Ikalawang Dugo

637 23 0
                                    

Bumaba ako ng kotse. Tiningnan ko muna ang lumang bahay na nakatayo sa harapan ko. Dito ako dinala ng GPS. Sinundan ko kasi ang location ng contact ni John.

Dahan-dahan akong nakapasok sa pintuan at walang hirap na naabot ang counter. Binaba ko ang hood ng jacket ko at pinakinggan ang isang halakhak ng lalaki mula doon sa isang sulok ng bahay. Ginawa ko ang lahat para lang hindi makalikha ng ingay. Pinuntahan ko iyon at naabutan ang mabalbon na lalaking may hawak na telepono habang lagok-lagok ang isang bote ng beer.

"Tama ka pre, talagang hindi marunong mag-ingat ang lalaking 'yon." matapos niyang sabihin iyon ay agad na naman itong nasundan ng isang halakhak.

Lumapit ako sakanya pero mukhang hindi nito ako napansin. Umupo ako sa tabi niya upang iparamdam ang presensiya ko. Napatingin ito sa akin at pansin ko ang pagbago ng expression niya.

"Sige pre, tatawag nalang ako mamaya. Meron kasing naligaw na chicks dito sa bahay."

Dahil sa sinabi niyang 'yon ay mas lalo akong nakaramdam nang panggigigil sakanya. Binaba niya na ang telepono at mas lalong lumapit sa pwesto ko.

"What are you doing here, Miss beautiful?"

Tumayo ako sa harapan niya at binigyan siya ng isang matamis na ngiti. Napatingin ako doon sa likuran niya na kung saan merong salamin. Nakikita ko doon kung paano niya bunutin ang baril mula sa bulsa ng shorts niya. Pero agad ko itong inunahan at agad sinipa ang mukha niya. Wala akong ni isang armas. At aminado akong wala akong ideya kung paano gumamit ng kahit anong uri ng baril.

Napatumba ito sa inuupuan niya. Nagpaputok ito ng ikalawang beses pero ni isa ay wala itong naitama sa akin. Kinuha ko ang pagkakataong na kung saan kina-crank niya ang baril para lundagan ito sa hinihigaan niya. Gamit ang siko ko, pinagsusuntok ko iyon sa tiyan niya. Sumisigaw ito sa sakit ng nararamdaman. Napaubo narin ito ng dugo.

"Kulang pa 'yan sa ginawa niyo sa pamilya ko."

Tumayo na ako at sinipa ang baril na hawak nito.

Gamit ang buong lakas ko, pinaghahampas ko ng bote ang sensitive part ng lalaking 'to. Napadaing siya sa sakit hanggang sa mawalan na ito ng malay.

Hinila ko siya papasok sa isang silid at tinali doon ang katawan niya. Binalot ko rin ng tape ang buo nitong mukha. Ni-lock ko na ang pintuan at agad na dinala ang susi. Hahayaan ko na siyang mabulok doon.

-

"Hello, Iva." agad na bati ni Jill matapos kong sagutin ang tawag niya.

"Yeah?" I answered.

"Meron na kaming lead doon sa mga sangkot sa pumatay sa pamilya mo."

"Really?" kunwari ay interesado pa ako sa sasabihin niya. They didn't know, kilala ko na at malapit ko ng maubos ang mga walang hiyang 'yon.

"Yes, and I know magugulat ka sa sasabihin ko." tumahimik ako at hinintay siyang magsalita. "Patay na ang dalawa sa miyembro ng grupong Exodus. Nabaril ang isa sa engkwentro, at ang isa naman ay natagpuan sa loob ng bahay nila habang nilalanggaman."

Nagulat ako sa sinabi niya. Hindi dahil sa dalawang iyon kundi dahil sa grupong Exodus na binanggit nito.

"Ano ang Exodus, Jill?" tanong ko.

"Iyan ang grupo ng mga dealer dito sa Pinas. They are composed of 5 members and almost of them are wanted and hunting by our group."

Napatango ako sa sinabi niya. Papalapit na nga ako sa mga hayop na 'yon. Hindi ako titigil hanggang hindi ko sila mauubos lahat.

Kinuha ko ang cellphone ng Lorenz na 'yon na nailagay ko sa loob ng drawer ko dito sa office.

"Balitaan niyo nalang ako if meron na kayong bagong impormasyon."

Binaba ko na ang linya.

"Doc, what time ko po ibibigay ang gamot sa patient number 23?"

Napatingin ako kay Araya. Nurse namin dito.

"Mamayang 4pm." sagot ko.

Narinig ko naman ang pagsara ng pinto. Tumayo narin ako para mag lunch.

-

Nakaupo ako ngayon dito sa canteen ng hospital. Hawak-hawak ko ang diyaryo na kung saan nakalagay ang larawan ko. Stolen pics ko lang ito habang tinatabunan ng hood ang mukha ko. Halos lahat dito ay kuha ng CCTV.

I checked my phone at agad na binuksan ang Facebook app. Maraming memes ang kumakalat ngayon patungkol sa akin.

'Grim Repear'

"The fudge." bulong ko.

Meron pang pole na kung saan, tinatanong nila if okay ba ang katulad ko sa bansa. Mostly of them answered Yes. While 5% lang ang sumalungat sa tanong na ito.

I checked some of the memes.

May mga picture pa na nilagyan nila ng kapa ang likod ko para magmukhang superhero. Meron din nakalagay na title sa ibang pics 'Soon to be our hero'.

Sinara ko na ang phone ko.

What did I do?

Iva Escondido (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon