*marimbatone
Agad kong kinuha ang bago kong biling phone ng tumunog ito.
May "+63" sa number nito kaya halatang hindi registered sa phone ko.
"Hello?" I answered.
"I---iva?" mula sa kabilang linya.
"Who's this?"
I feel little bit nervous. Medyo trembling kasi 'yong tono niya. I don't know kung sa signal lang ba iyon or what.
"Si Kevin ito, Iva."
Agad akong napatayo dahil sa narinig.
"Bakit ka napatawag? Where did you get my number?"
"Hindi na mahalagang malaman mo 'yon, Iva. Ang gusto ko ngayon ay malaman mo kung saan ang totoong kampo ng Exodus."
Parang biglang sumikip ang dibdib ko. Hindi ako nakapagsalita.
"Iva, hindi sa Batanes ang kampon nila. Gawa-gawa lang iyon ni Raphael para guluhin ang mga pulis. Magiging negative ang pagsugod nila doon sa Batanes."
"Kung hindi doon, saan?"
"Sa Mindanao, Iva. Doon sa pinakatagong bundok. Sobrang layo no'n at konti lang nakakaalam ng daan papuntang kuta nila. Nasa underground ang pinagtataguan ng mga 'yon. Alam kong mahihirapan ka, kaya magkita tayo ngayong gabi. May ibibigay ako sayong mapa."
-
"Iva." agad na napatayo si Kevin ng mapansin ang presensya ko. Nakasuot ito ng puting jacket at itim na cap.
Hindi ako nagsalita at hinintay na lamang ang sasabihin niya.
"Ito Iva, ito ang mapa. Sana makakatulong 'yan sa'yo. Marami kang kailangang malaman, marami kang buhay na kailangan maligtas."
"Ano ang ibig mong sabihin?"
"Gusto ko ikaw mismo makaalam, Iva. Sana makatulong ka doon sa mga dinukot ng Exodus at ginawang alipin. Kailangan rin sila ng pamilya nila, Iva."
Tumango ako.
"Bakit mo ko tinutulungan?" hindi ko mapigiling itanong.
"Dahil alam ko, ikaw ang makakatulong sa akin. Hindi, sa amin pala. Pinatay nila ang lola ko, noong araw na nalaman nilang tinakasan ko ang grupo nila. At ngayon, sigurado akong hinahanap na nila ako para isusunod na, Iva."
Napanganga ako sa sinabi niya.
"Kevin,"
Tumakbo na ito at hindi manlang nakapagpaalam ng maayos. Humugot ako ng malalim na hininga.
"Inaasahan nila ako."
Paulit-ulit kong tinaga sa isip ko.
-
"Iva, saan ka nanggaling?" salubong ni Justin pagka-bukas ko ng pinto ng condo.
"Nagpahangin lang, Jus."
"Sa ganitong oras?"
I nodded.
"Nag-alala ako." aniya.
Lumapit naman ako at umupo doon sa tabi niya.
"You don't need to. I can take care of myself."
I smile. Matapos ang gabing pag-amin ko kay Justin, hindi na kami nagkita muli. Siguro, sapat na yung malaman namin ang nararamdaman namin sa isa't isa. Hindi pa ako handang tumuntong sa susunod na level ng relasyon namin ni Just. I know the important thing is, we're comfortable with each other.
Kailangan kong tapusin ang misyon ko bago diyan.
"Can I stay here? Only this night."
"Sure." magaan kong ani.
We sleep comfortable this night. Didn't think what may happen the next day.
BINABASA MO ANG
Iva Escondido (Completed)
Misterio / SuspensoCompleted | Under Edit "Your blood will be your payment" -Iva Escondido