Amber
"Next week na ang results ng final exam nyo, Magdasal na kayo kung gusto nyong maka-graduate this year. Yun lang muna, class dismissed!" Sigaw ni Maam Jen na nakapag-pasandal sakin sa seat ko, haaay graduation day is coming so fast.
"Oh girl anong mukha yan." Jamie tapped me kaya napalingon naman ako sakanya
"Nothing.. it's just that.. It feels so fast.."
"Sus eh nung nakaraan lang kating-kati kana gumraduate." Jade
"Nung nakaraan yun nung hindi ko pa alam yung mga responsibilities ko." I frustratedly frowned wala kong pahinga dahil diretso na ko sa new business ko right after my graduation. Buti pa si Jamie.. Chill lang at hindi pini-pressure ni Tito Stefan. Grabe diba? Haaaay.
"Whatever. Sa mall nalang tayo mag-lunch since wala naman na tayong afternoon class." Suggestion ni Jade kaya pumayag na din naman ako at tumungo na ng locker sunod sunod pa din sa likod ko yung dalawa, mabilis na napataas ang kilay ko ng may mabasa akong note na hindi daw ako masusundo ng body guard ko dahil may napaka-importante daw syang gagawin at tawagan ko nalang daw sya kung may emergency. Hanep diba? Ts edi sya ng busy!
"Oh bakit ka nanaman naka-simangot jan ate girl?" Jade poked me
"It looks like we will use your car. Hindi daw ako masusundo ni Mute." I frown
"Ohhh.. Okay? Tara na para makapag-watch na din tayo ng movies." Jade cheered me up sabay hatak pa ng cheeks ko kaya hinabol ko agad sya palabas ng building ang sakit nun ha!
"Shotgun!" Sigaw ni Jamie na nag-mamadaling umupo sa unahan arghh! Ako dapat dun! Kainis talaga tong dalawang to -__- nag-simula ng mag-drive si Jade ng tumunog yung phone ko, na dahilan ng sabay nilang paglingon sakin. Lol, parang sa comedy movies.
"Adam." I raise my phone atsaka pinakita sakanila yung caller id. Tumango lang sila sakin at nagtinginan pa bago humarap ulit sa unahan. Problema nila?
"Hey babe"
"Hey what's up."
"I was thinking if free ka later? Isa lang kasi class ko this afternoon." Naka-simangot akong nilingon ni Jamie ng marinig nya yun. Naka loud speaker kasi ako ngayon.
"Oh..Uhm may date kasi kami nila Jamie ngayon siguro next time nalang babe." Sagot ko kay Adam kaya napa-silent Yes naman si Jamie sa unahan ko, hahaha weirdo
"Ahh.. Ganun ba. Okay babe enjoy kayo take care." Bakit parang natuwa pa ata sya?
"Yeah bye." I just said at in-end ko na din yung call, nakakalokong tinignan ko naman yung dalawa sa harap habang nag-sasayaw na parang mga baliw. Oh.. About Adam okay naman na kami, I've decided na makipag-ayos nalang sakanya. Why? Hindi ko din alam.. Maybe I'm just scared na baka kaya ako nakaka-feel ng kakaiba towards Mute ay dahil din sa madalas naming pag-aaway ni Adam.. Hindi na din kami masyado nag-kikibuan ni Mute. Hindi naman sa iniiwasan ko sya pero char iniiwasan ko na talaga sya.. I'm trying to shun her because I'm starting to feel scared with this new thing that I'm feeling whenever I'm with her.. Naguguluhan kasi ng sobra yung puso ko pag nakikita ko sya what more pa kung nag-uusap kami hindi ba? Hindi ako assuming pero iba kasi yung mga tingin nya sakin.. Nakakatunaw ng bra charot tapos lagi nya pa ko ginagawan ng lunch, inaasikaso sa lahat ng mga bagay na need ko dahil dun feeling ko totoong prinsesa ko tapos kinikilig na ata ako.. Ah ewan! Bahala na, I guess, this is for the best.
BINABASA MO ANG
Code Name: ATHENA (GXG)
RomanceAction, Thriller, Romance. GXG Story. Read at your own risk. Matured contents.