll be the best Ninong." sabi ni KC na halos dumukdok na sa lamesa.
"Please grab her now, Kei! Marry her and have children. Dahil sawang sawa na ako sa kakakulit ng family natin na mag-asawa. Gusto araw nila ng baby. Putsa. I don't like marriage, wife and children." Sabay bagsak sa lamesa.
"Haaay...mas maayos pala kayong kausap kapag lasing, eh. Don't worry, I will get Hena." He stood up.
He can't stop himself from smiling. He needed to take a rest. He needed to save energy for getting his medicine. Hena is his medicine. All the pain and downfalls that making him weak, Hena can make it fade in a second.
BINABASA MO ANG
TATTOOED ON MY HEART (Book 1: Keenan Kress and Helendina Ambrosio)
RomanceHelendina Ambrosio was one of the highest paid models in the world of fashion. She was a walking temptation. With her angelic face, sexy body, and fame, she can have every man’s attention. Except Keenan Kress’. Keenan was her first and definitely la...