Unang Dugo

799 24 1
                                    

"Ms. Iva, ano po ang mga kagamitang nakuha sa inyo?"

Napakagat pa ako sa mga labi bago ito sagutin.

"Pera, alahas.... at ang relong niregalo ni Daddy noong kaarawan ko."

"Ano po ba ang itsura niyon?"

"Itim, merong Paris na larawan sa loob ng relo at may print name ko sa gilid." wala sa sarili kong sagot. Hanggang ngayon, hindi ko parin lubos na matanggap ang nangyari sa amin. Iniisip ko palang na sa dinami-dami ng tao sa mundo, bakit sa amin pa 'to nangyari lahat.

"Sige Ms, babalitaan nalang namin kayo kung may nahanap na kaming ebidensiya." sinara na ni Locson ang pintuan. Siya ang detective na na-assign sa case ng pamilya ko. Agad ko ring inayos ang mga papel na nakakalat sa ibabaw ng mesa atsaka narin sumunod sa labas.

Isang buwan na ang lumipas, pero hindi parin nabigyan ng hustisya ang pagkawala ng pamilya ko. Hindi ko alam pero nangangati narin ako. Patagal ng patagal, parang nawawalan na ako ng chance na makamit ang dapat para sakanila.

Sumakay na ako ng kotse at agad itong pinaharurot. Pinark ko ang sasakyan sa harapan ng Police Station.

"Goodmorning Doc." bati ni PO2 Dumayan. Tumango lang ako sakanya at dumiretso na doon sa loob ng opisina ni Jill. Hindi na ako nag-aksayang kumatok dahil alam kong wala naman siyang ginagawa.

"Iva, ikaw pala."

Pinaikot ko ang paningin sa loob ng opisina niya. Agad nakuha ng atensiyon ko ang mga papel na nakadikit sa white board malapit sa pwesto ko. Nakadikit doon ang pangalan nila Mommy't Daddy.

'Richard, Toni and Sammy Unresolved Case'

Napangiti ako ng mapait. Alam kong pansin iyon ni Jill.

"Alam kong alam mo Iva na ginagawa namin lahat para mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng pamilya mo. Sadyang mahirap lang talaga hulihin ang mga kriminal na iyon."

"Hindi naman pwedeng tutunganga lang ako dito Jill. Hindi tatahimik ang loob ko hanggang hindi ito maayos. Ipinangako ko na ito sakanila na bibigyan ko ng hustisya ang pagkamatay nila."

"Anong magagawa mo, Iva? Sige nga?" halatang hinahamon ako ng babaeng ito. Lumapit ako sa gilid niya at marahas na kinuha ang armas na nakasabit sa gilid ng uniporme nito. Halata ang pagkagulat sa mukha nito. Tiningnan ko ng maiigi ang baril at pinag-aralan ang bawat orma nito.

"Dugo ang kapalit sa buhay na kinuha."

"Ano ba naman 'yan, Iva. Nakakakilabot ka eh."

"Kilala mo ako Jill. Para ito sa pamilya ko, para sakanila ang lahat nang gagawin ko."

-

Binuksan ko ang bote na kung saan nakalagay ang sleeping pills. Tuwing gabi, iniinom ko ito upang makatulog ako ng maayos. Simula noong mangyari iyon ay ganito na ang ginagawa ko. Sa tingin ko kasi, tuwing pinipikit ko ang mga mata ko naaalala ko ang itsura nila Daddy, Mommy at Sammy. Bumabalik ang mga alala namin noon kung saan ay masaya pa kaming nagsasama.

Nandito ako nakatira sa condo, hindi na ako bumabalik doon sa bahay. Nasasaktan lang ako pag-umaapak pa ako doon.

Kinuha ko ang picture frame kung saan naka-develop ang larawan namin na kompleto pa.

Isang patak ng luha na naman ang kumawala sa aking mga mata. Hindi pwedeng wala akong gawin. Hindi pwedeng tutunganga lang ako dito at mag-hintay kung kailan nila mahuli ang mga kriminal na walang awang pumatay sa mga minamahal ko.

-

"Doc, kinakailangan po kayo doon sa room 104."

Agad akong napatayo at hinanda ang mga gamit para sa operasyon. Tiningnan ko muna ang sitwasyon ng lalaking nakahiga sa kama habang binabalutan ng mga bandages ang katawan.

"Bring him on operation room, now." utos ko sa mga nurses. Dali-dali naman nilang sinunod ang utos ko.

Hinanda ko na ang mga kagamitan. Patingin-tingin ako sa orasan dahil alam kong imposible ng maka-survive ang lalaking ito. Limang bala ang kailangang kunin sakanyang katawan gawa ng engkwentrong kinasangkutan niya kanina laban sa mga pulis.

Hiniwa ko na ang unang sugat pero napatigil kaming lahat ng marinig ang straight na linya mula sa monitor.

"Revived." bulong ko. "IV pumps."

Ginawa ko ang lahat pero talagang hindi nakayanan ng lalaking 'to.

"Time of death, 7:34pm."

Hinubad ko na ang gloves at agad na naghugas ng kamay. Lalabas na sana ako ng operation room ng mapansin ko ang relong nakasuot sa kamay ng bangkay ng lalaking ito. Sobrang lakas nang tibok ng puso ko. Agad-agad akong lumapit dito na ngayon ay inaayos na ng mga nurse.

Pasikreto kong kinapa ang bulsa nito at hinugot ang phone niya. Kinuha ko rin ang isang pamilyar na wristwatch. Hindi ako nagkakamali. Sa akin ang relong ito. Merong paris na nakalagay sa loob ng bilog at nandiyan rin nakasulat ang pangalan ko sa gilid. Napansin iyon ng mga nurses kaya halata rin ang gulat sa kanilang mga mukha.

Patakbo akong lumabas at dumiretso sa opisina ko. Binuksan ko ang cellphone ng lalaking 'to at laking pasasalamat ko ng wala itong lock.

Dumiretso ako sa gallery niya at nagbabasakaling may makitang bagay na makakatulong sa akin sa paghanap ng mga kriminal. But I failed, puro mga sasakyan lang ang nakita kong larawan doon. Agad kong pinuntahan ang message box. Doon ko na binuksan isa-isa ang mga mensahe.

From: Isel

Nasaan ka na pre?

Replied:

Papunta na diyan.

From: Isel

Where are you now?

Hey!

Hindi na nakapag-reply ang lalaking nangangalang Lorenz Co. Nagbukas ulit ako ng iba at doon ko na nakumpirma na isa siya sa kriminal na nakapasok sa bahay namin noong araw ng pasko.

From: John

Nabenta mo na ba ang relo?

Replied:

Hindi pa, Tol.

Naghahanap pa ako ng tyempo.

Napasabunot ako sa mga buhok ko. Sobrang sakit ng nararamdaman ko ngayon. Pero tinatak ko sa isip ko na kailangan kong tatagan ang sarili na sa ngayon ay hawak ko na ang mga hayop.

Paghahandaan ko 'to.

Iva Escondido (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon