Ikalabin' Isang Dugo

234 21 0
                                    

I opened my eyes. Nangingig kong ginalaw ang mga kamay ko. Tila wala akong lakas ngayon.

I look around in this dim room. Walang tao maliban sa akin. Ramdam ko'y halos lahat ng parte ng katawan ko ngayon ay puno ng pasa. Wala akong gapos but I know na naka-lock ang door at windows.

Napatingin ako nang bumukas ng kaunti ang pinto. Nagbigay ito ng kaunting liwanag sapat para makita ko kung sino ang pumasok.

"Kevin?"

"Sorry Iva." ani nito.

"Help me." pagmamakaawa ko.

"Papatayin nila ako kung gagawin ko iyon, Iva."

Dahan-dahan kong inayos ang pagkakaupo ko.

"Member ka ng Exodus?" nanghihina kong tanong.

"Hindi, Iva. Tauhan lang ako dito. Lahat kami dito ay pinilit na pinapatrabaho kapalit ng buhay ng pamilya namin."

Nagulat ako sa nalaman. Kung ganon pala, lahat ng mga manggagawa doon ay pinilit lang? Ang hahayop ng mga 'yon.

"Nawalan lang ako ng choice kanina Iva kaya kita hinila. Kung hindi ko 'yon gagawin, siguradong malalagot ako. Kaya patawarin mo ako. Patawad Iva."

Umiling lang ako. I know what he feels right now.

Ilang minuto kaming nag-stay doon hanggang sa nakarinig kami nang pagtawag ng kasamahan niya sakanya. Agad itong tumayo at sinara na ulit ang pinto.

Hirap na hirap kong kinapa ang cellphone sa bulsa. Patingin-tingin ako sa pintuan at baka may biglang pumasok dito.

I dialled Justin's number.

"Ju---justin." hirap na hirap kong ani.

"Iva, are you okay?" tanong nito mula sa kabilang linya.

"Please help me."

"What? Where are you? What happened?"

"Nandito ako sa Palawan. Sa sikretong bodega ng Exodus."

"What? Pupunta kami diyan. Wait for me Iva."

Biglang kumabog ng malakas ang dibdib ko ng makarinig nang yapak.

"Mag-ingat kayo."

Agad kong tinago ang cellphone sa bulsa. Bumukas ang pintuan at iniluha doon ang negrong nansakit sa akin kanina.

"Buhay ka pa pala." insulto nitong ani.

Ngumiti ako sakanya ng mapait. Sigurado ay nainsulto ang negrong ito.

"Hindi ako mamamatay hangga't buhay ka pa." I answered him full of sarcastic in tone.

"Aba, kung kikilitan kaya kita ng buhay diyan! Pasalamat ka lang talaga."

I rolled my eyes. Hindi ko siya pinansin hanggang sa makalabas na ito ng kwarto. I didn't expect na ito ang madadatnan ko dito. Sobrang laking grupo pala ang Exodus. Hindi ko ganon naplanuhan at napaghandaan.

Ang nasaisip ko lang talaga ngayon is kung paano ako makakatakas at patayin ang mga halimaw na 'yon. Kating-kati na akong malaman kung bakit nila ito ginagawa at kung bakit nila pinatay ang pamilya ko.

Iva Escondido (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon