Ikalabing Siyam na Dugo

91 11 0
                                    

Pasimple akong nakapasok sa loob ng kampon ng Exodus. May mga nakaharang na malalaking kahoy na nagsisilbing pader nila. Medyo nahirapan ako dahil maraming tao na pakalat-kalat. Tila lahat ay may kani-kanilang ginagawa. Doon ako sa pinakadulo lumusot, sa tabi ng makapal na punong mangga.

Sinuot ko ang hood sa ulo at pasimpleng naglakad papunta doon sa bahay na gawa lang din sa kahoy. Nagtago ako sa likod na may nakatambak na karton.

"Hoy, pagkatapos niyo diyan, lagay niyo lahat ng 'yan sa loob ng kahon at dalhin doon sa malaking bahay." rinig kong utos ng lalaking matangkad at medyo may kapayatan din. Ramdam kong dumaan ito sa tabi ko kaya mas lalo ko pang isiniksik ang sarili sa pinagtaguang karton.

Sinilip ko mula sa butas ang mga taong nagta-trabaho doon sa loob. Kitang-kita ko kung ano ang mga ginagawa ng mga iyon. Nilalagay nila sa loob ng maliliit na plastic ang kulay puting powder. Sa pagkakaalam ko, iyon ang tinatawag nilang bawal na gamot.

Mabilis nilang natapos ang ginagawa at pinaglalagay na ang mga ito sa kulay asul na kahon. Lumabas na ang lalaking nakaitim bitbit ang kahong iyon at sa tingin ko'y papunta na ito sa malaking bahay gaya nga nang sinabi ng lalaking payat na iyon.

Maingat ko itong sinundan. Halos ingat na ingat ang bawat hakbang na aking ginagawa upang hindi mapansing sinusundan ko ito. Medyo malayo-layo ang nilakad namin. Marami rin kaming kakahuyan na nadadaanan. Nagulat ako dahil sa sobrang pagsunod ko sa lalaking ito ay hindi ko na napansin na nakapasok na pala kami sa lagusan kung saan matatawag mong underground. Sobrang mangha ako sa nakikita. Actually, nasa movie lang ako nakakakita ng mga ganito.

Panandalian akong napatigil ng matanaw ang malaking bahay na sinasabi nila. Ito na nga 'yon. Halos hindi kapani-paniwalang may nag e-exist na mansyon sa ganitong klaseng lugar. Sino ba mag-aakalang magkakaroon ng ganyang bahay sa gitna ng bundok? Nga naman, Exodus pala ang may-ari niyan. Walang imposible sa mga hayop na iyon. Kahit saan nalang lulungga basta may pagtataguan.

Walang bantay ang bawat sulok ng bahay. Nakakasiguro na yata ang mga 'yon na walang makakapasok at makakaalam sa lugar na ito. Pwes, nagkakamali kayo. Inilabas ko ang baril na nakuha sa anim na lalaking iyon kanina.

Inihanda ko ito para sa taong masasalubong ko. Nagulat ito ng makita ako. Pero bago pa siya makabunot ng baril ay inunahan ko na ito. Sapol ito sa dibdib niya kaya diretso tumba agad ito. 'Di ako makapaniwala na mabilis akong natuto sa paghawak nito.

Nagtago ako sa likuran ng mataas na bulaklak dito sa malawak na garden. Alam kong nagsilabasan ang mga tao doon dahil sa putok ng baril. May dalawang lalaki papatakbo sa pwesto ko. Agad ko itong ipinaputok sakanila.

"Hooo! Headshot." manghang ani ko.

Tumakbo na ulit ako papasok ng bahay. Sumandal muna ako sa pader kung saan katabi nito ay pintuan. Gamit ang reflection mula sa glass wall doon sa labas, kitang-kita ko ang lalaking matangkad na medyo payat na papunta sa pwesto ko. Ito ang lalaking nag-utos doon sa mga tauhan na bumabalot ng bawal na gamot kanina. May hawak rin itong baril at handang ipaputok sa akin. Halatang hindi pa ako nito nakita kaya inunahan ko kaagad ito.

Nagulat ako dahil sapol talaga ang mata niya. Hinawakan niya pa ito at halos hindi makapaniwalang nagdudugo ang kalahati ng kanyang pisngi. Bago pa ito magpaputok ay agad rin naman itong napatumba.

Umakyat ako sa hagdan papasok doon sa second floor. Pinagsisipa ko ang bawat pintuan ng kwartong madadaanan ko. Walang tao. Iisang pinto nalang ang hindi ko pa nabuksan. Akma ko na itong sisipain ng bigla akong nakaramdam ng kirot mula sa ulo ko. Napahawak ako dito at nakitang nagdudugo ito. Napatingin ako sa sahig at napansin ang basag na vase. Bago pa ako maka react ay agad na akong napatumba dahil sa kahiluhan.

Iva Escondido (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon