Unang Pasalitaan

1K 37 0
                                    

Prologue

"Saan na ang pamilya ko?" kalmadong tanong ng babaeng namumutla at halos sabog ang buhok. Kung titingnan mo, para itong mangkukulam dahil sa ayos. Hindi alintana ang bata nitong edad dahil sa itsurang gusot-gusot. Tiningnan lang siya ng lalaking nakasuot ng puting damit na may nakalagay sa gilid ng uniporme nitong, Mr Guanzon.

"Sad to say, Miss. Hindi nakayanan ng mga biktima ang nangyaring karumal-dumal na krimen. Naubusan po ng dugo si Mr. Escondido gayon din ang iyong Ina't kapatid. Kung sana ay nadala sila ng maaga dito ay maaari pa natin itong maagapan."

"Why? Gumawa kayo ng paraan. Kailangan ko sila ngayon. Please! Make way, please!" pagmamakaawa nito sa kapwa Doctor.

"Simple lang ang tungkulin namin dito. Iyon ay gamutin ang mga nangangailangan. Hindi buhayin ang mga patay. I know you know that, Iva. I'm so sorry."

Wala nang nasabi ang babaeng nangangalang Iva. Binuksan niya ang puting kumot at bumulantad doon ang wasak-wasak na mukha ng kanyang Ama. Halos hindi na makilala ang itsura nito dahil sa mga malalaking sugat. Tanging ang Ina at kapatid niya lamang ang nakilala niya na may bakas pang hiwa sa leeg dulot ng mga saksak na natamo.

"Babayaran nila lahat ng 'to. Magbabayad sila ng sarili nilang dugo."

Iva Escondido (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon