Amber
She's smiling and looking at my direction. My body froze when I saw her smile. Pero agad ko ding ikina-iling iyon. Tinted itong glass ng restaurant kaya alam kong impossible!
"Finally! The food is hereee" Jade
"Ginutom ako dun sa proposal hayup na yan next time gagawin na natin in advance ha!" Jamie
"Huy Amber kain na!" Tawag sakin nung dalawa, hindi ko sila pinansin at naka-focus lang yung tingin ko dun sa babaeng nasa labas ng restaurant. Napangiti ako ng bahagya ng may lumapit sakanyang mga bata. Yun pala yung nginingitian nya kanina. Hmm T-teka.. pamilyar yung mga bata, sila yung mga nasa orphanage! Hindi ko mapigilang mas mapangiti. Ang lalaki na nila.. time really flies so fast. I sighed.. may iniabot lang si Athena dun sa mga bata nang may dumating pang isang babae na braided yung buhok, halos ka-edad at kasing tangkad lang nya na nakasuot ng shades at army pants. Nagtanguan lang yung dalawa at pumasok na din si ate braided and yung mga bata sa kabilang sasakyan. Athena waved at the van atsaka na din sya sumakay sa sasakyan nila. Hindi ko alam kung bakit pero hindi ko maialis yung paningin ko sa labas hanggang sa makaalis na sya.. Bumalik lang ako sa realidad ng nag-vibrate yung phone ko.
3 unread messages from Koleen
"Babe my meeting's done. Where are you?"
"Lunch time na. Please tell me you're eating already."
"Are you having fun with the girls? Or would you like me to pick you up na?
Hindi ko na muna pinansin yung mga messages nya instead nakangiting humarap nalang ako kela Jade and Jamie.
"Naka move-on kana ba kay Athena?" Jamie asked as I pick up the utensils beside my plate.
"What are you talking about Jamie?" Natatawang tanong ko.
"Girl kulang nalang sumama ka na sakanila kanina sa kakatingin mo sakanya." Jade
"Mga sira. Hindi.. I mean ngayon ko lang kasi talaga sya nakita ulit. I am just curious." I answered habang hinihimay ko yung baby back ribs na inorder ko.
"I thought nagkita na kayo sa Benguet nila Veron?" Jamie suspiciously asked
"That's a different story.."
"Oohhh. Mukhang kulang tong araw na to para sa kwentong yan at dahil jan.. bukas kana umuwi!" Jade insisted
"Baliw hindi pwede baka magalit si Mama" I just said.
"Bakla ka may anak kana't lahat lahat pagbabawalan ka padin ni Tita?" Jamie
"Exactly. Estrella will look for me." Hindi ko naman pwedeng i-asa kay Mama yung responsibilities ko. Kailangan ko ding magbantay dun sa coffee shop. Baka ano pa sabihin sakin ni Vickie kapag wala syang kasama bukas.
BINABASA MO ANG
Code Name: ATHENA (GXG)
RomanceAction, Thriller, Romance. GXG Story. Read at your own risk. Matured contents.