Ikaapat na Dugo

470 23 0
                                    

Pinatay ko na ang treadmill matapos ang ilang oras na pag eehersisyo. Kinuha ko ang puting towel at pinunas 'yon sa pawis ko. Dinampot ko ang isang paper bag na kung saan nakalagay ang kutsilyong binili ko kahapon sa devisoria. Simpleng patalim lang naman ito pero na attract ako sa larawan ng dragon na nakaukit sa hawakan.

Naligo na ako at pumanhik papuntang hospital.

"Hello, Doc." bati ni Henri. Isa siyang accountant dito sa hospital. Tinaas ko lang ang kamay ko senyas ng pagbati.

"Doc Iva. Nawalan na po ng hininga ang matandang lalaki doon sa room 305." salubong sa akin ni Angel.

"Seriously? When?" tanong ko.

"Kaninang 3:47am lang, Doc."

Napayuko ako. Matagal na dito yung matandang 'yon. Halos kilala na siya ng mga nurses at doctors dahil sa pagiging masiyahin niyang tao. Talagang madami rin akong natutunan sakanya noon.

Noong araw na walang-wala ako dahil sa paglisan ng pamilya ko. Maraming siya ibinigay na mensahe na nakapagpatatag sa akin. I feel sad for him.

"Doc, meron po palang flowers at chocolates na nakalagay sa ibabaw ng desk niyo." sunod nitong sabi.

"From whom?" I asked.

"PO2 Reyes."

Tumango nalang ako atsaka na pumasok sa office. Agad kong kinuha ang listahan ng mga reseta na kailangan ipamigay sa pasyente doon sa Wards area. Kinuha ko ang mga roses at dalawang cartoon ng Ferrero Rocher at pinatong doon sa gilid ng cabinet ko.

Marami na palang bulaklak at regalong naka-stuck dito.

(Phone ringing)

I answered it.

"Yes?"

"Natanggap mo ba ang pinadala ko diyan?"

Tanong ni Justin Reyes. Isa siyang pulis na na-assign sa kabilang bayan. He is my suitor since we're still a college. Kaklase ko siya noong high school. At naging schoolmate noong college. I don't know kung bakit niya parin pinipilit ang sarili kahit ilang ulit ko narin siyang pinagtatabuyan.

"Yah." I answered.

"Kamusta na pala ang case ng family mo? Is it okay now?"

"Not really. Hindi parin natunton ang ibang kasamahan ng Exodus." napabuga ako ng hangin matapos sabihin 'yon.

"Exodus? What is that?"

"A group of freakin' people." I answered irritatedly.

"Hey calm down. Matatapos din ang problema mong 'yan."

"I hope so."

-

Kumatok ako ng dalawang beses sa pintuan ng bahay na 'to.

"Sino po sila?" tanong ng lalaking mukha nasa 60 ang edad.

"Ako po si Iva Escondido?"

"Ano ang maililingkod ko sa'yo, Ineng?"

"I heard na may combat training raw pong nangyayari sa bahay niyo?" I asked.

"Oo, tuwing sabado't linggo. Bakit gusto mo rin bang matuto?"

Walang alinlangang tumango ako sa tanong niya.

"Lista mo ang pangalan mo dito." may inabot siyang puting papel.

Naka-column ito.

From kid to teens to adult.

Marami ring pangalan ang nakalista dito. Sinulat ko na ang pangalan ko atsaka lumabas ng gate nila.

Bumalik na agad ako ng hospital at mag o-overtime kami ngayon. Ang lima kasing doctor ng hospital ay ipinadala sa ibang lugar upang maglingkod ng free check-ups at magbigay ng mga gamot sa mga bata. Hindi ako kasali doon dahil tumanggi ako ng inalok ako ni Ma'am Joanna.

"Sandra, pakiabot nga to sa nurses sa ward. Please tell them na ibigay nila sa patient number 51." kinuha agad ni Sandra ang papel na binigay ko.

"Iva!" napalingon ako sa tumawag.

"Justin?" nagtataka kong tanong.

Anong ginagawa niyan dito?

"I heard na mag o-overnight ka raw ngayong araw."

Tumango ako.

"Sasamahan kita."

Tinaasan ko siya ng kilay.

"May sarili ka ring trabaho, right?"

"Off-duty. Isa pa, I received a text message from Jill. Naka received ka raw ng deathnote." umupo ako sa mga chairs dito sa gilid.

"Yes, and I didn't mind it at all."

"Iva, delikado ka ngayon. You should take care of yourself. Kaya hindi ako nag-aksaya ng oras para puntahan ka dito. Gusto kitang bantayan. Alam ko pa namang you're so careless."

Pinanliitan ko ito ng mata.

"Maraming tao dito, Justin. Kaya ko ang sarili ko."

"It's not about how many persons surround you. Ang kriminal Iva, kahit saan nakakalusot."

Tinaas ko ang dalawang kamay tanda ng pagsuko. Hindi talaga ako makaka-kontra sa lalaking 'to.

"Okay fine."

May inabot siya saking plastic. Kakainin raw namin 'yon for dinner. Tinulungan niya rin ako sa pag fill-up ng ibang papers na kailangan nang ma submit tomorrow.

Kinabukasan, hindi ako nakapasok dahil sa sakit ng ulo ko. I drink some medicine para makuha ang pagkahilo ko.

I'm eating my breakfast now, when I heard someone pressing the doobell.

Dali-dali ko itong pinuntahan at binuksan. Tumingin-tingin ako sa paligid pero wala naman tao. Pansin ko lang ang pulang sobreng nakasabit sa knob ng pinto. Kinakabahan akong kinuha ito.

'Are you ready to die?'

Iva Escondido (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon