"Ito ang pagkain mo." tinapunan ako ng lalaking naka-itim na may nakabalot na tela sa mukha. Hinagis nito ang pagkain na para bang aso lang ang pinapakain.
"Kainin mo 'yan mag-isa." bulong ko. Siguradong narinig niya iyon dahil bigla nitong hinagis sa mukha ko ang pinggang punong-puno ng pagkain. Hinawi ko ang kalat sa mukha ko.
"Ikaw na nga ang pinapakain, ikaw pa ang mag-iinarte?"
Nagulat ako ng hinila nito ng pagkalakas ang buhok ko. Halos maiyak na ako sa sakit.
"Bitawan mo akong hayop ka!" sinubukan ko rin siyang labanan pero talagang hindi sapat ang lakas kong iyon kaya naiwan akong bali-bali.
Ilang oras akong nakatunganga doon at umaasang may makakatulong sa akin. Sana naman ay matunton na ako nina Justin.
-
"Ineng."
Napamulat ako ng maramdaman ang pagyugyog sa akin ng lalaking ito. Sa una ay medyo blur ang paningin ko. Kinusot-kusot ko ang mga mata hanggang sa maging clear na ang vision ko.
"Gagamutin muna kita ha."
Nagulat ako sa sinabi niya. Matapos nila akong saktan, ngayon gagamut-gamutin nila ako.
"Nakita kasi kita dito, Ineng. Naawa lang ako. Nga pala, ako si Mang Ime, doctor ng Exodus."
Halos maitikom ko ang mga bibig.
"Bakit ka ba kasi nagpadalos-dalos sa pagpunta dito. Alam mo naman na ikaw ang target ng mga taong 'yon."
"Mang Ime, bakit nila ito ginagawa?" tanong ko out of nowhere.
"Ano bang ginagawa nila?"
Medyo napataas ang kilay ko sa pagbalik nito ng tanong. I got insulted.
"Pinatay nila ang pamilya ko. Sunod, ako naman?" nangilid ang mga luha ko matapos sabihin iyon.
"Maaari---"
Hindi natapos ang sasabihin nito nang makarinig kami bigla ng sunod-sunod na putok.
What's happening?
Tumakbo palabas si Mang Ime upang malaman kung saan nanggaling ang mga putok na 'yon.
Ilang minuto akong nakatunganga habang pinapakinggan ang gulo sa labas ng biglang bumukas ang pinto. Nabuhayan ako ng makita doon si Justin na nakatayo. Bakas sa mga mata nito ang pag-alala.
"I---iva?"
Tumakbo ito papunta sa akin at inalalayan ako patayo. Walang akong lakas ngayon kaya patumba-tumba ako sa paglalakad. Sobrang sakit ng katawan ko na anytime ay parang magi-give up na talaga ako.
Ipinikit ko ang mga mata at di na nalaman ang sumunod na pangyayari.
P.s sobrang short update again.
BINABASA MO ANG
Iva Escondido (Completed)
Misterio / SuspensoCompleted | Under Edit "Your blood will be your payment" -Iva Escondido