Sa isang bodega ako dinala ng GPS ni Lorenz. Sobrang layo nitong lugar. 'Di ko alam kung bakit dito ako napadpad. Parang papasukin ito at malayo sa ibang kabahayan.
Maraming mga manggagawa dito. May nagkakarga ng sako, may nagwawalis at marami pang iba.
"Kuya, may kilala po ba kayong Dolor dito?" pagtatanong ko sa matanda. Umiling siya at agad din akong tinalikuran.
"Ah- Kuya, pwede magtanong?"
"Ano 'yon?"
"May kilala po ba kayong Dolor?"
"Wala."
"Salamat po."
Napatitig sa akin ang matanda.
"Ano ba ang ginagawa mo dito?"
Napaisip ako.
"May hinahanap po kasi ako. May importante lang po akong kailangan."
Mukhang hindi ito sang-ayon.
"Walang Dolor dito. Kung ako sa'yo ay umalis kana. Delikado dito, bata."
Wala namang nangangalang Dolor dito. Pero bakit sinasabi sa map na ito, dito ko matatagpuan ang taong 'yon.
Aalis na sana ako pero nahagip ng mga mata ko ang papasok na sasakyan. Maraming umalalay dito na ani mo'y isa itong bigating tao.
Nagtago ako sa likuran ng poste.
"Kamusta ang factory?" rinig kong tanong ng lalaking mataba na kakababa lang ng kotse.
"Aba, ayos naman boss." sagot ng lalaking tinanungan ko kanina.
"Pumunta lang ako dito para kamustahin ang ating negosyo. Alam mo na, mahirap mag-angkat ng droga doon sa Manila. Kaya todo ingat tayo ngayon." napaawang ang mga bibig ko dahil sa gulat.
Marami pa silang pinagkwentuhan tungkol doon sa bawal na gamot.
Ibig sabihin, nandito ako sa factory ng droga?
May connection ito sa location ni Dolor at ng Exodus. Maaari kayang Exodus ang humahawak nito? Naalala ko noon ang sinabi ni Jill. Exodus is the top most dealer here in Philippines. Maaaring tama ang kutob ko.
Sumakay na ulit sa sasakyan ang matabang lalaki na merong makapal na beard. Halata naman talaga sa itsura na nag-aadik ito.
Dahan-dahan akong naglakad papalabas pero nabanggaan ako ng lalaking tumatakbo.
"Why are you here?" he asked angrily.
Napayuko ako sabay suot ng hood ko.
"Who are you?" he asked again.
I never look at him. Kahit saboy ng tingin, hindi ko magawa. Sobrang lakas nang tibok ng puso ko.
"Answer me!" napapikit ako dahil sa sigaw niya.
Marahas niyang binaba ang hood ng jacket ko.
"Hoodie Girl?"
Halata sa itsura niya ang gulat.
Napatitig rin ako sakanya. Mukhang kasing edad ko lang ito.
"Answer me." naging mahinahon na ang boses nito.
"I remember you." mahina kong ani.
I remembered him. Schoolmate ko siya when we were college. How come? Is he a member of Exodus?
"Umalis ka na dito, Iva. Bago ka pa makita ni Dos."
"Sino siya?"
"Basta, go out now."
"Just answer me."
"Siya ang master namin dito."
Napanganga ako.
"Do you know Dolor?" I asked.
"Matagal ng patay si Dolor."
Lumakas ang tibok ng puso ko. Paano ako nakarating dito kung matagal narin palang wala ang lalaking 'yon.
"Kevin, sino 'yang kinakausap mo?" napapikit itong kausap ko at parang 'di alam ang gagawin.
Nagulat ako ng bigla niyang hinila ang mga braso ko. Hinatak niya ako papalapit sa lalaking kakatanong lang.
"Nahanap ko na siya Sir."
Napanganga ako sa sinabi ni Kev. Anong ginagawa niya ngayon? Akala ko ba gusto niya akong makatakas.
"Siya na ba 'yan?''
"Opo Sir. Si Iva Escondido."
"Magaling."
Napaatras ako ng kaunti ng dumikit ito sa akin.
"Kamusta ang pumatay?"
Nanayuan ang mga balahibo ko ng bumulong ito.
"Mga hayop kayo!" I shouted.
Tila namanhid ang kaliwa kong pisngi nang sampalin niya ito. I looked at Kevin na nakayuko nalang ngayon.
Tiningnan ko naman ng masakit ang lalaking negrong ito atsaka dinuraan. Sapol iyon sa mukha niya. Mas lalo pa yata siyang umitim.
Nagulat ako ng suntukin nito ang tiyan ko. Tila nawalan ako ng hininga sa sobrang sakit. Hindi pa siya nakontento at pinaghahampas pa ang likod ko.
Nandilim bigla ang paningin ko. Bago ako mawalan ng malay narinig ko pa ang pagpipigil ni Kevin sa negrong 'to.
BINABASA MO ANG
Iva Escondido (Completed)
Mystery / ThrillerCompleted | Under Edit "Your blood will be your payment" -Iva Escondido