Ang babaeng pusa? Sus.
Panaginip ko lang yan e.
Buti nalang si zhelle mabaet at hinding hindi ako sasaktan ng pisikal.
Kahit kelan di ako magmamahal ng babaeng pusa kung magalit.
I swear.
Pero ang nakakapagtaka lang? Kung bakit parang totoo ang mga pangyayare?
Kung bat pag gising ko hingal na hingal ako.
"Ian baby. Tara na diretso tayo sa duty free bilisan mo maglakad." Sabi ni zhelle
"Opo" tas nag smile ako sakanya.
Habang nasa duty free kami may naka bangga akong babae at nahulog yung mga paper bag niyang dala.
Agad ko namang pinulot to.
"Sorry miss. Di ko sinasadya" Tas binigay ko yung mga paper bag niya. Bat ba kase dami daming binili neto e.
Pagka bigay ko sakanya bigla akong tumingin sakanya. At inirapan ako sabay sabi niya "Che! Sa susunod tumingin ka sa dinadaanan mo. Idiot!"
Ang taray naman ng babae nun.
Parang pusa kung magalet.
Pero bigla kaming nanahimik at parang may naisip.
Teka. Bat kamuka niya si arrheng?
"Arrheng?" "Ian?" Sabay naming sabi.
"IKAW YUNG NASA PANAGINIP KO?" Sabay ulit naming sabi.
"Ikaw ba talaga yan?" Sabay ulit.
Biglang nag grin siya. "Ano ba? Wag mo ko sabayan mag salita!!!" Sigaw niya.
"A. Sorry sorry. Anong pangalan mo?" Sabi ko.
"Oh. Im sorry. Di ako nagpapakilala sa stranger. And yea, I need to go" Sabay walk out.
"Baby kanina pa kita hinahanap nandiyan ka lang pala. Tiyaka sino ba yung babaeng kausap mo?" Sabi ni zhelle
"A wala baby. Nabangga ko lang. Ang taray taray nga e."
"Hay nako baby. Papansin lang sayo yun. Pano pogi pogi kase ng baby ko. Kaya kunware maldita para magpapansin sayo" Tas ngumiti siya.
"Ikaw talaga baby. Bolera ka! Tara na nga mamili na tayo." Tas kiniss ko siya sa noo.
Maya maya habang namimili kami may nakita akong sabon.
At ang model nun ay si.. Guess who? Yung babaeng mataray kanina.
Na kamuka yung babae sa panaginip ko.
Model pala siya a? Kaya pala ang taray taray.
Maya maya natapos na kami sa pamimili.
Naka tatlong cart kami at punong puno yung pinamili namin.
Marami kase kaming pag bibigyan.
First yung mommy at daddy niya. Then mga yaya namen at mga kaibigan namen.
At syempre stocks na den sa bahay ko para pag nagutom ako.
Hinatid ko na si zhelle sa bahay nila at nag goodnight kiss ako.
Pag uwi ko agad kong tinawagan yung kaibigan kong si Harold para mag hired nang katulong.
Tapos nun, nilagay ko na yung mga pagkain sa ref.
Punong puno na yung ref ko.
Sa gilid 1 dozen of eggs.
Tapos sa freezer Beef, pork, chicken, shrimp, fish. Mga ilang pcs ng ganon.
Tapos sa unang layer ng ref ko mga pang foodtrip like chicharon na niluluto, mga cupcakes. Polvoron, ensaymada, chocolates, candies.
Sa 2nd layer mga drinks. Halos puro wine lang at mogu mogu
At dahil parang cabinet yung ref ko, sakabila nun puro chichirya naman.
At sa 2nd layer puro dairy milk, soya milk, yogurt. Iba't ibang flavor.
Tas sa gilid puro softdrinks.
Tas sa pinaka dulo na kabila ng ref puro pancit canton.
Sa kabila naman puro cilup noodles.
Okay na to. Yung mga natira pamimigay ko nalang sa mga batang namumulubi.
Para imbis na yung perang hinhingi nila, hindi mauuwi sa sugal.
Kase pagkaen ang ibibigay at for sure mabubusog sila.
Okay. Goodnight na tutulog na ko.
Bago yun nag pray muna ako.
"Dear Daddy God,
Super saya ko ngayon kasi naging kami nanaman ni zhelle. Kala ko yung babawng minahal ko ng sobra mawawala na ng tuluyan.
Lord natatakot lang ako kase yung sign na hiningi ko sayo diba yung about sa kiss?
Pero daddy God kung ano yung will mo alam ko yun yung pinaka best na mangyayare saken.
Pinag pepray ko rin po yung mga taong nabubuhay. Una sa mga may sakit pagalingin mo sila.
At kung hindi po sila gagaling alam ko everything happens for a reason.
Pangalawa po yung mga taong may problema.
Dun kalang po sa tabi nila at tulungan mo silang malagpasan yung problemang yun.
At pangatlo sa taong minamahal ko ng sobra. Si zhelle po. Pag wala ako sa tabi niya ikaw na ang mag bantay saknya ha daddy God.
Yun lang po. . .
Ay teka pinag pepray ko din po na wag ko na mapanaginipan yung babaeng pusa kung magalit.
In jesus name I pray amen."
At natulog na ako pag tapos.
BINABASA MO ANG
Ang babaeng mataray sa aking panaginip?
Teen FictionMaraming storyang pareparehas. May nainlove sa bestfriend. May na first love. May nagmahal ng totoo at niloko lang. May mga natatapos sa happy ending at meron din namang masaklap ang ending nila. Sa storyang ito halos lahat ng storya sa lovelife nar...