CHAPTER 14: The Lovers With Cedric,KC, Hiro and Employess

507 8 0
                                    

PAKIRAMDAM ni Hena ay sa mukha na niya lahat dumaloy ang dugo niya. Pulang pula siya sa sobrang kilig sa inakto ng asawa. She doesn’t want to get lost in his eyes anyway. Feel na feel niya. She was also overwhelmed to see those gorgeous friends of her after a long time.

“Long time no see, Gorgeous papas,” bati niya. Aktong lalapitan niya isa-isa ang mga ito ay niyakap na siya ni Kei mula sa likod. Ang baba nito ay malambing na nakapatong sa kanyang ulo. Inaamoy-amoy nito ang buhok niya.

“Stay here,”

“Hey, what’s wrong with you? As if you don’t know that we don’t bite,”

“Hiro and KC really don’t. But you, I don’t think so,”

“Hey, hey! KC, Hiroki, mga Pards. Ipagtanggol n’yo naman ako. Kawawa naman ang kagwapuhan ko. Wala na ang dignidad ko rito,”

“Umagang umaga nambubulabog ka sa kayabangan mo,”

Naramdaman niya ang pagtango-tango ng ulo ni Kei. “Oo nga. At dito ka pa sa opisina ko. Walang kwarto dito ang hindi airconditioned kaya hindi na kailangan ‘yang kahanginan mo.”

Siniko niya ito. “Hon, naman, joke lang, eh,”

“Nah! Mga insecure talaga kayo. Hindi kailanman pagmamayabang ang pagsasabi ng katotohanan. ‘Di ba Hena?”

“Ah, hmnn..Oo. He-he!”

“See? International model na ang nagsabi niyan? Paano ba ‘yan? Pang ibang level na talaga ang kagwapuhan ko. Wooo! Hindi ko na kinakaya ‘to,”

“Hindi ko ‘yan kaibigan,”

“Lalong hindi ako, Hiroki. Never in my entire life na magkakaroon ako ng kaibigang ganyan,”

“Medyo masarap pakinggan ‘yung sinabi mo, Hena. Gwapo naman talaga ako, ‘di ba, Hena?”

“Yes. You are handsome next to Kei,” aniya habang tawa ng tawa.

“Ang daya. Biased,”

Natatawa siya sa pagdadrama ni Cedric. Binato ito ni KC ng throw pillow. Nasapol ito sa mukha. Namula ito sa inis at eksaheradang tumingin sa salamin. Hinawak hawakan nito ang mukha. Iniinspeksyon nito iyon.

     “What the fuck! Kurt Caleb Samaniego..Argh, hurt anything, hurt my body and soul except my face,”

     “Shut up!”

     Umalingawngaw ang malulutong na halakhakan sa mga nakalipas na minuto. Parang nagkaroon sila ng mini reunion kahit hindi sila kumpletong magkakaibigan. Pero titiyakin niya isang araw na mabubuo silang lahat para mas masarap at mas malutong ang halakhakan.

At sa mga minutong iyon ay hindi siya binitawan ni Kei. Hindi nito nilubayan ang mga kamay niya na hawak-hawak nito na binibigyan nito ng panaka-nakang halik. Actions really speak louder than words. Hindi man sabihin ni Kei na proud na proud ito bilang asawa niya ay higit kaninuman ay siya ang nakakaramdam na halos gusto nitong ipagsigawang siya si Mrs. Keenan Kress.

     “Seriously, what’s with this?” ani Kei.

     “Nothing. We just want to hear a chit-chats,” si Hiro na nakasalampak sa carpeted floor habang seryosong nagbabalasa ng baraha.

     “Pinaganda mo pa. Edi nakikichismis kami,” sabat ni Cedric.

     “Nah’. Don’t ask. Nangangamusta lang talaga kami. Matagal-tagal na kaming walang balita sa inyo,” si KC.

TATTOOED ON MY HEART (Book 1: Keenan Kress and Helendina Ambrosio)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon