CHAPTER 6: Wife In A Blink

488 8 1
                                    

“You are now my wife. Are you happy? Lubusin mo na ang pagiging masaya dahil hindi na ‘yan masusundan. Kung inaakala mong magiging masaya ka sa piling ko, nagkakamali ka. Ito ang simula ng pagsisisi mo. Pagsisisihan mong mahal mo ako. Are you happy now that you have me?”

They went to somewhere to get married in a civil weding. She became a wife in just a blink. Their wedding is very memorable and unique because it was the hatred who led them there not love.

Tumatak ang mga ito sa kanya. Pinaintindi nito sa kanya ang lahat. Gusto raw nitong magdusa siya sa perwisyong kanyang dinulot. Sayang lamang ang effort niyang magpaliwanag. Nauuwi lang din naman sa pambabara ni Kei ang bawat usapan.

Bumuntong hininga siya. May bahagi naman ng puso niya na nagagalak. Lalo pa kapag binabanggit ang Mrs. Kress. It sounded like music to her ears. Iyon nga lang, hindi ang kasal na pinapangarap niya ang nangyari sa kanila ni Kei.

Nasa bahay siya ni Kei. Sabi nito’y ito na ang bahalang magsabi nito kay Tita Jenny. At siya na ang bahala kung sasabihin ba niya sa pamilya niya. Sa ngayon, hindi na muna siguro. Wala siyang alam na paliwanag sa mga tanong na ibabato ng mga kapamilya.

Tumunog ang telepono. Sinagot niya iyon. It was Tita Jenny.

“How’s the newly wed?” bati nito.

“F-Fine…” she lied.

“Hija, can we talk personally?”

Gumaan ang loob niya. “I’d love to Tita.”

Hinintay niya ang pagdating nito. Malapit lang naman ang bahay ni Kei sa mansyon ng pamilya nito. Hindi natagalan ay dumating na si Tita Jenny.

“Tell me everything, Hija. Hindi ako naniniwala sa anak ko na okay ang lahat,” anito.

Sinimulan niya ang kwento. Mula sa gabing pumunta siya sa pad nito para humingi ng tawad hanggang sa maghiwalay si Kei at Pam. Rumehistro dito ang gulat. Sunod naman niyang ikwento ang detalye sa biglaan nilang pagpapakasal. Lahat ng ito ay nilahad niya ayon sa mga tunay na pangyayari. Walang labis, walang kulang.

“It was my entire fault, Tita. I think I deserved this punishment.”

 “You called it a punishment, Hija?”

“Yes. If you know how Kei speak with me with full sarcasm. It hurts and I don’t know how to deal with it anymore.”

“If that’s the case. Kill him with kindness. Hulihin mo ang puso niya. Muli mo siyang paamuin. Ipakita mo na mali ang pananaw niya sa’yo. Be a responsible wife for him,” nagliliwanag ang aura nito.

“Again? Tita I’ve already used my charm. But it doesn’t work.”

 “Trust yourself. Everything happens for a reason, Hija. You are the girl who doesn’t stop until you are done right?”

Tama ito. Marahil nangyayari ang lahat na ito ay dahil hindi niya kailangang sumuko. Ngayon pa nga ba siya susuko kung kailan may pinanghahawakan na siya?

TATTOOED ON MY HEART (Book 1: Keenan Kress and Helendina Ambrosio)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon