Amber
"Giiiiiirllll! I miss youuu shuta ang laki ng pinayat mo anong pills gamit mo?" Jamie exaggeratedly asked habang tinutusok tusok pa yung tagiliran ko. Nandito kami ngayon sa kotse nya at hindi ko alam kung san kami pupunta hayy na-miss ko tong mga to.
"Or drugs? Nag-ddrugs ka ba Amber ha?!" Jade asked suspiciously kaya binatukan ko nga
"Mga bruha! Healthy living yan. Kamusta na ba kayo? Jusko namiss ko kayo" I dramatically said at niyakap yung dalawa sa harap ko.
"Na-miss ka din namin hayup ka ang tagal mong nawala! Ako tuloy nag-sshadow sa mga naiwan mo dahil binubungangaan ako ni Auntie Sarah buti nalang si Kuya Matthew tumutulong na din sakin sa Clarkson's hays" I chuckled when she said that.. Looking at the both of them.. they surely grew matured together.
"Enough of the drama at dun na natin sa spa pag-kwentuhan yang mga yan." Jade scolded us habang busy na busy sa harap ng laptop nya. So mag-sspa pala muna kami.. Oh my back needs that.
"W-Wait daan muna tayo ng AE tower may need lang akong papers. Promise saglit lang." Jamie while instructing Ricky to park in front of the building. I gasped pagka-pasok ng kotse sa main gate nung building. Memories..
"I told you to get it bago tayo pumunta dito!" Ismid ni Jade na ikinatawa ko hindi padin sila nagbabago.
"Oo na di na ko nakinig paulit-ulit?! Dito lang muna kayo ako nalang aakyat." Jamie immediately open the car door at dali daling bumaba ng kotse. Papasok palang sya sa main building ng may mahagip ang mga mata kong pamilyar na imahe ng babaeng nakasalubong nya.
"Sino tinitignan mo? Ohh si Queen.. teka sino yung mga kasama nya?" Agad akong napalingon sa kausap ni Jamie ngayon. Athena.. nakasuot sya ng pulang dress at blazer may kasama din syang isang babaeng halos ka-edad nya, maputi na naka-shades.. hmm familiar..
"Victoria?!!" I exclaimed turo ko dun sa katabi ni Athena. What is she doing here??
"Oh, Kilala mo?" Jade asked curiously, napakamot lang ako ng ulo at tumango sakanya.
"A-ah yeah.." Pumasok na silang tatlo sa loob at habol tingin ko naman silang tinignan habang nakakapit si Victoria sa blazer ni Athena.. Eto pala yung sinasabi nyang lakad nya this week. Hmmm..
Halos 20 minutes siguro akong nakatutok padin dun sa main entrance ng building ng makita ko si Veron palabas ng pinto at may limousine na ulit na dumating sa harap. Wala pang ilang segundo ay lumabas na ulit sya ng kotse na may dala ng payong.
"Pababa na daw si Jamie." I just nodded at Jade. Maya maya pa ay may lumabas ng babae at lalaki na naka-suot ng pormal at inaalalayan ni Veron makapasok ng kotse mukhang kasing edad nila Mama and Aunt Sarah. Kasunod nito ay sila Athena at.. Victoria. Her hands are now clinging on Athena's arm habang pinapayungan pa sya nito. My eyes automatically roll when I see that.
"Huy mata mo." Siko sakin ni Jade kaya agad akong napaharap sakanya.
"H-ah? Napuwing lang" pagdadahilan ko, bakit ba ganito yung dating sakin nung dalawang iyon?!
BINABASA MO ANG
Code Name: ATHENA (GXG)
RomanceAction, Thriller, Romance. GXG Story. Read at your own risk. Matured contents.