Amber
"Pasok." Sigaw ko dun sa kanina pa katok ng katok sa pintuan ng kwarto ko,
"What do you need?" Tanong ko agad sakanya habang naka-glue padin yung mga mata ko sa laptop ko
"Why do you always have to be like that." Napalingon tuloy ako sakanya ng sabihin nya yun, problema ba nito?
"Like what?" Tanong ko pabalik sakanya, naka-cross legs nanaman syang nakaupo sa couch ko, favorite spot nya talaga yan.
"Masungit. Palagi kang masungit." Natawa ako ng mahina ng sabihin nya yun using her Latina accent.
"Look Mute, I'm not masungit. It's just that marami lang akong ginagawa ngayon." I glanced at her, she's just wearing a simple v-neck shirt and a pair of rugged jeans pero ang ganda na nya, hindi ko alam kung maiinis ba ko o ano eh tsk.
"You're not eating well since lunch time." Well I know right, Hindi na ko sumagot atsaka nagfocus nalang sa ginagawa ko, ayokong makipag-argue sakanya ngayon. Masyado akong busy para jan, Hindi na rin naman sya nag-salita pagkatapos nun, mga ilang oras din siguro nya kong hinintay habang naka-upo lang sya sa couch hanggang sa umalis na din sya ng kwarto ko, inantok na siguro.
"Haaaaaay, I'm sooo tireeed." I yawned and stretch my arms nakakaantok talaga anim na oras ko na sigurong inaasikaso tong planner na ginawa ni baby Zee ko, oh sya yung best friend ni David na sobrang close ko. Croooooo Napahawak pa ko sa tummy ko ng tumunog yun, Im hungggrrrryyy! Tatayo palang sana ko ng may na-sight akong tray ng food na nakapatong sa couch, agad ko iyong nilapitan at binasa yung note na naiwan dun.
Eat all of this or else..
Wow! Hahaha, Natawa ko ng bongga sa note nya na yun ha, is she threatening me? Lol. Ang lakas naman ng loob nya kung ganon. Wala na din naman akong nagawa kaya Kinain ko nalang din yung pagkain sa tray since gutom ako at ng mabusog na ko ay sinubukan ko na ding magpahinga, Last day na pala bukas at pupunta na kami ng Cali. Can't wait to visit daddy!
"Haaaay malapit na yung pasko.." Jade frowns
"Oh eh ano naman kung malapit na?" Sinubukan kong tarayan yung boses ko, ang dami nanaman kasing estudyanteng naka-tingin sakin habang nadadaanan namin sila dito sa hallway tsk, *flips hair*
"Wala pa daw kasi syang lovelife! Eh ikaw kasi may Adam kana kaya hindi ka nammroblema!" Jamie hissed na ikinatawa ko, is she serious? Akala ko naman kung ano yung problema nya ts.
"Bakit ba kating-kati kayong magka-boyfriend ngayong pasko? Kulang ba yung hotdog sa spaghetti nyo?" Tawa ko na ikinaikot ng mata nila, Take note. Sabay pa sila, Hahaha.
"Excuse me, hindi hotdog ang target ko ngayong pasko noh." Jamie wiggles her eyebrows na parang may gustong iparating, ilang segundo ko pa siguro syang tinitigan ng ma-gets ko yung tinutukoy nya,
"So ano Jamie? Kulang na kulang ba yung mani sa pulutan nyo? Pft."
"Amber!!" Sabay na sigaw nung dalawang bruha sakin habang patuloy lang yung hagikgik ko sa gilid hahahaha. If you'll see their faces matatawa talaga kayo their eyes almost popped out habang nakatakip yung hands nila sa mouth nilang naka-letter O pa haha, pabebe kasi kami dito sa school dahil sa reputation ng parents namin pero pag kami-kami lang mas bulgar pa sa mga tambay sa kanto bunganga namin I swear.
BINABASA MO ANG
Code Name: ATHENA (GXG)
RomanceAction, Thriller, Romance. GXG Story. Read at your own risk. Matured contents.