Ikatlong Dugo

550 23 1
                                    

Pinalibot ko ang paningin sa loob ng shop na ito. I mean, hindi basta-bastang shop dahil ang mga binebenta dito ay mga firearms. Marami akong nakikitang iba't ibang klase ng baril.

May mga nakasabit sa wall and all of them are well-organized. Meron ding nakalagay sa loob ng de' salamin na kabinet.

"Goodmorning, Ma'am. Ano po ang sa inyo? Naghahanap ba kayo ng armas? We have a lot of offers here." salubong sa akin ng babaeng mukhang kasing edad ko lang naman. Blonde ang kanyang buhok at medyo misti-mistisa din.

Hindi ako sumagot, sa halip ay sinundan lang ito ng tingin. Naglakad siya papunta doon sa kabilang counter at may ipinakita sa aking isang klase ng baril.

"Ito po ang karaniwang nabibili sa amin dito. Kadalasan ay ganitong uri ng baril ang ginagamit sa mga action movie katulad ng kay John Wick at marami pang iba."

Hinawakan ko ang baril pero agad na nahagip ng mga mata ko ang t.v sa gilid na kung saan naka-connect ang mga CCTV's. Napatingin ako sa taas at nakita doon ang dalawang pares ng camera na nakatutok sa pwesto ko.

Inilipag ko na ang baril na hawak-hawak ko.

"I don't need it." ani ko sa babaeng kausap at agad itong tinalikuran. Hindi ako pwedeng basta-basta nalang magpapadalos. Kapag bumili ako ng isa sa mga armas na iyon, kailangan ko pang mag-asekaso ng papeles at humingi ng license sa mga pulis. At alam kong magtataka lang ang mga 'yon kung saan ko gagamitin ang nabili. Ayokong masira ang reputasyon ko bilang isang doctor.

Bumalik na ako ng condo para magpahinga. Wala akong trabaho ngayon dahil naka off-duty ako.

Pinark ko na ang kotse.

"Goodafternoon, Doc." bati sa akin ng mga kasamahan ko dito sa building ng condo unit ko. Ngumiti ako sakanila at agad na pumasok sa elevator. I press the 4th button at hinintay hanggang sa bumukas ito.

Lumabas na ako at tinungo ang unit ko.

I about to unlock the door pero may natanaw ang peripheral vision ko which is the box beside my feet. Pulang box ito at meron pang black ribbons sa ibabaw. I grabbed it at dinala na sa loob.

Sino nga ba ang naglagay nito dito?

"Oh shit!" sigaw ko after opening it.

Isang masamang amoy ang sumalubong sa akin.

Pusa?

Uh, patay na pusa.

May hiwa ang leeg nito at halatang bagong patay lang.

Nangingig ang mga kamay kong hinawakan ang sulat na nakasabit dito.

'Be ready'

-

"I really don't know." irita kong sagot kay Jill.

Ikunwento ko sakanya ang natanggap na regalo kahapon.

"I think, it was a death note."

"Maybe." maikli kong sagot.

"Kailangan mong mag-ingat, Iva."

Tumayo ako sa kinauupuan at hinilot ang sintunado.

"I think, the persons behind it is the same persons who killed my family."

"May naalala ka bang atraso ng pamilya mo kung bakit nila ginagawa ito ngayon?"

Napaisip ako sa tanong niya.

"No."

Sobrang matulungin ang parents ko. Almost of are relatives, friends and even strangers na humihingi ng tulong sakanila ay agad naman nilang pinagbibigyan. 'Di ko nga alam kung bakit may nanloob pa sa amin. Okay lang sana na ninakawan kami, pero ang malala ay pinatay pa nila ang walang laban kong Ama't, Ina. Even my 8 years old little brother, hindi nila pinaligtas. Mga hayop sila.

"Don't worry, Iva. Makakamit din nila ang hustisya."

Makakamit nila ang hustisya.

Dahil ako ang uubos sakanila.

Iva Escondido (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon