Huling Pasalitaan

131 11 0
                                    

Halos sunod-sunod na ang pagpatak ng mga luha ko. Sari-saring emosyon ang gustong kumawala sa loob-looban ko. Hindi ako makapaniwala sa nakikita. Panaginip ba ito? Patay na ba ako kasama ang mga tauhan ng Exodus?

"Dad?" tanging salita na lumabas sa bibig ko. Dinig na dinig ko parin ang palakpakan ng mga tao sa baba. Hindi nakaalis ang mga tingin ko kay Daddy. Papaakyat ito ngayon papunta sa harapan ko. He offered his hand at agad ko naman itong tinanggap. "How this thing happened?" hindi ko mapigilang itanong.

"Just follow the flow, baby." he whispered.

Oh, how I miss to hear that word from him again.

Bumaba naman kami ng hagdan. Nakangiti karamihan sa mga tao dito. Nagkasalubong pa kami ng tingin ni dambuhalang Dos. Yumuko ang baboy para iwasan ang masasama kong titig. Pero kahit ganon, marami paring tanong ang bumabagabag sa isipan ko.

Nakarating na kami sa mini stage na pinagawa sa loob ng bahay na 'to. Higpit na higpit ang hawak ni Daddy sa mga kamay ko.

Tinaas na niya ang wine glass. Ulit na nagpalakpakan ang mga tao. Gulong-gulo pa rin akong nakatayo sa harapan ng biglang namatay ang ilaw. Nagkaroon ng black out kaya nagkagulo ang mga tao. Sobrang ingay ng mga 'to na para bang may gulong nangyayari. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Hinila ako ni Daddy at niyakap. Dahan-dahan kaming lumayo ng mini stage at para bang nakapasok kami sa ibang sulok ng bahay. Medyo malayo ito sa mga taong nagkakagulo.

"Dad, what's happening?" I asked.

"Ang lahat ng sagot sa tanong mo anak ay maibibigay ko rin. Papatapusin lang natin ito at kailangan mong makaalis dito ng safe." napatango nalang ako sa sagot niya.

Hawak-hawak ko ang mga kamay niya. Mga 30 minutes ang hinintay namin bago tumahimik sa labas. Muling bumalik ang ilaw.

Hinatak na ulit ako ni Daddy patayo at naglakad pabalik doon sa pinangyarihan ng gulo. Nakita kong nakadapa ang kalahati sa mga taong dumalo kanina. Kabilang na doon si dambuhalang Dos at ang kasama niyang mga buntot na sina Raphael.

Nagulat ako dahil pinalilibutan sila ng mga naka unipormeng pulis, gayon din ng mga sundalo. Halos napanganga ako ng makita ang nakangiting mukha ni Justin.

Tumakbo ako papalapit sa kanya at mahigpit itong niyakap.

"How did you know I'm here?" I asked.

"Dahil sakanya." tinuro nito si Daddy na papalapit sa pwesto namin.

"Dad." maiyak-iyak kong ani. Yumakap ulit ako sakanya at humagulgol. 'Di ako makapaniwala na magkikita ulit kami.

"Anak, I miss you my princess." Daddy said at yumakap din sa akin ng sobrang higpit.

"But Dad, akala ko wala na kayo? Paano kayo napunta dito? Kasama ang bangkay niyo noon kina Mommy't Sam, right? Then, how this thing happened?"

Napangiti si Daddy. Pero may kasamang lungkot mula sa mga mata niya.

"Isa ako sa naka survived. The day, na pinasukan ang bahay natin. I was there in our room. Doing files for our business. Ang Mommy at ang kapatid mo naman ay nasa sala at nanonood ng telebisyon. Nagulat ako nang tumakbo si Manong Mig papasok ng aking silid. Hingal na hingal ito at halos mamutla sa kaba habang umiiyak. Takang-taka ako noon dahil ni-lock niya ang pinto." panandaliang tumigil si Dad at pinunasan ang mga luhang tumutulo sakanyang mga mata. "May pumasok raw sa bahay at hinahanap ako. He tell me na pinagsasaksak raw ang Mom mo pati narin ang baby boy ko. Sa tingin niya'y ako na ang susunod na ipapatay. Kaya pinilit niya akong magpalit ng damit. Manong Mig sacrifice him self. Narinig niya kasing hindi titigil ang mga 'yon pag hindi naubos ang pamilyang Escondido. Ang pamilyang kinamumuhian nila Dolor."

Iva Escondido (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon